Subscribe
Ano ang Satispay Budget at paano ito gamitin? • Quattro Club Journals
Quattro Club Journals

Ano ang Satispay Budget at paano ito gamitin?

Kung isa ka sa mapalad na naaprubahan at napagkalooban ng Buona spesa ng Comune, at pinili mo ang Satispay, tiyak na may balanse o laman ang Satispay mo ngayon. Alam mo ba na ang Budget update ng Satispay ay araw ng Linggo, ganap na 23:59? Ano ang ibig sabihin nito?

Ano ba ang tinatawag na Satispay Budget?

Tumutukoy ito sa halagang kailangan mo sa buong linggo gamit ang iyong Satispay app. Ibig sabihin, kung may plano kang gamitin ang balance mo sa mga services ng Satispay, kailangan mong i-update ang iyong Budget.

Kung sa oras ng update, ang balanse mo ay higit sa iyong naka-set na Budget, ang labis na pera ay mapupunta sa banko mo na konektado sa Satispay. Halimbawa, ang Budget mo ay naka-set sa €10 at ang balanse mo ay €100, ang labis na €90 ay mapupunta sa iyong bank account.

Kung sa oras ng update, ang balanse mo ay mababa ng €5 sa iyong naka-set na Budget, ang kulang na halaga ay awtomatikong kukunin sa iyong banko at mapupunta ito sa iyong Satispay account.

Kung sa oras ng update, ang balanse mo ay tugma o pareho sa iyong naka-set na Budget, walang top up na mangyayari. Top up ang tawag sa proseso ng pagkuha ng pera sa iyong bank account upang mamintina ang budget na isinet mo so iyong Satispay account.

Halimbawa: Isinet mo na ang iyong Budget ay €100. Sa araw ng Martes ay nagamit mo ang €20 upang i-load ang iyong cellphone. Sa araw ng Biyernes ay nagamit mo naman sa groceries ang €30. Ang total na halaga ng iyong gastos ay €50 at ang natitira sa iyong Balance ay €50. Mababa ito ng €50 sa isinet mong budget kaya sa katapusan ng linggo, sa oras ng update, ang kulang na €50 ay awtomatikong kukunin sa iyong bank account at ilalagay sa iyong Satispay Balance. Top up ang tawag dito.

Kung ang Budget ko ay €25, regular bang kukuha ng pera sa aking bank account ang Satispay?

Hindi. Sa unang top up ay kukuha ng €25 sa iyong bank ang Satispay ngunit ang mga susunod na top up ay depende na sa iyong Balance. Kung ang Balance mo ay hindi mo ginamit sa buong linggo, walang ano mang top up na mangyayari. Tandaan lamang na tuwing Linggo, 23:59 ang update ng Satispay.

Narito ang mga screenshot ng update ng isang Satispay user:

Aprile 21 (Martes), ang Satispay user ay nag-Top up ng halagang €25 kaya mula sa bank account ay nalipat ang halagang iyon sa kanyang Satispay Balance. Kinabukasan, binago niya ito at isinet sa zero pero hindi nag-update o bumalik ang €25 sa kaniyang bank dahil ayon sa mismong app, ang araw ng update ay Linggo pa. Pagdating ng April 27, 12:53am, madaling araw ng Lunes ay awtomatiko ngang bumalik sa bank account ng user ang €25.

Sa sumunod na araw ay binago ulit ng user ang Budget at muli itong ginawang €25 pero dahil kulang ang laman ng kaniyang bank account, nanatiling In progress lang ang kaniyang request. Sa oras na may sapat ng pera ang bank account ng user, awrtomatiko ulit itong magsasagawa ng Top up.

Pricing

Narito ang malinaw na halaga ng Satispay charges para sa personal at business account:

Personal Account Pricing

Sign up or account deactivationfree
Balance top upNo costs applied by Satispay
Money transfers to bank accountfree
Sending and receiving money from contactsfree
Paying storesfree
Buying Phone Top-upsfree
Creating and sending Giftsfree
Depositing and withdrawing money from Money Boxesfree
Donating to non-profit organisationsfree
Paying Payment Slips, pagoPA bills and Road Taxes€1.00

Business Account Pricing

Sign up or account deactivationfree
Money transfers to bank accountfree

Brick & mortar

Transactions less than or equal to €10free
Transactions above €10€0.20

E-commerce web

Transactions less than or equal to €100.5%
Transactions above €100.5% + €0.20

UPDATE: Ayon sa Satispay, ang buona spesa na galing sa Comune ay hindi maaaring gamitin bilang pambayad ng bills o i-transfer sa inyong mga bank account as cash. Ito ay mananatili sa inyong Satispay account at kahalintulad ng voucher na maaaring magamit pambili ng groceries at gamot. Gayonpaman, may isang Satispay user na nakaranas na ipambayad ang kaniyang buona spesa sa luce at gas niya at ito ay tinanggap ng Esselunga. Posibleng may iba-ibang tipo ang buona spesa na galing sa gobyerno kaya mas mabuting personal na magtanong sa Satispay tungkol dito.

Kung may iba pang katanungan, maaaring bisitahin ang mismong website ng Satispay o ang Help Center ng mismong app sa iyong mobile phone.

2 thoughts on “Ano ang Satispay Budget at paano ito gamitin?

  1. Dumating na yung 300 na buon spesa pero diko magamit dahil yung IBAN ko sa Satispay ay di inaksep pero na activate ang app.everytime n may bibilhin ako at ilalagay ko ang amount at isend ko sa store error ang lumalabas kahit may balance na 300. Bakit ganon?

    1. Ciao po! Kailan niyo po ito sinubukang gamitin? Noong mga nagdaang araw kasi ay hindi pa daw nagmamanda ng pin ang comune sa mga establishment pero mula kahapon ay ok na daw. Also, I received an info na hindi daw required na i-connect ang IBAN kung para sa buona spesa na galing sa comune. May mga user ng satispay na hindi po connected sa bank.

Please feel free to comment

error: Content is protected

Thank you for opening your door to Quattro Club Journals!

There was an error while trying to send your request. Please try again.

Quattro Club Journals will use the information you provide on this form to be in touch with you and to provide updates and marketing.

If you want to receive more informative blog articles, product updates, and free vouchers, allow us to keep in touch with you.

%d bloggers like this: