Quattro Club

The Mouse and the Kitten 1 (Chapter 10)

HINDI alam ni Maxene kung matatawa o maiinis siya kay Daniel. They were fighting just a few days ago and now everything had changed. Kung noong una ay siya ang gumagawa ng paraang makipag-usap kay Daniel, ngayon ay ito na ang gumagawa niyon. Parang nakalimutan na agad nito ang mga nangyari.

He seemed so concern about her. Natuwa nga siya nang ipaalala nito ang allergies niya sa mais partikular sa pop corn. Nagbalik tuloy sa isip niya na tuwing manonood sila ng sine kasama ang kanya-kanyang pamilya ay burger ang binibili ni Daniel para sa kanya. Kung hindi ito makakasama sa panonood ng sine ay mahigpit pa nitong ipinagbibilin sa kuya niya na burger sa halip na pop corn ang bilhin para sa kanya.

Ngayong naalala niya ang mga iyon ay saka niya na-realize kung gaano kapamilyar sa kanya si Daniel. She should be happy but she felt sorry for herself, instead. Ang magandang samahan ng kanilang mga pamilya, ang mga alaalang iyon marahil ay isang solidong dahilan na upang kailanman ay hindi magkakaroon ng pagtinging higit sa pagiging magkaibigan si Daniel sa kanya. She would just remain a kid sister to her. Sa isiping iyon ay malungkot siyang napahugot ng malalim na paghinga.

PAGLABAS ng sinehan ay agad na nagyaya si Daniel na kumain. Magalang iyong tinanggihan ni Eric at sinabing may pupuntahan pa sila pero sa halip na pagbigyan ay narinig niya ang conviction sa tinig ni Daniel. “We need to eat first. Late na. Matapos kumain ay saka kayo maglibot sa mall,” anito at saka nagpatiuna sa paglalakad. Sumunod si Alaine dito habang nagkatinginan naman sila ni Eric. Tumango ito nang makita ang mensahe sa mga mata niya.

Pumasok sila sa isang kamayan restaurant kung saan Filipino dishes ang isini-serve. Nagsimula nang magbigay ng order si Eric. Sugpo, alimango at fish fillet ang order nito. Tuna omelette, boneless bangus, relyenong isda at talong naman ang kinuha ni Daniel. Napatingin siya rito at noon niya napansing nakatitig pala ito sa kanya. Kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba sa uri ng pagkakatingin nito ay hindi niya alam. Kabisado talaga nito ang mga paborito niya. Marahan siyang napangiti.

Nagsimula na silang kumain pero pakiwari ni Maxene ay naroon pa rin ang hindi maipaliwanag na tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki.

“Soda drink, Max?” tanong ni Eric. She was about to accept the drink when Daniel butted in.

“I’m sorry but Maxene prefers water than soda,” anito.

Napatingin siya rito. Kung sana lang ay marunong itong bumasa ng warning look.

Hindi naman kumibo si Eric at pinabayaan lang nito si Daniel na bigyan siya ng tubig. “Gusto mong ipagbalat kita ng crab, Max?”

“Oh she hates that. She’ll sneeze to death if you insist.”

“Hindi mo yata nabanggit sa akin ang mga allergies mo, Max. Medyo marami pala,” biro ni Eric.

“Kuya Dan, I’m perfectly fine now. Na-surpass ko na ang mga allergies na ‘yan so just please leave me alone, okay.”

Sa paningin niya ay dumilim ang anyo ni Daniel. Nakakunot ang noo nito at seryoso ang aura. Hindi niya ito magawang tingnan sa ganoong mood.

“Max is right, Dan. Malaki na siya kaya pabayaan mo na siya. You keep on saying that she still needs you and Migz. We’re on the same age, remember?”

“But I can take care of you.”

“Yes, you can—kung gugustuhin mo lang.” May pait sa tinig ni Alaine at bahagya siyang nakaramdam ng guilt sa puntong iyon.

“Pare, wala kang dapat ipag-alala. I can also take care of your ‘little sister,” sabad ni Eric.

Nagbuntong-hininga ito at saka napailing. “All right. Wala na akong sinabi.” Pagkuwa’y bumaling ito kay Alaine. “Are you all right? How do you find the food? Eat more.”

“Ayoko nga. Tataba ako. I’m sure, ayaw mo niyon,” sagot naman ni Alaine, pouting.

“And who said that? I love girls who are not very particular with their figure. I love to eat a lot, remember.”

“Wait, paano kung hindi ako marunong magluto, who will cook for you when we get married?” nag-aalala nitong tanong.

Biglang napaubo si Daniel, gayunman ay sinagot nito nang nakangiti ang tanong ni Alaine. “Alangan namang kapitbahay, hindi ba? Ikaw, of course. Or ako if I have time.”

“But how about my career?”

“Can’t you cook while having your career at the same time? Well maybe, I could also suggest you to resign from work just in case.”

“What? Pero akala ko—”

“Akala mo lang iyon,” putol ni Eric sa sinasabi ni Alaine.

Nanlalamig na ang mga kamay ni Maxene sa itinatakbo ng usapan. She had a hint something was about to explode in just a minute. Paano kung mabuko siya sa mga kalokohan niya?

“Dahil kahit ano ang mangyari, mas mahalaga ang pamilya kaysa ano pa mang bagay sa mundo.”

“Eric?” bulalas niya, agad na kinutuban sa nagaganap na usapan. Naalala niyang magkakilala ang dalawa. Na-recognize ng mga ito ang isa’t-isa noong gabi ng concert pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na itanong kay Eric kung bakit magkakilala ang mga ito.

“May mga tao kasi sa paligid na pinipiling manira ng isang masayang pamilya para lang sa pangarap nila.”

“Nagpaparinig ka ba? Kung ganoon, gusto kong ipaalam sa’yo na wala akong tangkang sirain ang pamilya mo!” madamdaming sabi ni Alaine na ikinabigla nila ni Daniel. Sa mga sumunod na sandali ay hindi na sila alintana ng dalawa. Ang mga ito na lang ang nag-usap o mas sabihing nagsumbatan.

“Wala nga ba, Alaine? Kung ganoon ay ano ang ginagawa mo ngayon? Karelasyon mo ang papa ko habang nobyo mo rin ang lalaking ito? Hindi ka ba nahihiya?”

“Hindi mo naiintindihan—”

“Talagang hindi kahit kailan! Isang pagkakamaling nagkita tayong muli, Alaine! I just hope you just disappeared right after we talked that night!”

“Teka, magkakilala ba kayo?” maang na tanong ni Daniel.

“Siya ang babaeng tinutukoy ko kay Maxene. She was my girlfriend but we stopped seeing each other when I found out her illicit affair with my father!”

“I stopped seeing you dahil iyon ang pinakatamang gawin, Eric! Kung kaya ko lang ipaliwanag sa’yo ang lahat!”

“Na hindi ko naman talaga maiintindihan! Paano kong mauunawaang narating mo lahat ng tinatamasa mo ngayon dahil sa papa ko? Na tuluyang nasira ang pagsasama ng mga magulang ko dahil sa’yo—dahil sa babaeng minsan kong minahal at pinangakuan ng kasal? Sabihin mo nga Alaine kung paano!”

“How dare you judge me without talking to me first! How dare you say you loved me when you didn’t even trust me at all! How dare you, Eric!”

Sa isang iglap ay mabilis na tumayo si Alaine at nagtatakbong palayo habang umiiyak. Akmang tatayo si Daniel nang awatin ito ni Eric.

“Pare, I need a huge favor from you this time. Please take care of Maxene. Ako na ang susunod kay Alaine if you don’t mind.”

“You have issues,” anito. “I think you really need to talk. Ihatid mo siya kung maaari.”

Mabilis na ring sumunod si Eric kay Alaine matapos magpaalam sa kanya. Nangako itong ipagtatapat sa kanya ang lahat sa susunod nilang pagkikita.

“NANDITO ka lang pala,” ani Maxene nang makita si Daniel sa coffee shop ng private resort ng pamilya nito. Tinawagan niya ang mommy nito upang dito itanong ang kinaroroonan ng anak ngunit hindi raw nito alam kung nasaan ang binata. Si Trina ay hindi rin niya napilit na magsalita, gayundin ang yaya at kuya niya. They all wanted to hide him from her at ipinagtataka niya iyon.

Bahagya lang siyang tinapunan ng tingin ni Daniel at saka muling itinuon ang pansin sa kaharap nitong kape at magazine.

“Sino’ng nagpapunta sa’yo rito?” malamig nitong tanong.

“At aawayin mo kung sakaling meron man? Huwag kang mag-alala dahil tapat silang lahat sa’yo!” aniyang may himig ng galit.

“Ano’ng kailangan mo?”

Naghalo ang iritasyon at sakit sa kalooban niya sa reaksiyon nito. She has not seen him for days and now that she took the effort to find him, iyon lang ang mapapala niya.

“Kumusta ka na? Kayo ni Alaine?” lakas-loob niyang tanong.

Umiling si Daniel. “What do you expect? After changing her to someone I would definitely hate, itatanong mo pa iyan sa akin?”

Napayuko siya. Alam niyang ang tinutukoy nito ay ang ginawa niyang pagbibigay ng kung anu-anong tip kay Alaine na kabaligtaran naman ng mga dapat niyang sabihin rito. So he had already found out everything and now he hated her even more.

“I’m s-sorry…”

“Too late but anyway, tanggap ko naman ang mga nangyari. Siguro ay talagang hindi lang kami para sa isa’t-isa. She broke up with me and explained everything about Eric and his dad. Naintindihan ko naman ang situwasyon niya.”

“Naiintindihan mo ang pagwasak na ginawa niya sa pamilya ni Eric? Are you out of your mind?”

“Stop judging her because you don’t know her story, okay!”

“You must be really in love with her,” gigil niyang sabi. Mas lalong kumulo ang dugo niya nang balewalain nito ang kanyang mga sinasabi.

“And what about Eric? Kumusta naman kayo ng lalaking iyon?” tanong nitong hindi pa rin inaangat ang tingin sa magazine na binabasa. Hindi nito alintana kung magpalakad-lakad man siya sa harapan nito nang walang tigil. Basta prente lang itong nakaupo doon.

“Si Eric? Well, okay na okay kami! In fact, plano ko na nga siyang sagutin mamaya para maging official na ang pagkakaunawaan naming dalawa.”

Saglit na umangat ang paningin ni Daniel sa kanya. Their eyes met and she felt like something squeezed her heart. If Daniel could only knew how painful it was to be ignored and taken for granted. Pero hindi na nito iyon malalaman dahil wala namang mangyayari. Magmumukha lang siyang tanga dahil wala naman itong pagtingin sa kanya.

“Sasagutin mo siya ngayon?”

“You heard me right,” aniyang nakaangat ang sulok ng mga labi.

“Well then, good luck. Happy Valentine’s Day, Kitty.”

Nag-umalsa ang galit niya sa sinabi nito. ‘Yung lapit niyang iyon ay pinaghahampas niya ito sa braso. Hindi na niya namalayang umiiyak na siya sa matinding sama ng loob.

“Wala ka ba talagang pakiramdam? Wala ka bang pakialam sa akin?!”

“Hey!” anito saka napatayo. Maingat nitong sinasalag lahat ng hampas niya at nang hindi iyon magawa ay niyakap na siya nito. “Why? What’s wrong with you?”

“What’s wrong with me? Wala! Walang mali sa akin! Ikaw ang mali, ikaw ang mali! It was a mistake to love you kaya hindi ako ang mali kundi ikaw! I hate you so much!”

“Be…”

“Hindi mo ba nakikitang mahal kita? Sa mga salita at kilos ko, hindi mo ba iyon kahit minsan nahalata? Mahal kita! Ngayon, alam mo na!” sigaw niya saka humagulgol sa mga palad. Magkahalong relief at kahihiyan ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. She never planned to tell him her feelings but it was a spur of the moment decision. Kusang gumawa ng hakbang ang isip at puso niya.

Namalayan na lang niyang iniaangat ni Daniel ang kanyang mukha. Hindi niya ito kayang harapin kaya sa halip na tumingin ay yumakap siya rito nang mahigpit. Doon niya ipinagpatuloy ang pag-iyak sa malapad nitong dibdib.

“I’m sorry, Be…I’m sorry …”

“Mahal kita, Daniel. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ikaw? Pero wala naman akong magawa…”

“Stop giving me false hopes, Be. Hindi ako isa sa mga bagay na puwede mong makuha at palitan kapag sawa ka na. We’re friends so stop planning to hurt me.”

Sa narinig ay kusa siyang napatingala. Nagtama ang kanilang mga mata ni Daniel.

“You won’t get hurt if you don’t love me.” Unti-unti siyang napangiti.

“It doesn’t matter if I do.”

“So mahal mo rin ako?”

“Kasasabi ko lang…”

“Stop beating around the bush, Daniel!”

He heaved a sigh. “Hindi tayo puwede, Be. Your parents will surely kill me if we insist.”

“What are you talking about?”

“Ayokong saktan ang kuya mo. Ayokong mag-alala ang mga mama mo.”

“Kahit ikaw, kahit ako pa ang masaktan, okay lang sa’yo?”

“Hindi mo ako mahal, Kitty; you just like me but infatuation fades in time. One day, you will realize I was right.”

“No-no! Stop it! Stop talking nonesense! Stop talking—”

Hindi na nagawang ituloy ni Maxene ang mga sinasabi nang yumuko si Daniel at saka siya hinagkan sa mga labi. She was lost. The kiss lasted for just a few seconds but it was more than a lifetime to her. Pakiwari niya ay wala sa lupa ang kanyang mga paa. She had never been happier than she was right now.

“I love you, Dan,” anas niya nang pawalan nito ang kanyang mga labi.

Pinindot nito ang tungki ng ilong niya saka nakangiting dinampian ng halik ang kanyang noo.

“What if your dad kills me?” malambing nitong tanong habang nangungusap ang mga matang nakatingin sa kanya.

“Mahal nila ‘ko at hindi nila iyon gagawin, I promise you.”

“How about your kuya?”

“He also loves me.”

“All right, your highness. Wala na akong masabi.”

“Tayo na?”

“If that’s what you call it. Yes.”

Nabigla si Daniel nang tumingkayad siya at siya na ang kusang humalik dito. Naramdaman niya ang mahigpit na pagpulupot ng mga braso nito sa kanyang katawan. Kasunod niyon ay isang mahaba at malambing nitong halik. 

End of Book 1


Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: