Quattro Club

The Mouse and the Kitten 1 (Chapter 1)

“HI, Max! Gising na ba ang kuya mo?” masayang tanong ni Cindy, ang current girlfriend ng Kuya Miguel niya. Nakatayo ito sa labas ng gate nila, wearing a pair of shorts and a cotton hanging blouse. She was a Nursing student and her brother had met her just a few days ago. Kailan lang nagkakilala ang mga ito pero girlfriend na agad ito ng kapatid niya. Well, she couldn’t blame her, guwapo ang kuya niya. Idagdag pang maboladas ito, ayon na rin sa mama niya.

“Hoy, Kitty, tinatanong ka noong tao. Nariyan daw ba ang kuya mo?”

Mabilis siyang napalingon kay Daniel, ang kaibigan ng kuya niya na nakatira sa kabilang bahay. Nagdi-dribble ito ng bola habang nakangisi sa kanya. Pinanlakihan niya ito ng mga mata bago ibinalik ang tingin kay Cindy.

“Wala siya rito eh. May…kailangan ka?” Atubili man ay napilitan siyang lumapit sa gate, para na rin niyang naririnig ang sermon ng mga magulang nila tungkol sa ‘good manners and right conduct.’

“Wala ba? Nag-text kasi siya sa akin kanina at ang sabi ay…oh well, sige, hindi bale na lang. Just please tell him na dumaan ako. If he asks about me, sa clubhouse ako pupunta.”

Tumango lang siya at ngumiti nang pilit rito, some sort of a dismissal look. Kumaway na ito at nagsimulang mag-jog habang papalayo. Noon niya narinig ang papalapit na tunog ng bolang kanina pa hindi matahimik kay Daniel. Hinarap niya ito at inagaw ang bola nitong hawak.

“Nakakainis ka talagang daga ka! Muntik mo na akong ipinahamak kanina!”

“Ako? Bakit?” takang-taka ito na nakaturo pa ang mga kamay sa sarili. “Wala naman akong sinabi, hindi ba?”

“Bakit kasi hindi ka na lang sumagot na wala rito si Kuya! Kung ako si Cindy, makakahalata akong nandito nga si Kuya!” Bahagya niyang idinabog ang mga paa at saka padarag na ibinalik ang bola kay Daniel. Sa dibdib nito iyon tumama at bahagya itong napaigik.

“Bakit kasi nagsinungaling ka pa? Nasa loob naman talaga ang kuya mo, hindi ba? Paano kung makausap niya si Cindy at malaman ang ginawa mo?” nakangiti nitong sabi.

Umingos siya bago nagsalita. “Hindi iyon magagalit sa akin. He knows very well I don’t like his current girlfriend. Masyadong flirt. Dapat pa nga niya akong pasalamatan sa ginagawa ko para sa kanya.”

Napailing si Daniel. Naramdaman na lang niya ang pag-akbay nito.

“Hindi mo iyon dapat ginagawa, Kitty. You’re becoming too possessive. Miguel is older than you but look, hindi siya ganyan ka-weird sa pagbabantay sa’yo. Don’t overdo it, okay.”

Napasimangot na naman siya.

“You know what? I think you just need to fall in love. Siguro, maiintindihan mo na ang kuya mo kapag nangyari iyon. Hindi mo na siya babakuran at higit sa lahat, magdadalaga ka na.”

Natahimik siyang bigla. Hindi alam ni Daniel ang pinagsasasabi nito. Anong magdadalaga? Anong ma-i-in love? Kung alam lang nito ang nasasaloob niya, tiyak na katakot-takot na kantiyaw ang aabutin niya rito. Mabilis niyang inalis ang braso nitong nakasampay sa balikat niya at saka niya ito hinarap.

“Hindi ko kailangang ma-in love para lang maintindihan ang kuya ko, okay. You know why? Dahil hindi naman siya in love! Isa lang ang Cindy na iyon sa mga babaeng pinaglilibangan ni Kuya dahil hanggang ngayon, alam kong si Nadine pa rin ang mahal niya.”

Si Daniel naman ang napailing. She knew the story between the two. They fell in love with each other five years ago. It was just sad that Nadine had to leave for California. Naroon kasi ang mga magulang nito pero nangako itong babalik at marahil ay iyon ang hinihintay ng kuya niya. Siyang dahilan marahil kung bakit ngayon ay hindi ito nakukuntento sa iisang babae.

“I hate the word, all right. Ano bang mahal-mahal. Sabi mo nga, hindi nakukuntento ang kuya mo sa iisa. Meaning, hindi siya masaya. Tell me what could these people get from being in love?”

“E ‘di sakit, ano pa?”

Nang lumingon sa kanya si Daniel sa nagtatakang anyo ay kinindatan niya ito.

“Sakit sa puso – tulad ni Kuya!” aniya at saka tumawa. Noon lumabas ang kuya niya, pupungas-pungas pa pero naka-jersey na.

“I’m ready! Dumaan ba si Cindy rito?” tanong nito.

“Ewan!” halos magkapanabay nilang sagot ni Daniel.

SIYA si Maxene Buenaflor, pangalawang anak nina Mr. Rogelio at Mrs. Carmina Buenaflor. Ang nakatatanda niyang kapatid na si Miguel ay nasa ikalima at huling taon na sa kurso nitong Architecture samantalang siya ay nasa ikalawang taon pa lamang sa kursong Business Management. Pangarap niyang magtayo ng sariling negosyo balang araw habang ang kapatid naman niya ay gustong magkaroon ng sariling painting gallery.

Their parents were both supportive. Kahit kailan ay hindi nagdikta ang mga ito sa kung ano ang dapat nilang tahakin balang araw. She was truly grateful because of that and in fact, she considered that a blessing in their family. Kaya naman masaya ang kanilang pamilya at kahit hindi na natupad ang nais ng mga magulang na magkaroon pa sila ng dalawang kapatid, kuntento na sila.

She was barely ten years old when one of the biggest crises in her life came. Nalugi ang hayupan ng papa niya dala ng sakit na dumapo sa mga baka nito. Halos three fourths ng populasyon ng mga hayop ay nagkamatay. Inakala nilang makababawi sila sa poultry pero tulad ng baka, nalugi rin sila roon. Nag-atrasan ang mga dati na nilang kliyenteng binababaan noon hanggang tuluyan na silang na-bankrupt. Gumawa pa rin ng paraan ang papa niya pero talagang malas marahil, patuloy silang nalubog sa utang. Dahil doon ay napilitan ang papa niyang ibenta ang farm nila gayundin ang ancestral house nilang tinutuluyan. Kahit paano’y nakaluwag sila, nakabili ng maayos na bahay sa isang maganda rin namang subdivision sa Maynila at doon ay gumawa sila ng bagong buhay.

Noon niya nakilala si Daniel, ang bunso sa limang anak nina Mr. Tony at Mrs. Glenda Fulgencio. Ang tatlo nitong kapatid na lalaki ay may kanya-kanya ng pamilya habang ang nag-iisa namang babae na si Milette ay nagtatrabahong nurse sa America.

Daniel was no different to her brother. They went to the same school, only that Daniel was taking up Chemical Engineering. Kapwa mahilig sa basketball kaya madaling naging magkaibigan ang dalawa. Mula noon ay kuya na rin ang tawag niya rito at tulad ng kapatid, maalaga rin ito sa kanya. Itinuturing siya nitong nakababatang kapatid. Ang problema, hindi naman ganoon ang tingin niya para rito.

The truth was that she couldn’t help being drawn to Daniel. She was very much into him. Matagal na. Dahil hindi naman siya lumaking nasa paligid lang ito, his image was something new to her system at that time. Sa panahon pa namang malapit na siyang magdalaga noon. Kung kailan namulat na siya sa kahulugan ng pagkakaroon ng ‘crush.’ Sino ba ang hindi magkakagusto rito gayong bukod sa pagiging guwapo nito at matipuno ang pangangatawan, maalaga pa at malambing. Constant fixture ito sa bahay nila. Walang araw na hindi niya nakikita kaya naman madaling na-develop ang feelings niya para rito.

Pero hanggang doon lang iyon at walang kahit sinong nakakaalam ng tungkol doon. Not even her friends. Not even her own family. Alam niyang hindi rin iyon magugustuhan kahit ng kuya niya so she just decided to forget him. Or at least, hindi man niya ito ganap na makalimutan ay sinisikap naman niyang hindi mabaon sa damdaming iyon para sa lalaki. After all, she knew here feelings wouldn’t be reciprocated.

Daniel would never like her kind. He actually preferred her exact opposite. Boyish siya at bruskong kumilos, babaeng-babae naman ang gusto ni Daniel. One more thing, he had a girlfriend. Girlfriends, rather. Kahit pa sabihing minsan man ay hindi ito umamin ng pagkakaroon ng nobya, marami namang babae ang idini-date nito. Hindi raw girlfriends ang tawag doon ni Daniel – constant dates lang daw. So be it.

“HELLO ‘Be! Mukhang nakasimangot ka na naman!”

Mabilis ang naging paglingon ni Maxene sa kanilang gate. She widened her eyes as if surprised with Daniel’s presence, gayong ang totoo’y kanina pa niya hinihintay ang lalaki.

“Be na naman? I’m not a baby anymore!” kunwa’y maktol niya. Ang akala niya’y nalimot na nitong tawagin siya sa ganoong paraan. It had been three days since he stopped calling her such name. Bilang na bilang niya. Tatlong araw na rin siyang nalulungkot at nami-miss na tawagin nito sa ganoong paraan. Kung hindi kasi matunog na Max ay Be ang tawag nito sa kanya. Baby daw kasi ang tawag sa kanya ni Yaya Metring at ng kanyang papa kaya nakikigaya lang ito. Kung minsan naman ay Kitty siya para dito. Kahit tunog pusa ay ayos lang basta ito ang tatawag ng ganoon sa kanya.

“Nag-college ka lang, biglang hindi ka na baby? Bakit? May crush na ba ang baby na iyan?” He pinched her nose so she grabbed his hand. Tumawa lang ito.

‘Stop laughing, you jerk…it’s melting my heart…’ “Wala po! Hindi uso sa akin ang crush-crush na iyan. Makapaghihintay naman ang tungkol sa mga ganyan.” Inilayo niya ang tingin mula rito. He was really gorgeous. Asset nito ang mapupungay na mga matang sumasabay sa bawat pagngiti nito.

“Good girl! So what are you doing here outside your house? Nag-jog ka ba?”

Napayuko siya sa sarili. Obvious naman sa suot niya pero hindi siya puwedeng magsinungaling dito. He knew her very well; he knew exactly when she was telling the truth and when she was not. Sino ba ang maniniwalang nag-jog siya kahit pa sabihing naka-jogging pants, at rubber shoes siya gayong basang-basa pa ang buhok niya dahil halos katatapos lang niyang maligo. Hindi naman siya mahilig mag-jogging, sadyang gusto lang niyang makita si Daniel kaya gumagawa siya ng paraang mapalapit rito.

“Be, it’s already late. Kung ngayon ka pa lang lalabas, mainit na. Get inside, ipaghain mo na lang ako ng almusal.”

Kung bakit may bahagya siyang kilig na naramdaman sa sinabi nito ay hindi niya alam. He just called her ‘Be’ and she knew for a fact he meant ‘baby.’ Kahit pa iba ang level ng endearment na iyon para rito, still it was pleasant to her ears. Pakiwari niya ay sanlaksang paru-paro ang nagliliparan sa kanyang paligid. Ngayon naman ay nagre-request pa ito ng almusal.

‘How sweet…’

Humakbang na siya papasok pero halos wala sa sarili dahil ang kanyang buong sistema ay aware na aware sa braso ni Daniel na nakasampay na naman sa kanyang balikat.

“Kuya, ang bigat ng braso mo, ano ba!” aniya na kunwari ay hindi maingat ang braso nito.

“Sobra ka naman…” anitong tila biglang nagtampo. Napansin niya ang matiim nitong pagkakatitig.

“O bakit?” naiilang niyang tanong.

“Ano ‘yan?” tanong nitong nakanguso sa kanya.

Nahaplos niya ang sariling mukha. “Bakit?”

“Ano ang nangyari diyan?” Napangiti ito nang buong kapilyuhan.

“Alin ba?”

Yumuko ito sa kanya at may kung ilang sandaling pinangapusan yata siya ng hininga. Titig na titig ito sa kanya habang siya naman ay hindi maiiwas ang sarili. Akala niya’y hahagkan siya nito.

“For Pete’s sake, may lipstick ka, Be!”

Napaikot ang mga mata niya. Tiyak na bubuskahin na naman siya nito sa loob ng maghapong iyon.

“Bakit? Masama bang mag-lipstick?”

“No…but this early? At inakala ko pa namang sa clubhouse ka pupunta kanina.”

“Tama ang akala mo at tama rin ang nakikita mo. Naka-lipstick ako. So what? I’m already nineteen!”

“May boyfriend ka na ba?” His voice suddenly became cold. Napailing siya sa ibig ipakahulugan niyon. He was now acting ‘kuya’ once again.

“Wala.”

Muli itong umakbay sa kanya. “Be, isantabi mo muna ang mga boys, okay. Mag-aral ka muna. Makapaghihintay kami.”

“W-what?”

“I mean, makapaghihintay kaming mga boys. Kailangang mag-aral muna kayong mga babae saka niyo na kami intindihin.”

Napabuntong-hininga siya. Kailan kaya nito mapapansin na hindi isang ‘kuya’ lang ang tingin niya rito? Kailan kaya ito magtatapon ng pansin sa kanya nang higit sa isang nakababatang kapatid?

Inalis niya ang braso ni Daniel at saka kumawala rito. “I’ll just prepare our breakfast. Kung anu-ano na naman ang mga sinasabi mo, Kuya Mouse.”

Tumawa lang si Daniel. Ilang sandali pa ay bumaba na rin ang kuya niya maging ang mga magulang at sabay-sabay na silang kumain kasama si Daniel.

“Hijo, kumusta naman ang mga mama mo? Hindi kami nagkikita ni kumpare, kapwa busy sa mga negosyo,” anang papa niya sa gitna ng almusal.

“You’re right, Tito. Busy sila ni Mama sa pag-ma-manage ng resort lalo at peak season ngayon.”

“That’s good to hear, ha. Tingnan mo nga naman. Kailan lang ay pinaplano niyo pa lang ang pagpapatayo ng resort pero heto ngayon at stable na,” saad naman ng kanyang mama. Inabot nito ang bandehado ng kanin at ibinigay sa kanya, pagkuwa’y sinenyasan siyang dulutan din ng kanin si Daniel – which she did wholeheartedly.

“Thanks, Be,” anitong nakangiti. Maging ang mga magulang niya ay sanay na rin sa tawag na iyon ni Daniel sa kanya. Parang balewala sa mga ito ang narinig.

Napatingin siya kay Daniel nang yumukod ito upang abutin ang ulam pero sa halip na sa pinggan nito maglagay ay sa pinggan niya ito naglagay ng ulam. Iyon ay sa gitna ng pagkukuwento nito habang kumakain at ni hindi nakatingin sa kanya. Kahit busog na ay hindi niya pinigilan si Daniel. She liked what he was doing. Nakakataba ng puso. Nakakahaba ng bangs. Napangiti siya sa sarili.

“Eat more, Max. Huwag kang pumaris sa mga kaedad mong sobra kung magpapayat. You’re becoming thin, hindi bagay sa’yo,” anitong nakangiti nang bumaling sa kanya.

Napansin niya ang pagpapalitan ng tingin ng mga magulang. Kasunod niyon ay ang pagtikhim ng Kuya Miguel niya. Nagbiro itong may pinagpapa-sexy-han daw siya.

“Stop teasing me, Kuya! Wala akong pinagpapa-sexy-han, okay! Hindi ko na kailangan dahil sexy na ako!”

“Wow-wow! That’s the spirit!” Nakipag-high five pa si Daniel sa kuya niya na ikinainis niya. Talaga nga sigurong baby lang ang turing nito sa kanya. Isang batang nauuto at object ng pang-aasar.

“Okay, fine! Sige na, aamin na ‘ko! May crush na nga ako!” nabigla niyang sabi. Nagtagumpay naman siyang makuha ang atensiyon ng lahat dahil doon.

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: