Quattro Club

The Mouse and the Kitten 1 (Chapter 4)

MAG-IISANG oras na buhat nang dumating si Alaine sa bahay ni Maxene pero hindi pa rin matapus-tapos ang kanilang kuwentuhan. Bestfriend niya si Alaine. Magkaklase sila nito sa high school pero kinailangan nitong umuwi ng Leyte kaya hindi sila sabay nakatapos. Kamakailan ay nagulat siya nang i-add nito sa Facebook at doon muling nagsimula ang communication nila. Nang itanong nito kung saan siya nakatira ay kaswal lang niyang sinagot iyon pero hindi niya inaasahang pupuntahan pala siya ng kaibigan. Biglang-bigla siya nang tawagin ni Yaya Metring at sabihing mayroon siyang bisita na walang iba kundi si Alaine nga.

“Hindi talaga ako makapaniwala sa transformation mo,” aniya. “What did you do to your skin?” nakangiti niyang tanong kay Alaine. Dati nang mapusyaw ang kulay nito pero ngayon ay hindi kalabisang sabihing kumikinang sa kaputian ang dalaga. She was short haired then, ngayon ay halos umabot na sa waistline ang alun-alon nitong buhok. Light brown iyon at natural ang curls kaya mestisang-mestisa ang dating ng aura nito.

“Thanks, friend. Alam mo na, bata pa lang ay insecure na ako sa mga pinsan ko. Baluga nga ako noon ‘di ba?” natatawa nitong sabi. “Siya nga pala, kumusta na ang kuya mo?”

She knew her friend had a crush on her brother years back. Hindi lang ito napapansin ng kuya niya noon pero ngayon, baka malimutan nito si Cindy oras na makita ang kaibigan niya. She felt excited at the thought of her being wooed by her brother. Kung kay Cindy lang ay mas bet niya si Alaine.

“Don’t tell me you still like my brother until now?”

Alaine grinned. “Bakit, masama ba?”

“Sinasabi ko na nga ba. Siya ang sadya mo at hindi ako, ‘no! You’re so unfair!” Inihagis niya rito ang isang maliit na throw pillow na madali naman nitong nasalo sa kabila ng pagtawa.

“That’s what you call unfair!” anitong iniamba rin ang throw pillow sa kanya. She was about to throw it when the door opened. Hindi agad siya nakahuma nang makitang nakatayo roon ang pinakahihintay niya. Si Daniel.

IT took Maxene ten seconds to react. Ten seconds – enough for him to notice her intense reaction. Automatic din ang naging pagtayo niya. Halos magkandarapa niyang tinakbo ang kinaroroonan ng lalaki.

“Kuya Dan!” bulalas niya sabay yakap dito. Nang maramdaman niya ang pagganti nito ng yakap ay saka lang siya natauhan. Idinilat niya ang mga matang awtomatiko rin palang napapikit. “K-kumusta?” kandautal niyang tanong. Bahagya na rin niyang inilayo ang sarili dito, still aware of his arm on her back.

Napatingin siya kay Alaine nang tumikhim ito at nakuha niya ang ibig sabihin niyon. “Ah K-kuya, si Alaine nga pala. Kaklase ko siya sa high school, remember her? Alaine, si Kuya Dan, bestfriend ni Kuya Migz.”

“Of course, I remember him. Siya ‘yung laging kasa-kasama ng kapatid mong maglaro ng basketball dati, right?”

Bahagya siyang kinabahan na baka kung ano ang masabi nito pero nang maalala niyang wala nga pala siya kahit isang napagsabihan ng tungkol sa secret crush niya kay Daniel ay nakaramdam siya ng relief.

“So you were friends back in high school? Why the hell I don’t even recognize this pretty lady?” sagot naman ng tila namatandang si Daniel. Tila wala pa sa loob na naglakad ito palapit kay Alaine. Wala siyang nagawa kundi pagmasdan ang braso nitong unti-unting kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

“Maybe I was not really pretty then. Ugly duckling, alam mo na.”

“I won’t buy that. There’s no trace at all.”

Ilang linya pa ng bolahan ang namagitan sa dalawa bago siya naman ang tumikhim. Mukha kasing nalimutan ng mga itong naroon siya. Pakiwari niya ay nahilera siya sa figurines na nakapalibot sa sala.

“Siya nga pala, nasaan si Miguel?” tanong ni Daniel na ang mga mata ay kay Alaine pa rin nakapako. Parang dinuro ng karayom ang dibdib niya sa reaksiyon nito. It was obvious he liked Alaine…a lot.

Pumitik siya sa hangin sa tapat ng mukha ng lalaki at noon lang ito napatingin sa kanya. “He’s not here, Kuya,” aniyang idiniin pa ang huling salita. Noong huling nakausap niya ito ay nilinaw nitong ‘Dan’ na lang ang itawag rito at alisin na ang kuya. Biniro pa nga siya nito na wala namang fiance na tinatawag sa ganoong paraan. Now, she was expecting him to correct her like what he had done for a few times after their so-called ‘agreement.’

But he didn’t. He just ignored what she said and returned his eyes to Alaine. Na tila ba maglalaho itong bigla kung matagal na iaalis ang paningin dito.

“Is it all right to stay here while waiting for him, Max? I’m sure you won’t mind.”

And that too. Max. Not even Be or Kitty.

“I do, Kuya,” aniyang muling idiniin ang ‘kuya.’ Nakaramdam siya ng matinding hinanakit at pagrerebelde ng kalooban dito. “You see, ngayon lang kami ulit nagkita ng kaibigan ko. We might as well enjoy our good times together. Uuwi rin si Kuya sa hapon, as if naman hindi mo alam ang schedule niya. See you later.” Inirapan niya ito nang pagkatalim-talim.

How would he forget, it’s Monday! Alam na alam naman nitong alas-kuwatro ang uwi ng kuya niya dahil kapag ganoong araw ay may schedule ng basketball ang mga ito sa clubhouse.

“Pinauuwi mo ‘ko, Max?” tila takang-taka ito. Siguro nga dahil iyon ang unang pagkakataon na ginawa niya iyon. She was pissed off. Hurt and felt betrayed. Sinagot niya ng pagtango ang tanong na iyon, with chin up. “Okay, I can stay at the—”

“—no, Kuya. No. You go home now. As in now,” mariin niyang sabi.

“Akala ko ba, nami-miss mo ‘ko—”

‘Kanina iyon…’ “Pwede ka na sa soap, Kuya. Sige na, uwi na muna. Mamaya ka na lang bumalik, okay.” Hindi pa nakuntento at hinawakan na niya ito sa mga braso upang marahang itinulak paatras sa pinto but he grabbed her hands on instinct. Bumaha ang sakit sa dibdib niya. All she wanted was to hug him, to be wrapped around his arms in return. Iyon lang. Bakit ba hindi niya iyon magawa-gawa?

Nang tingalain niya si Daniel ay tila nagtatanong ang mga mata nito. He mouthed something she didn’t get. Napakunot ang noo niya, naghihintay na ulitin nito ang sinabi pero hindi na ito muling nagsalita. Inilampas nito ang tingin sa kanya at saka kumaway kay Alaine. Nasaktan na naman siya. Maging ang simpleng wave nito sa kanyang kaibigan ay may lambing. Bakit sa kanya ay hindi ito ganoon?

Ilang saglit na itong nakalabas nang lingunin niya si Alaine. “Now, what was that you were asking about my brother again?” Lumapit siya rito at inaya itong muling maupo pero pinigil siya nito. She was stunned when she suddenly screamed. “I changed my mind, sis, I don’t like your brother anymore!” Ang sumunod nitong sinabi ay tuluyang nakapanlumo sa kanya. She literally felt like her heart was dropped to the floor and torn into small pieces. Ang kapiraso niyang pag-asa na mapansin ng kanyang si Daniel ay tuluyan nang naglaho.

TEN minutes before four o’clock ay dumating na si Miguel. Hinintay ito ni Maxene sa pag-asang baka magbago ang isip ni Alaine oras na makita ang kapatid but she felt disappointed when his brother came home with Cindy. Natuwa rin ang kuya niya nang makita ito but there was no sign of attraction. Ibang-iba ang kinang ng mga mata nito na itinutuon kay Cindy kompara kay Alaine so she knew right away he didn’t like her friend in a romantic way.

Halos ay ipagtulakan na niyang umuwi si Alaine. Alam niyang maya-maya lang ay babalik na si Daniel. Ang kaso, mukhang talagang hinihintay ng dalaga ang pagbabalik nito. Hindi iyon maikakaila sa madalas nitong pagtingin sa gawi ng pinto at sa suot nitong relo. Siya naman ay hindi mapakali sa kaiisip kung paano itong itataboy nang hindi ito makakahalata.

“Oh, what happened?” tanong ni Alaine nang makitang haplos niya ang sentido.

“Hindi ko alam e. Biglang sumakit, parang migraine attack.”

“Ganoon ba? Mahirap iyan, you want to rest now?”

Isang kunwa’y nahihiyang tingin ang ibinigay niya rito. ‘Puwede ka nang mag-pack up, girl…’

“I think, you badly need rest. Come on, I’ll bring you to your room.” Tumayo ito at lumapit sa kinauupuan niya.

“No, I’m fine. Nakakahiya naman sa’yo. Sayang nga at gusto pa naman kitang yayaing mag-mall.” ‘Umuwi ka na, please.’

“Marami pa namang pagkakataon, don’t worry. Sa ngayon ay magpahinga ka na muna.”

“Hassle naman na nandito ka tapos nasa room ako, ‘di ba?” ‘Kung umuwi ka na muna kaya?’

“No, it’s okay. I can find my way home—”

“Naku, ihahatid na kita. Dyahe naman sa’yo.” ‘Thank God. Naisingit din. Huwag sanang makahalata.’

Tinanggap niya ang kamay ni Alaine upang tumayo pero siguro nga ay malas talaga siya sa araw na iyon. Pagtayong-pagtayo niya ay siya namang pagdating ni Daniel. Awtomatikong napabitiw sa kanya si Alaine at tuluyan na siyang nakalimutan nang makita si Daniel.

“Hi, Dan! It’s you again.”

‘Hi, Dan! It’s you again…arte!’

“Hi, pretty. Nariyan na si Migz?” tanong nito. Luminga-linga pa kunwari pero sa huli ay ibinalik rin naman kay Alaine ang mga mata.

“He’s upstairs. Sige, pumanhik ka na sa itaas. Nasa verandah yata kasama ni Cindy,” sabad niya.

“Nariyan si Cindy?” tanong nitong tila hindi naman totoong nadismaya. Wala naman itong hawak na bola kaya sigurado siyang wala naman talaga itong balak maglaro. Anong malay niya kung nag-text pa ito sa kapatid niya para i-encourage na isama nito ang GF? That way, hindi nga naman hassle na may Alaine din ito.

“Yap, kasasabi ko lang. Sige, pumanhik ka na.”

“Saan ba ang punta niyo niyan?”

“Masakit daw ang ulo nitong si Max kaya gusto na niyang magpahinga.”

“Ah…no, no, no! I mean, kanina iyon. I’m okay now. Kaya ko na ngang manuntok eh, oh!” Kunwa’y pabiro pero tinotoo niya ang suntok sa braso ni Daniel. Napa-aw ito pero nginisihan lang niya ang binata.

“Kung masakit ang ulo mo, puwede ka nang magpahinga. Ako na ang bahalang maghatid kay Alaine mamaya.”

Mamaya. So mukhang may plano pang mag-picnic ang mga ito sa bahay nila.

“Ayos na ‘ko talaga—”

“Max, I know you, okay. Kabisado kita kapag inaatake ka ng migraine. Kailangan mo nang itulog iyan.”

Tila may kung anong ideyang pumasok sa utak niya at bigla niya na namang naisipang ituloy ang pag-arte.

“I think you’re right. Heto na naman siya…aw, ang sakit…” She touched her temple, pagkatapos ay bahagya siyang sumuray na ang sadya ay magpaalalay kay Daniel. Hindi naman siya nabigo dahil agad itong yumakap sa kanya.

“Are you all right?”

“Not anymore, I think. Nahihilo ako…”

“Hold on, Kitty. Aalalayan kita. Kaya mo ba?”

“I’m really not sure…” ‘Buhatin mo na kaya ako?’

“Kung buhatin na kaya kita? Ayos lang ba sa’yo?”

‘Juice ko, Lord. Salamat.’ “Sige na nga, please…”

Binuhat nga siya ni Daniel at ipinikit na niya ang mga mata. “I’m sorry, friend. Ganito talaga ako pag may migraine. Hindi na kita maihahatid,” aniya sa gawi ni Alaine pero hindi na siya nag-abalang dumilat para tingnan ito.

“Don’t worry about me, nariyan naman si Dan.”

Saglit na kumulo ang dugo niya pero inignora na lang niya iyon. Ang mahalaga ay makasama niya kahit saglit ang lalaking minamahal. Laking pasalamat niya na hindi na sumunod ang kaibigan nang ipanhik siya ni Daniel.




Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: