Quattro Club

The Mouse and the Kitten 1 (Chapter 3)

“BAKIT hindi ka na nakakibo? Hindi mo ba ‘ko mahal, Be?”

Napatitig si Maxene sa maamong mga mata ni Daniel. Is it already time to tell him she loved him?

“Mahal…siyempre.” ‘Matagal na…’

“Aba’y dapat lang! Kuya mo kaya ako kaya dapat lang na hindi mo ‘ko pabayaang mag-asawa nang wala sa panahon, hindi ba?”

‘So iyon pala ang ibig niyang sabihin…’

“For the meantime, let’s go downstairs; you need to eat your dinner. Kailangan mong kumain para may lakas ka bukas.”

“B-bukas?”

“Yap. Kasasabi mo lang na tutulungan mo ako, hindi ba? We’re going to start everything tomorrow. Ikaw at ako, magpapanggap na engaged couple.”

Napatingin si Max sa dalawang index finger ni Daniel na pinagdaiti pa nito. Noon lang parang pumasok sa sistema niya ang ibig sabihin ng lalaki. Magpapanggap siyang nobya nito sa harap ng pamilya ni Carmie!

‘Nananaginip ba ako, Lord? Puwede bang huwag mo na ‘kong gisingin bukas?’

“K-kuya, hindi ba tayo mabubuko ng Carmie na ‘yan?”

“Mabubuko tayo if you’ll keep calling me ‘kuya.’ Mula ngayon, sanayin mo na ang sarili mong tawagin akong Be o kaya ay Daniel para mas kapani-paniwala.”

Hanggang maihatid siya ni Daniel sa komedor ay hindi na siya nakakibo. Natauhan lang siya nang magpaalam na itong uuwi at dampian siya nito ng halik sa ibabaw ng ulo. Gusto niyang manginig sa sobrang kilig.

TRUE to his words, maaga ngang dumating si Daniel sa bahay ni Maxene kinabukasan. Nakipag-usap ito sa kuya niya at ipinaliwanag nito ang pangyayari and to his surprise, his brother was approved of the idea. Hindi raw kasi nito gusto si Carmie para sa kaibigan. He even encouraged her to act as normal as she could. Kailangan raw ay maniwala nang husto ang pamilya ni Carmie sa palabas nila.

Pagkaalis ng Kuya Miguel ni Maxene ay agad nang sinimulan ni Daniel ang ‘rehearsal’ nila. Kailangan raw na umakto siyang totoong nobya nito at para maging totoo iyon ay magkukunwari siyang nagagalit dito. Alas-dos daw ng hapon darating si Carmie sa bahay nito at iyon ang oras na babantayan niya. Kailangang sumulpot siya roon pagdating na pagdating ng mga bisita. She was supposed to be mad dahil siya ang totoong nobya. Bahagya siyang umalma sa puntong iyon.

“Buong pamilya sila tapos gagawa ako ng eksena? Hindi kaya ng powers ko iyon, Kuya…”

“There you go again…call me Be, okay!”

“Okay, Be na kung Be! Paano ako aarte nang ganoon mamaya, Be, kung marami silang nanonood sa akin, Be?” tanong niyang sinadyang bigyan ng diin ang ‘Be.’

Napangiti si Daniel at ilang saglit na tila nahulog sa kinalalagyan ang puso niya.

“Kung handa mo talaga akong tulungan, you’ll do everything, whatever it takes to make her believe you really are my fiancée. Paano silang maniniwala kung hindi ka magagalit? Remember, nagtaksil ako sa’yo dito. Ikaw ang nobya ko at malapit nang pakasalan two months from now but I kept seeing other woman. Right, Be?”

“Two months?”

“Hey, of course it was just a facade. Motivate yourself, honey. I need you to do it.”

“Ah, okay,” tangi niyang naisagot. It took Daniel almost an hour to tell her everything she needed to do. Well, hindi naman iyon mahirap para sa kanya. Mas mahirap pa ngang magkunwaring wala siyang damdamin para dito kaysa sa pinagagawa nito. Isa pa, hindi rin naman niya talaga gustong mag-asawa nang wala sa panahon ang kanyang si Daniel kaya handa siyang gawin ang kahit ano para mapigilan ang ano mang plano ng Carmie na iyon.

TWO QUARTER na nang dumating ang mga bisita ni Daniel. Tulad nang napag-usapan, madali niyang inayos ang sarili at dala ang isang long stemmed rose ay binagtas niya ang daan patawid sa bahay nito.

Sa bungad pa lamang ng pinto ay nakita na niya ang tatlo-kataong bisita ni Daniel. Isang matandang lalaki na may katabing babaeng natitiyak niyang maybahay nito ang nakaupo sa mahabang sofa. Si Carmie naman ay nakatabi kay Daniel, pilit na hinahawakan ang braso ng hindi mapakaling lalaki. Perfect scene. Doon siya umentra.

“Hi, Be! Oh, I’m sorry…may mga bisita ka pala?” Inilibot niya ang paningin sa mga ito, pagkuwa’y sinadyang pagtagalin ang tingin kay Carmie at sa kamay nitong nakapulupot sa kanya. “What’s this supposed to mean?” tanong niya.

Si Daniel ay mabilis na tumayo at humakbang palapit sa kanya. Kasunod naman nito si Carmie. “Baby, let me explain. May naging…I’m sorry, I should’ve told you earlier.”

“Told me what? Naparito ako para magpasalamat sa bulaklak na ito pero…what’s really happening here?”

“Hey, young lady…”

Napalingon siya sa matandang lalaki. He cleared his throat before he continued. “My name is Freddie Montereal and this is my wife Melba. Here is my daugther, Carmie and we’re here to…well, we’re here to talk about Daniel and my daughter’s wedding.”

“What?!” kunwa’y gulat na gulat niyang bulalas. “Be, ano ‘to? Can you please tell me what’s happening here?” hysterical na niyang tanong.

Si Daniel naman ang tumikhim at saka siya hinawakan sa magkabilang balikat. “I need you to understand me, Be. I know you’ve been very honest and true to our relationship but you see, it’s not easy for a man like me to…to…”

“Diretsahin mo na nga ako! Ayaw mo na sa relasyon natin at siya ang ipinalit mo sa akin, ganoon ba?”

“Lalaki lang ako at masyado kang naging abala sa pag-aaral at mga kaibigan mo. I also have needs and—”

“How dare you to talk this way in front of us, Mr. Fulgencio!” galit na galit na sigaw ng ina ni Carmie pero mabilis itong inawat ng asawa. The man was calmed but looked dangerous.

“Let them talk, Mommy. We need his answer immediately so let them talk,” anito.

Muli siyang nilingon ni Daniel at mababakas sa mga mata nito ang paghihirap ng loob.

“I love you, Be. Ikaw lang ang minahal ko nang ganito pero sa tingin ko, hindi talaga tayo para sa isa’t-isa.”

Nabigla siya sa tinuran ni Daniel. Hindi iyon ang usapan nila. They both agreed to one thing. Ang kailangan ay umarte siyang nagagalit at ito naman ay diretsang sasabihin sa mga ito na hindi nito mahal si Carmie at sa halip ay siya ang pakakasalan nito. Ano ang mga pinagsasasabi nito ngayon?

“Be…”

“Patawarin mo sana ako pero kailangan ko itong gawin. I need to marry her—”

“No!” napalakas niyang sabi. Agad na namuo ang mga luha niya sa mga mata sa isiping ikakasal ito sa iba. Ang pinakamamahal niyang si Daniel, ang kanyang si Daniel, magiging pag-aari na ng Carmie na ito? “Hindi ako makapapayag! Ako ang fiancée mo kaya’t ako ang dapat mong pakasalan!” Tuluyan na siyang pinamukalan ng mga luha pero sige pa rin siya sa pagkumbinse kay Daniel. He shouldn’t have changed his mind. Hindi ngayong narito na siya para rito!

“May nangyari na sa amin kaya may pananagutan na sa akin si Daniel!”

Mabilis na napalingon si Maxene kay Carmie. Taas-noo ito habang nakaingos sa kanya at ang mga braso ay magkasalikop sa dibdib. Mabilis siyang napailing, muling hinarap si Daniel at saka ito hinawakan sa mukha. Inilapit niyang maigi ang sarili rito at sa nanginginig na tinig ay pilit itong pinakiusapan.

“Be, don’t do this to me. Ako ang mahal mo, hindi ba? Mahal din kita at hindi ko kayang mabuhay nang wala ka sa tabi ko. Please, Be, huwag mo naman ‘tong gawin sa akin…”

“Hindi ka ba nakikinig? May pananagutan na sa akin si Daniel so you better leave us alone because we need to—”

“Ikaw ang hindi nakikinig!” putol niya sa sinasabi ni Carmie. Dinuro pa niya ito ng isang daliri at napaatras ito. “May nangyari sa inyo, fine! Ano ngayon? Buntis ka ba?”

“Hindi pa pero—”

“Puwes, buntis ako!”

Parang iisang taong napabulalas ng pagkagulat ang mga naroon liban kay Daniel. Gayunman ay nahalata rin niya sa mga mata nito ang pagkamangha.

“Yes, I’m pregnant at iyan ang bagay na sasabihin ko kay Daniel ngayon kaya ako naparito. Now, if you’ll excuse us, we need to talk about us…and our baby.”

Malakas na hagulgol ni Mrs. Montreal ang bumasag sa pagkagulat ng mga ito. Mabilis itong niyakap ng asawa, pagkuwa’y magkaagapay na humakbang palapit sa kanila. Pagtapat kay Carmie ay hinawakan na rin nito sa braso ang babae at saka huminto sa tapat nila.

“Pasalamat ka lalaki dahil may pananagutan ka sa babaeng ito. Kung hindi ay hindi ako mangingiming saktan ka, kahit para man lamang sa anak ko.”

“Pero Dad—”

“It’s over, Darling. He doesn’t love you and you even told me that earlier. Hindi ito tama simula pa lang.”

“But how about me?”

“You’ll survive, don’t worry.” Iyon lang at madali na nitong iginiya ang dalawang babae palabas ng pinto.

Nang tuluyang makaalis ang mga bisita ay saka siya hinarap ni Daniel. Isang suntok naman sa tiyan ang ibinigay niya na nagpaigik rito.

“Bakit?” taka nitong tanong.

Mabilis na pinahid ni Maxene ang mga luha niya sa pisngi at saka ito hinarap. “Bakit? Ano ito, trip? Pagkatapos mong sabihin sa akin ang mga gagawin natin, biglang ganito? Ginulat mo ‘ko doon ah!”

“Did I? It wasn’t obvious. You could make a good actress, Be!

“Tse! Bakit mo iyon ginawa? Bakit mo sinabing pakakasalan mo si Carmie? Paano kung…paano kung—”

“I knew you wouldn’t let me.”

“So ganoon? Malakas ang loob mong magpasakay nang ganoon dahil alam mong ipagpipilitan kong agawin ka? What if I changed my mind last minute? Paano ka?”

“Trust me Be, I knew you wouldn’t.”

“Hah, ganoon! Paano ka naman nakasiguro?”

“Because you have my baby.” Mabilis itong nagtatakbo papanhik ng hagdan matapos sabihin iyon. Iiling-iling siyang napasimangot. Maya-maya pa ay namalayan niya ang sariling hinahabol ito.

“KUYA, hindi ka ba lalabas ngayon?” tanong ni Maxene sa kapatid na naglalaro ng basketball. Ang totoo, humahanap lang siya ng tiyempo para matanong ito tungkol kay Daniel. Kahapon pa kasi niya hindi nakikita ang lalaki. Nagpunta siya sa bahay nito kahapon para humingi ng impormasyon kay Trina pero maging ang katiwala ay hindi alam ang whereabouts ng amo nito.

“Nope. Ikaw? Sabado ngayon, you should go out with your friends.”

Nagkibit siya ng balikat. “Ayokong lumabas. Nami-miss ko itong bahay,” alibay niya. “Teka, parang hindi ko yata nakikita si Dan—Kuya Dan?”

“Pinapunta siya nina Tito sa Isabela. May pinaasikaso daw doon pero ang alam ko ay uuwi na rin iyon kung hindi mamayang gabi ay baka bukas. Nami-miss mo ba?”

Marahas siyang napalingon sa direksiyon ng kapatid pero mukhang balewala naman dito ang tanong nitong iyon. Sige lang ito sa pagdi-dribble ng bola at pagsu-shoot sa ring ng half court nila.

“Bakit ko naman iyon mami-miss? Puro pang-aasar lang naman ang ginagawa niyon sa akin.”

“Really? Parang hindi iyon ang alam ko ah…”

“Ha? What do you mean, Kuya?” Bigla siyang kinabahan at mabilis na napalapit sa kapatid na naglalaro.

“Wala. Ang ibig kong sabihin, okay na pala siya ngayon. Huminto na raw sa pang-aabala sa kanya si Carmie at balita ko, pinili na lang mangibang-bansa noong tao.”

Kahit paano ay naawa siya sa babae. Hindi naman nito kasalanan kung magmahal ito sa isang tulad ni Daniel. Kaparis niya na parang bulag sa pag-ibig, walang sawa at patuloy pa ring nagmamahal.

“Mabuti na rin iyon, Kuya, kaysa naman patuloy siyang umasa gayong siya lang ang nagmamahal.”

Nakangiti siyang pinagmasdan ng kapatid pagkatapos ay ginusot ang kanyang buhok. Napasimangot siya at madaling inagaw ang bola mula rito. Ilang saglit pa ay naglalaro na silang dalawa ng basketball.

ANG ‘uuwi na raw’ na sinasabi ng kuya ni Maxene ay hindi natuloy. Apat na araw na at miss na miss na niya si Daniel pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita kahit anino nito. Makailang ulit na rin siyang nagbalik sa bahay nito at maging ang mommy nito ay hindi rin matiyak kung kailan uuwi ang anak. Mukhang nasiyahan raw ito sa pagbisita sa mga kamag-anak sa Isabela at hanggang ngayon ay hindi pa nito naiisipan ang umuwi.

Araw-araw ay malungkot siya. Napapansin na rin siya maging ng mga magulang pero hindi niya alintana ang mga ito. Hindi talaga normal ang buhay niya kung wala ang kanyang si Daniel.

Napalingon siya sa kanyang cellphone na nasa bedside table niya. Naroon ang numero ng lalaki pero nahihiya naman siyang i-text ito. Ano naman ang posible niyang sabihin rito? Na nami-miss na niya ito kaya’t bumalik na ito agad ng Maynila?

Pero talagang gustung-gusto na niya itong makausap. Siguro, kahit isang text lang buhat dito ay masayang-masaya na siya.

Mabilis na nagdesisyon ang puso niya. Kinuha niya ang cellphone at agad na tumipa ng message roon.

Hi Kuya! Haven’t seen u for days ha. Kmusta n? Bago pa makapag-isip ay madali na niyang isinend ang message. Isa, dalawa, hanggang tumuntong ng limang minuto ay hindi pa tumutunog ang message alert niya.

Bigla niyang sinisi ang sarili. Dapat ay hindi na niya ito tinext. Napahiya pa tuloy siya. Sino nga ba naman siya para pag-aksayahan nito ng panahong i-text? Inis na inis talaga siya at pakiwari niya ay sasabog na ang kanyang dibdib sa hinanakit rito.

“Be?”

Muntik nang mapalundag si Maxene nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid. For a second, she hoped it was Daniel but it wasn’t him. Mommy niya ang sumungaw sa dahon ng pinto.

“Baby, what are you doing here? You’re supposed to enjoy your day, hija. Walang pasok sa eskuwela, hindi ba?”

Matamlay siyang napatango. “Foundation week, ‘Ma. Ayoko lang talagang pumasok.”

“And may I know why?” malamyos nitong tanong sabay upo sa gilid ng kanyang kama.

She shrugged her shoulders. Kung puwede lang niyang sabihin rito ang nararamdaman ay ginawa na niya but she knew it would only cause trouble. Of course, her parents loved Daniel but it was on a different level. Madalas nga niyang marinig ang disapproval ng mga ito sa ginagawang panliligaw ni Daniel sa kung sino-sinong babae. Pinagsasabihan din ng mga ito ang kapatid niya na huwag raw pumaris sa kaibigan nito. Daniel had been a son to them but they were not approved of his being playful to women. Hindi niya gugustuhing sa mga susunod na araw ay siya naman ang pagsabihan ng mga itong umiwas kay Daniel. Hinding-hindi niya iyon kakayanin.

“I’ll be fine, ‘Ma. May nakasagutan lang ako sa school kaya ayokong pumasok kung wala rin lang klase. Simpleng misunderstanding lang among friends but don’t worry, we’ll soon talk about this matter.”

“Are you sure?” paniniguro nito na tinugon niya ng isang ngiti at pagtango. “All right, I’ll leave you for now. Three days kami ng daddy mo sa Dubai ha. Be good.”

“Of course. Promise me to keep safe, okay.”

Hinagkan niya ang ina sa pisngi at matapos ang ilang bilinan ay lumabas na ito ng silid. Hustong kasasara lang ng pinto nang tumunog ang kanyang cellphone. Madaling lumipad ang paningin niya sa kinaroroonan niyon. Mabilis niya iyong kinuha at binasa.

‘Ayos, Be. Musta?’ Tatlong salita lang pero parang mapapatalon na siya sa ibabaw ng kama sa sobrang saya. Hindi siya makapaniwalang nag-reply si Daniel! Talagang nami-miss na niya ang kumag.

‘Himala. Mukhang nag-enjoy ka sa bundok?’ sagot naman niya agad. She wanted to keep him while he was on the mood to text.

‘It’s actually nice to be back here.”

Saglit siyang na-disappoint. Parang wala namang interes makipagpalitan ng text ang mokong. Mukhang out of courtesy lang kaya ito sumasagot. Dahil doon ay bahagya siyang natigilan sa pag-iisip ng ire-reply dito. Nasa gaanoon siyang akto nang muling tumunog ang message tone niya.

‘Kmusta nman ang Be q? How’s your day?’ Doon siya tuluyang kinilig. Daniel was really sweet. How could women resist his charm?

Nag-type siya nang pagkahaba-haba pero sa huli ay nagbago rin ang isip niya. Ipinasya niyang maikling message na lang ang i-send kay Daniel para hindi naman siya masyadong obvious.

‘I’m always fine. G2g, Kuya. Need to wake up early tom pa.’ Pagka-send niya ng message ay saka naman niya iyon pinagsisihan. Hindi pa siya kuntento sa kapirasong palitan nila ng messages ni Daniel. Inis na inis siya sa sarili sa nagawa. Kung bakit kasi napaka-impulsive niya. Noon muling tumunog ang kanyang gadget.

‘Orayt. Take care of our baby while Daddy is out of town ok. He-he. Slip tyt, Be…’

Nanlaki ang mga mata niya sa reply na iyon ng lalaki. Maagap niyang tinakpan ng unan ang bibig at saka tumili nang ubod lakas. Hinagis rin niya sa paanan ng kama ang cellphone para mapigilan ang mga kamay na muling mag-text sa kanyang si Daniel.

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: