Subscribe
Balitang 40 sa 82 Repatriated Filipinos mula sa Italy ay POSITIBO sa Covid-19, FAKE! • Quattro Club Journals
Quattro Club Journals

Balitang 40 sa 82 Repatriated Filipinos mula sa Italy ay POSITIBO sa Covid-19, FAKE!

Lulan ng Philippine Airline Airbus A350-941 XWB ay nagbalik-bayan ang 82 repatriated Filipinos na galing sa bansang Italy. Baon nila ang pasasalamat sa lahat ng mga nasa likod ng proseso ng repatriation assistance na ito ng gobyerno. Ayon sa artikulong inilathala ng Ako ay Pilipino, inihapag ng OFW Watch Italy at Task Force Covid 19 ang rekomendasyon sa Department of Foreign Affairs na naglalayong ipahatid ang kahilingan ng ilang OFWs na makauwi sa ating bayan. Ilan dito ay 2 buntis, 3 bata, estudyante at ilang matatanda.

Matatandaang nakabantay ang naturang grupo sa bawat update ng repatriation mula sa preparasyon bago lumulan sa eroplano hanggang makalapag sa destinasyon ang ating mga kababayan. Narito ang ilan sa mga larawang kuha ng grupo.

***photo credit to OFW Watch Italy***
***photo credit to OFW Watch Italy***
***photo credit to OFW Watch Italy***

Bawat update ng balita ay naglalaman ng maayos na kalagayan ng mga repatriated citizens ngunit noong ika-30 ng Abril, 2020, isang Facebook user ang nag-share mula sa FB page na nagngangalang The Adventures of Lourd Nhaz – ng isang balitang gumulat at nagbigay ng pag-aalala sa marami. Diumano, 40 sa 82 Filipinong umuwi ay positibo sa Covid-19.

***a screenshot of the said post is taken to provide source***
***Please check the time 15:52-16:02***

Narito ang orihinal na video na galing sa mismong Youtube Channel ng Eagle News (15:52-16:02)

Ang naturang post ay may 49 comments at 13 shares at sa mismong page naman ay may 18 comments, may 49 shares at sa kasalukuyan ay may 4.3k views.

***a screenshot of the said post is taken to provide source***

Kahapon, ika-1 ng Mayo, 2020, ay muling nag-post ang grupo ng update tungkol sa swab test na isinasagawa sa mga umuwi. Patunay na hindi totoo ang unang napabalita na agad nang natukoy na may 40 nagpositibo sa mga ito.

Marami ang haka-haka at nagkaroon ng palitan ng opinyon tungkol sa balitang ito. May mga nagdududang posibleng ito ay totoo at may mga nagsasabi namang imposible dahil naging mabusisi ang pagsusuri mula sa Italia hanggang sa buong biyahe ng mga umuwi. Gayonman, narito ang ilang screenshot ng sagot na nakuha ng Quattro Club Journals mula sa mismong Eagle News na naglabas ng naturang balita.

Hanggang sa mga oras na isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa sumasagot ang Eagle News. Gayonman, umaasa ang marami na hindi magkatotoo ang balitang ito at nawa ay maging negatibo ang resulta ng swab test sa ating mga kababayaan na inaasahang lalabas matapos ang 2 o 3 araw.

Please feel free to comment

error: Content is protected

Thank you for opening your door to Quattro Club Journals!

There was an error while trying to send your request. Please try again.

Quattro Club Journals will use the information you provide on this form to be in touch with you and to provide updates and marketing.

If you want to receive more informative blog articles, product updates, and free vouchers, allow us to keep in touch with you.

%d bloggers like this: