Quattro Club

The Mouse and the Kitten 1 (Chapter 8)

KASALUKUYANG naglalaro ng basketball sina Miguel at Daniel habang si Maxene naman ay walang sawang nanonood sa mga ito. Kanina pa niya hinihintay na matapos ang game at saka niya lalapitan si Daniel. Nangangalay man sa katitiyad para masilip sa maliit na siwang ng bintana ang dalawa ay hindi pa rin siya sumusuko. Alam niyang hindi siya matitiis nito, tiyak na babatiin din siya ng lalaki.

Inabot rin ng halos isang oras ang laro ng dalawa. Nang magsawa ay agad na namahinga ang mga ito, naupo sa magkaibang bench na nasa gilid ng half court nila. Nagtatawanan ang dalawa habang nag-uusap. Nang tumayo ang Kuya Miguel niya at pumasok sa kabahayan ay madali niyang nilapitan si Daniel. Nagulat ito pero agad ding nakabawi. Bitbit ang tuwalyang hawak ay tumayo na ito at saka siya tinalikuran.

“Oy, sandali naman!” aniya sabay hawak sa braso nito. Humarap ito sa kanya, bumaba ang malamig na titig sa braso nitong hawak niya. Kusa niyang nabitiwan iyon. “Kausapin mo naman ako. Huwag ka namang ganyan, please.”

“I’m sorry but I don’t have time—”

“Please!” She grabbed his arm.

Napatingin sa kanya si Daniel at nakipaglaban siya ng titigan dito. He was still mad but she was hoping everything would be all right. Nagulat siya nang mariin siyang hawakan nito sa braso at saka siya iginiya sa loob ng kabahayan. Dinala siya nito sa isang kubling bahagi ng bahay. Napasandal siya sa dingding nang bitiwan nito.

“Kung iniisip mong mauuto mo ako ulit, think again, Maxene. You just don’t know how much damage you caused to my relationship with Alaine.” Halata ang galit sa mga mata nito na tila patalim na kumudlit sa kanyang dibdib.

“Puwede mo ba muna akong pakinggan para malaman mo kung bakit ko iyon nagawa?”

“What for? Maibabalik ba niyon ang tiwala ko sa’yo?” Umiling ito at pasarkastikong nagsalita. “I’ve been a good friend to you, Max. Hindi ko inaasahang makikipagsabwatan ka pa kay Mommy para kontrolin ang buhay ko. I thought you’re different but you’re just like them. You’re like my mom who wants to take control of my life!”

“That’s what I wanted to say—”

“I’m not interested!” Itinaas pa nito ang isang kamay na anyong nananaway. “Just please don’t come near Alaine again, okay. Don’t every try or else…”

“What?”

“Try me…”

Hindi na niya nagawang magsalita nang talikuran siya ng lalaki. Malalaki ang mga hakbang nito na tila takot na takot na masundan pa niya. Malungkot niyang pinagmasdan si Daniel habang papalabas ito ng kanilang gate.

“ANO’NG ginagawa mo rito?” Nakakunot ang noo ni Daniel pero hindi ito pinansin ni Maxene. Sa halip, nginisihan niya ito.

“This is for you. Bati na tayo.” Iniabot niya rito ang isang maliit na choco mousse, his favorite.

“Max, please. I’ve no time for this…” Tumayo ito mula sa kinauupuang sofa pero mabilis niya itong pinigilan.

“Ganoon ba talaga kalaki ang galit mo sa akin para balewalain na lang lahat?”

“What do you think?”

Natigilan siya sa isinagot nito at may kung ilang sandaling nagpalitan sila ng tingin. Sa huli ay siya rin ang hindi nakatagal. Laking pasalamat na lang niya na nakatalikod na si Daniel nang bumukal ang kanyang mga luha. Malungkot na tinitigan na lang niya ang choco mousse na dati-rati ay hindi naman nito nagagawang tanggihan.

TATLONG araw na dinamdam ni Maxene ang mga nangyari. Araw-gabi ay wala siya halos ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Ni hindi niya magawang kumain sa oras o kaya ay harapin ang mga school reports niya. Ramdam na ramdam niya ang sakit ng katotohanang ngayon ay malayo na ang loob ni Daniel sa kanya.

Aminado naman siyang marami siyang pagkakamali sa lalaki. Naging selfish siya. Pilit siyang gumawa ng paraan para masira ang relasyon nito kay Alaine. Pero masakit pa ring isipin na sa ganoon lang nauwi ang lahat. Maraming taon silang magkasama nito. Marami silang pinagsamahan. Paanong sa ganoong bagay lang – nang dahil sa babae lang ay lalayuan siya nito?

“Siguro naman ay titigilan mo na ang ginagawa mong pagmumukmok, Maxene. Hindi tamang nang dahil sa lalaki ay ganyanin mo ang sarili mo.”

Si Yaya Metring ang nalingunan niya. Seryoso ito at malungkot na nakamasid sa kanya. Bumuka ang bibig niya para kontrahin ang sinabi nito pero sa huli ay ipinasya niyang tumahimik na lang. Kailangan niya ang presensiya ng matanda sa mga sandaling iyon.

“Bakit ganoon, Yaya? Bakit kailangang laging may nasasaktan kapag tinangka mong kuhanin ang isang bagay na makapagpapasaya sa’yo?”

“Siguro ay dahil hindi naman talaga sa iyo ang bagay na iyon. Kung ang magpapasaya sa’yo ay pag-aari ng iba, natural na may magagalit para angkinin iyon.”

Kusang tumulo ang mga luha niya sa sinabi nito. Damang-dama niya ang katotohanan nga mga binitiwan nitong salita.

“Kailangan ko na ba siyang kalimutan, ‘Ya?”

Malungkot itong ngumiti. “Panahon lang ang makapagsasabi kung kailangan mo siyang tuluyang kalimutan, anak. Basta sa ngayon, ang maipapayo ko ay pabayaan mo muna siyang hanapin ang kanyang kaligayahan. Kasabay niyon ay mahalin mo rin ang iyong sarili.”

“Yaya…”

“Kung magmamahal ka ay huwag na huwag mong kalilimutan ang sarili mo, anak. Iyon ang una, naiintindihan mo? Dahil kapag nabigo ka, wala ka namang ibang yayakapin at babalikan kung hindi ang sarili mo lang. Huwag mo ‘yang kalilimutan.”

Hindi niya napigilan ang sarili at mabilis na yumakap sa matanda. Humagulgol siya sa dibdib nito habang ang mga kamay nito ay patuloy sa paghagod sa kanyang likuran.

“Ngayon, handa ka na bang sumaya?”

Napakunot ang kanyang noo sa tanong na iyon.

“Subukan mong buksan ang puso mo sa iba, Maxene. Malay mo, baka iyon ang totoong magpapaligaya sa iyo.” Hinaplos nito ang pisngi niya at ngumiti. “Nasa ibaba si Eric, anak. Naghihintay.”

Napaisip siya sa makahulugan nitong tingin.

“NAG-DRIBBLE ng bola si Daniel habang patingin-tingin sa paligid ng bahay nina Miguel. Kanina pa siya roon pero ni anino ng kahit isang nakatira roon ay wala pa siyang nakikita. Alam niyang wala roon si Miguel dahil kahapon pa ito nagpasabing hindi ito makakalaro pero hindi pa rin niya maiwasan ang mapalinga. Saglit siyang natigilan. Si Maxene ba ang hinihintay niyang makita?

“Nariyan ka pala, Daniel. Wala si Migz ah. Maagang umalis at kasama ang mga barkada.”

Inabot niya ang bola at lumapit sa katiwala. “Ganoon po ba. Ayos lang po, Yaya. Maglalaro lang ako.”

“O sige. Ako’y papasok na muna. Walang tao rito kaya kumampante ka lang diyan.” Akmang tatalikod na ito nang sundan niya.

“Wala pong tao? Nasaan sina Tito at Tita?”

“Aba’y nag-extend ng trip sa Dubai…”

“Si…si…”

“Si Max ba? Wala rin. Kasama ni Eric na namasyal.”

“Namasyal?”

“Oo. Kanina pa. Kahapon nga ay namasyal na rin ang mga iyon kaya nagulat ako nang dumating ulit si Eric at yayain ang alaga kong lumabas ng bahay. Lagi na lang daw kasing nagmumukmok.”

“Ganoon po ba?”

“Oo. O sige at maiwan muna kita diyan. May nakasalang ako sa kusina, Hijo.”

Wala sa loob na napatango na lang si Daniel. Hindi niya alam kung bakit tila nawalan siya ng interes sa paglalaro ng basketball. Nasundan na lang niya ng tingin ang papalayong matanda.

TAMA ang paniniwala ng marami na ang gamot sa pusong sugatan ay isang panibagong pusong nagmamahal. Iyan ang napatunayan ni Maxene. Mula nang araw na pumayag siyang lumabas kasama ni Eric ay muling sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Unti-unti ay nanunumbalik ang sigla niya at kahit paano ay nababawasan na ang sakit sa tuwing naaalala niya si Daniel. Ngayon ay pinag-iisipan niya kung tatanggapin niya ang panliligaw nito.

Eric was a good person and she could sense his pure intentions to her. Kahit paanong taboy ang gawin niya rito noon kay Alaine ay hindi ito nabighani ng kanyang kaibigan. Sa unang kita palang daw kasi nito sa kanya ay aminado itong siya na ang babaeng kukumpleto sa buhay nito kaya hindi na nito nagawang ibaling ang pagtingin sa iba.

Eric was also handsome in his own right. Hindi ito pahuhuli kung ikokompara ang pisikal na anyo nito kay Daniel. Mabait rin naman ang lalaki, maginoo at may sense of humor. Lagi siyang pinapatawa nito at ipinangako nitong tuturuan siyang magmahal muli. Of course he knew her feelings for Daniel. Ito nga ang kakuntsaba niya noon sa pag-install ng sensor gadget sa silid ng binata kaya hindi na siya nahiyang aminin rito ang lahat.

“Thanks for bringing me home safe, Eric. Mag-ingat ka sa pag-uwi,” nakangiting sabi ni Maxene sa binata.

Ngumiti ito at saka siya hinawakan sa magkabilang balikat. “You know I’m going to do anything for you, Max. Mahalaga ka sa akin at alam mo iyan .”

Sasagot pa sana siya pero naramdaman niya ang unti-unting pagbaba ng ulo ni Eric. Ano mang sandali ay hahagkan siya nito. Pipigilan ba niya ang binata o pababayaan nito sa ibig nitong gawin? Kusa siyang napapikit pero agad ding nagmulat nang may magsalita mula sa likuran.

“Nariyan na pala kayo.”

Nalingunan niya ang madilim na anyo ni Daniel. Nakatayo ito sa loob ng kanilang bakuran at hawak ang pintuan ng gate. Napakunot ang noo niya. Nang muli niyang lingunin si Eric ay halatang na-disappoint ito.

“Eric, papasok na ‘ko. See you tomorrow,” aniya rito na nagpangiti sa lalaki. Akma itong yuyukong muli para hagkan siya sa pisngi pero malakas na tumikhim si Daniel. Inis niya itong pinukol ng tingin.

“Sige, bukas na lang. Goodnight, Max.” Iyon lang at tuluyan nang tumalikod at humakbang palayo si Eric.

Padarag niyang binuksan ang gate at saka nilampasan si Daniel. Tuluy-tuloy siyang pumasok sa kabahayan habang nasa likod naman ito.

“Bakit nagdadabog ka?” tanong nito.

“At ikaw, bakit ka nandoon?”

“Ano’ng bakit ako nandoon?”

Tinalikuran niya ito at binagtas ang kusina pero nakasunod pa rin ang lalaki.

“Tingnan mo nga kung anong oras na, Max!”

Sinulyapan niya ang relong pambisig. “Twelve midnight—”

“—at ngayon ka lang umuwi.”

“Namasyal kami ni Eric, ano’ng problema doon?”

“At anong pasyalan ang bukas pa sa ganitong oras ng gabi?”

Tinalikuran niya ito at saka binuksan ang ref, kinuha roon ang bote niya ng tubig at walang pakundangang tinungga ang laman niyon.

“Wala ang parents mo at wala ang kuya mo kaya nagwawala ka?”

“Pardon me?”

“Look what you’re doing to yourself, Max. Bakit ba hindi mo iniingatan ang sarili mo?”

“Ano ba’ng ginawa ko?”

“You allowed that man to kiss you right there in front of your house!”

“Hindi nga natuloy dahil nandoon ka ‘di ba!” sigaw niya saka malakas na ibinaba ang bote ng tubig sa mesa.

“At kung wala ako ay talaga palang papayag kang hagkan ng lalaking iyon?” Humakbang ito palapit sa kanya at halos ay mapapikit na siya sa sobrang liit ng distansiya nito sa kanyang kinatatayuan. “You shouldn’t allow just anyone to kiss you, Maxene! I hope you’re old enough to understand your actions!”

“Of course I do! Dahil nasa edad na ako kaya huwag mo akong panghimasukan!”

“Responsibilidad kong bantayan ka kung wala ang pamilya mo rito!”

“The hell with that responsibility!”

Sumingit ang mahabang katahimikan sa pagitan nila ni Daniel. Pakiramdam niya ay napakatagal nang mga sandaling iyon. Nang magsalita siya ay napakababa na ng kanyang tinig.

“I’m old enough, Daniel. Stop worrying about me. Stop pretending you really care about me because we both know the truth.”

“Max…”

“I like Eric. He’s a good person and I know he likes me too.”

“Hindi mo pa siya totoong kilala.”

“But at least, alam kong totoo ang pag-aalala niya. Hindi niya ako basta-basta iiwan. Hindi niya ako basta tatalikuran dahil lang sa isang pagkakamali.”

“You don’t get my point, Max. I got mad, okay. What did you expect me to feel? I felt betrayed.”

“Hindi ka marunong makinig. Iyon lang naman ang inaasahan ko sa’yo.”

“Maxene…”

“Inaantok na ‘ko. Let’s just talk about this matter tomorrow.”

“I’m staying here.”

“Do whatever you want. I don’t care.” Mabilis na siyang tumalikod pagkasabi niyon. Natutukso man siyang sulyapan ang binata ay tiniis na lang niya ang sarili. Kailangan niyang ituloy ang ginagawang paglimot dito dahil alam naman niyang siya rin ang mahihirapan kung hindi niya iyon gagawin.

ISANG oras pa ang hihintayin ni Maxene bago dumating si Eric. Bago natulog nang nagdaang gabi ay nakatanggap siya ng text message mula rito na susunduin siya nito nang bandang alas-singko.

Kahit paano ay positibo siyang darating ang araw na wala na ang anino ni Daniel sa kanya. Na sana ay tuluyan na niya itong malimutan sa tulong ni Eric.

Nang tumunog ang message tone ng cellphone ay agad iyong kinuha ni Maxene. Sinagot niya ang message ni Eric na nagpapaalala ng lakad nila. Nang maibaba sa lamesita ang gadget ay tumayo siya at sinipat ang sarili sa salamin. She was just wearing a simple summer dress. Hanggang tuhod iyon at kulay mapusyaw na dilaw. Ang buhok naman niya ay nakataas sa kung paano na lang na paraan. Ilang hibla niyon ang bahagyang nakatakip sa kanang bahagi ng kanyang mukha.

She smiled at her reflection on the mirror. She knew she would get over Daniel and she was hoping that to happen in the near future. Matapos ang ilang ikot sa salamin ay tuluyan na siyang lumabas. Napatda siya nang makita sa sala si Daniel, nakaupo ito at nagbabasa ng diyaryo.

“Good morning,” anitong walang kangiti-ngiti. Napasimangot siya. Ang pagbating iyon ay may kasamang pang-iinis dahil morning ang sinabi nito.

“Problema mo?” pambabara niya rito saka inilayo ang tingin mula sa lalaki. Tinungo niya ang kusina pero nakasunod ito.

“It’s Saturday and you were inside your room the whole day, princess.”

“And so?”

“Ni hindi ka nag-almusal—”

“Wala akong ganang mag-almusal but I had my lunch.”

“Of course. I was the one who made your lunch if you must know.”

Saglit siyang natigilan at napatingin dito. Wala siyang ideya na si Daniel ang nagluto ng pagkain niya kanina. Walang sinabi si Yaya Metring.

“Thank you then,” aniya sa matabang pa ring paraan. Tinalikuran na niya ito at naghalungkat sa cupboard.

“What’s gotten into you, Maxene? Ang laki ng ipinagbago mo mula nang makilala ang Eric na iyan.”

Umismid siya nang palihim rito. “Ako nga ba ang nagbago? Hindi kaya ikaw nang makilala mo si Alaine?”

“Ano’ng sinabi mo?”

Namalayan niyang nasa likod na niya ito kaya hindi na siya kumibo. Tahimik siyang nagtimpla ng kape. Nang matapos iyon ay walang kibong umikot siya at naupo sa harap ng mesa. Hinigop niya ang kape na parang wala roon si Daniel.

“Kanina pa ‘ko sa bahay niyo, narito ka lang pala.”

Kapwa sila napatingin ni Daniel sa gawi ng pinto. Alaine was there and looked upset.

“Sorry. Wala kasing kasama rito si Max. Itinawag ng kuya niya na bantayan ko siya.”

Napatingin siya rito kasabay ng pagkapahiya. So that was it. Kung hindi pala dahil sa Kuya Migz niya ay wala roon ang lalaki. May kung anong kalungkutang agad na pumuno sa puso niya.

“I’m fine. Hind mo ako kailangang bantayan, okay,” kaswal niyang sabi na para sa paningin ni Alaine.

“Iyon naman pala. Come on, let’s go,” ani Alaine, halatang iritable. Siguro ay inis pa rin ito sa kanya. Lumapit ito kay Daniel at ikinawit ang isang kamay sa braso nito.

“Ah, Alaine…” She paused and sighed. “If you have time sana, gusto kong—”

“It’s all right, Max. Alam kong protective ka lang kay Daniel dahil sa pagtuturingan ninyong tila magkapatid kaya naiintindihan ko. Wala lang ako sa mood; pasensiya ka na.”

Napatango na lang siya. Saglit na namang nag-usap ang dalawa sa harap niya.

“Hindi ako puwedeng umalis, Alaine. I need to stay here.”

“Will you please go with her? Ako na ang bahalang magsabi kay Kuya.”

“We still need to talk.”

“Lalabas kami ni Eric kaya hindi rin tayo magkakausap, okay.”

“Lalabas—na naman!” bulalas ng lalaki sa mataas na boses.

Ilang saglit na walang nakakibo sa kanilang tatlo. It was Daniel who broke the silence first.

“Finish your coffee and I’ll deal with you later,” anitong madilim ang anyo. Pagkuwa’y bumaling ito kay Alaine at inalalayan ang nobya. Narinig pa niya ang mahinang pagtatalo nang dalawa habang papalabas ng dining room. Napailing na lang siya sa sarili.


Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: