Quattro Club

The Mouse and the Kitten 1 (Chapter 9)

“OH, HI, Trina. Nariyan ka pala?”

Ngumiti ang kasambahay ng pamilya Fulgencio. “Good afternoon po, Ma’am. Pasensiya na po pala sa nangyari ha. Nahihiya po ako sa inyo, Ma’am.”

“Kalimutan mo na iyon. Okay lang. Napunta ka?”

“Pinapunta po ako ni Sir Daniel dito para ibigay ito sa inyo.”

Inabot niya mula rito ang isang paper bag. Nang silipin niya iyon ay hindi niya alam kung matatawa o ma-a-amuse sa lalaki.

“Sandwich?”

Si Trina ang tumawa para sa kanya. “Tuna sandwich po, Ma’am saka apple juice. Tinanong ko nga kung para saan iyan. Merienda niyo daw po. Biniro ko nga po na para kayong estudyante.”

Tuluyan na siyang napatawa sa harap ni Trina. Wala sa loob na naiipit niya sa isang tainga ang ilang hibla ng kanyang buhok. “Ang sweet naman ng Sir mo,” aniya.

“Oo nga po. Hindi ko alam kung ano ang nakain. Alam daw po niyang umalis si Yaya Metring at baka magutom kayo kaya siya naghanda niyan.”

“Siya ang gumawa nito?”

Tumango si Trina. “Opo.”

Ibig sana niyang kiligin pero dahil alam naman niya kung bakit iyon ginagawa ni Daniel ay nagawa niyang pigilan ang emosyon.

Matapos siyang magpasalamat kay Trina ay tinanong nito kung saan siya pupunta at nakangiti naman niyang sinagot iyon. Noon dumukwang sa pinto ang bagong dating na si Eric. Nagpaalam siya sa kasambahay at ibiniling ihatid ang pasasalamat sa unpredictable nitong amo.

“KUYA, nabigay ko na po.”

Muntik nang mapatalon sa pagkagulat si Daniel sa pagsungaw na iyon ni Trina sa kanyang silid. Hindi niya namalayang nakapanhik na pala ito. Kanina lang kasi ay tanaw niya mula sa bintana na kausap ng kawaksi si Maxene.

“Ano ang sabi?”

“Ang sweet niyo raw po.”

“Saan raw ba sila pupunta?”

“Manonood po yata ng sine sa V-mall.”

“Ano ang papanoorin?”

“Ay hindi ko po alam, Sir pero narinig ko si Yaya Mitring na palabas na raw ang paboritong movie ni Ma’am Maxene.”

Saglit niyang binalikan sa isip ang mga bagong palabas ngayon. Knowing Max, he knew she would go into romantic comedy films. “Give me my phone, Trina.”

Tumalima naman ang kawaksi at madaling iniabot sa kanya ang kanyang cellphone. Tumango na siya rito bilang dismissal. “O ano pa ang ginagawa mo diyan?” tanong niya nang makalipas ang ilang sandali ay nakatayo pa rin doon si Trina.

“Bakit napapangiti ka, Sir?”

“Shut up, Trina.” Tinalikuran niya ito habang nagdi-dial ng numero sa cellphone.

“Kanina pa po wala si Ma’am Maxene diyan sa kalsada pero titig na titig pa rin kayo.”

“I already told you. Hindi ko pa nakakalimutan ang atraso ninyong dalawa sa akin ha. Now, please leave.”

Bubulong-bulong na lumabas ito ng kanyang silid. Noon lang nabuo ang nagtatangka niyang ngiti sa mga labi. Pakialamera talaga ang kanyang kawaksi.

UNA siyang dinala ni Eric sa isang restaurant. Nagtaka ito na vegetable salad lang at tubig ang inorder niya. Ang sabi niya rito ay busog siya at diretso niyang sinabing may baon siyang pagkain. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong kung saan galing ang tuna sandwich at apple juice na baon niya.

Habang kumakain ay hindi niya maiwasan ang mapangiti. Noon lang iyon ginawa ni Daniel at masayang-masaya ang pakiramdam niya. Kahit pa alam niya na ginawa lang nito iyon para sa kanyang kapatid ay hindi pa rin niya maiwasang mapangiti.

“Kanina ko pa napapansing napapangiti ka. Any good news?” tanong ni Eric.

“Masaya lang ako. Thanks for everything, Eric.”

Nang hawakan nito ang isa niyang kamay ay hindi siya tumutol.

“I’m willing to do everything to make you smile, Maxene. Sana’y palagi kang ganyan.”

“Salamat,” maikli niyang tugon.

Nasa ganoong akto sila nang mahagip ng tingin niya ang mga taong naglalakad sa labas ng restaurant. Nasa mall kasi sila sa mga oras na iyon at araw ng Sabado kaya talagang maraming tao. Napakunot ang kanyang noo nang pakiwari niya ay natanaw niya sa malayo si Daniel.

“Are you all right?”

Napasulyap si Maxene sa nagtatakang si Eric. Lumingon din ito at sa direksiyong tinatanaw niya. Umiling na lang siya matapos magkibit ng balikat. Nawala na rin ang lalaking kanina lang ay nakatingin din sa kanya.

“Forget it. Akala ko lang ay kilala ko,” aniya kay Eric.

Matapos kumain ay saglit silang lumibot sa mga boutique ng mall at nang mapagod ay saka napagpasyahang manood ng sine. Hindi niya ugaling manood ng sine kasama ng kung sinong nakaka-date niya but this time was exceptional. Eric was gentleman; he knew him for being so.

Matapos bumili ng pop corn at softdrinks ni Eric ay iginiya na siya nitong pumasok ng sinehan. Umakbay ito sa kanya at hindi naman niya iyon tinangkang alisin dahil maraming tao ang nakapila sa papasukan nilang sinehan. Pipila na lang sila nang manlaki ang mga mata niya sa pagkagulat sa dalawang taong nakitang papalapit din doon.

“Alaine? D-Daniel?” bulalas niya.

Daniel smiled while there was no apparent reaction in Alaine’s angelic face.

“Narito rin pala kayong dalawa,” ani Daniel. Hindi niya alam kung sobrang mapunahin lang niyang tao pero hindi nakalampas sa paningin niya ang biglang pagkunyapit ni Alaine sa braso ni Daniel.

“Yap. Manonood kami, kayo rin pala,” tugon naman ni Eric.

“Ah, Hon, parang mas maganda ang action movie. What do you think? Boring yata ang movie na iyan eh.”

Napasulyap siya kay Alaine. Babae rin siya at alam niya ang kahulugan ng reaksiyon nitong iyon. Her friend didn’t like to watch the same movie with them.

“Pero tinanong naman kita kanina, ‘di ba,” kunot-noong sagot naman ng lalaki.

“Oo pero parang—”

“Heto na ang tickets. Mahaba ang pila kung ipapalit pa natin ito. Come on, don’t be like that, Alaine.”

Tumahimik na ang dalaga pero halatang hindi nito gustong manood ng sine kasama sila.

Nang lumakad ang pila ay nabigla siya nang hawakan ni Daniel ang braso niya habang ang isang kamay naman nito ay na kay Alaine.

“Madilim sa loob. Let’s just stay together.”

Ibig niyang matawa sa sinabi nito ngunit nang tingalain niya ang lalaki ay ni hindi naman ito nakatingin sa kanya. Inisip niyang patungkol sa lahat ang sinabi nito kahit pa nga parang sa pandinig lang niya iyon nakarating dahil sa sobrang hina.

“Eric…”

“It’s all right. Ayos lang sa akin,” bulong ng lalaki sa tainga niya. Hindi niya alam kung imahinasyon lang niya na pinisil ni Daniel ang braso niya. Nang sulyapan niya ito ay naaninag niya mula sa dilim na sa kanya rin ito nakatingin. Inilayo na lang niya ang paningin at luminga para maghanap ng mauupuan.

“Tamang-tama, may seats pa doon,” ani Daniel. Nang lingunin niya ang tinuturo nito ay nakakapagtakang may apat pa ngang upuan gayong kahit saan siya lumingon ay wala na halos siyang makitang kahit dalawang bakanteng upuan.

“Baka may nakaupo na riyan,” aniya. May isa kasing lalaking nakatayo sa likod ng mga upuan at tila lumilinga din.

Hindi naman siya pinansin ni Daniel. Pinauna nito si Alaine at ang kaibigan ang napuwesto sa dulong upuan. Ito naman ang kasunod at pagkatapos ay saka siya. Sa tabi naman niya nakapuwesto si Eric.

Ibig niyang pagtakhan ang ginagawa nitong manipulasyon sa mga pangyayari. Sa tingin niya ay kinakasihan rin ito ng pagkakataon. Naghintay siyang may lalapit para sabihing reserved na ang seats nila pero hindi iyon nangyari. Inisip na lang niyang kulang ang apat na upuan para sa lalaking nakatayo kanina.

PAKIWARI ni Daniel ay napakatagal ng palabas sa sinehan. First time iyon na nanood siya ng ng sine na nakaramdam siya ng pagkabagot. He loved movies and he used to visit his favorite cinema at least once or twice a month. It was not his first time to watch with Maxene on his side. Dati na niya itong nakakasamang lumabas para manood ng sine kasama ang kuya nito. It was his first time to watch with her at this kind of circumstance though. Alaine was on his left side while Max was on his right, and the annoying electrician was sitting next to her.

Alerto ang pakiramdam niya habang tumatakbo ang mga eksena sa pelikula. Gumagana ang peripheral vision niya, making sure that the electrician won’t take advantage of his Maxene.

‘His Maxene?’

Nababaliw na ba siya? Nang nagdaang araw lang ay galit na galit siya rito. Ni hindi nga niya ito ibig makita at kausapin. He was mad because of what she did to her and to Alaine. He hated manipulative people. Hindi niya gustong dinidiktahan at iyon ang ginawa ni Maxene.

Sa tingin niya ay umaandar na naman ang pagiging spoiled brat nito. Marahil ay hindi siya nito gusto para sa kaibigan kaya nito nagawa ang bagay na iyon. Hindi niya alam. Hindi rin naman niya tinangkang pakinggan ang mga paliwanag ng dalaga. Nagdesisyon na lang siyang basta ito iwasan. Gusto niyang maunawaan nito kung ano lang ang posisyon nito sa buhay niya. Kaibigan lang niya ito at kapatid man sa turing, wala itong karapatang makipagsabwatan sa mommy niya para kontrolin ang kanyang buhay. So that was it. He had been ignoring her for days and Maxene was getting used to it. But what was happening now?

Bakit niya inalam kung saan pupunta si Maxene at bakit niya kailangang gumawa ng paraan para kontrolin ang situwasyon na iyon ngayon? Bakit kailangan niyang tiyakin na makakatabi niya ang dalawa sa loob ng sinehan? Maxene was no longer a baby and she surely knew how to handle herself. So bakit nga siya nag-aaksaya ng panahong alamin ang whereabouts ng dalawang ito?

Ang dapat ay makuntento na lang siya sa takbo ng mga pangyayari. Maxene was now happy with the electrician. Nakikita naman niya iyon. Nang mga panahong galit na galit siya rito ay hindi miminsan siyang natuksong lapitan ito at makipag-ayos na sa dalaga. Funny that he was throwing dangerous glances at her but he was the one who was truly suffering inside. Nakapagsasalita siya ng mga bagay na nasisiguro niyang ikasasakit ng loob nito pero ang totoo, siya ang unang nasasaktan bago pa man niya bitiwan ang mga salitang iyon.

At ngayong nakikita niyang nakaka-move on na ito sa mga nangyari, na mukhang balewala na rin siya rito at may sarili na itong mundo sa piling ng lalaking katabi, bakit parang hindi tama ang pakiramdam niya? Normal ba iyon dahil nakababatang kapatid na rin ang turing niya sa dalaga?

He glanced at her and she saw her smiling while seriously watching the movie. Kakalabitin sana niya ito para alukin ng burger na hawak nang lumingon ito sa kabilang panig. The electrician was perhaps whispering something against her ears. He saw her giggled. Awtomatiko siyang napatikhim na ikinalingon ng dalawa.

“You gave her pop corn?” pabulong niyang tanong nang makita ang ngayon ay hawak na pop corn ni Maxene. Sa gitna ng dilim ay nakita niyang tumango ang dalawa. Iniabot niya ang hawak na burger sa dalaga. “She has not eaten anything before she left so I think she needs to eat this before your pop corn.”

“Dumaan kami sa restaurant ni Eric kanina—and I even had your sandwich okay.”

Hindi niya napigilan ang mapangiti. “Good. Pero hindi ba at may allergies ka sa corn? Bakit hindi mo iyon nasabi sa boyfriend mo?”

“Kuya—”

“Be—”

Nakita niyang nagkatinginan ang dalawa at pagkuwa’y nagbulungan. Muling lumingon sa kanya si Maxene at bagaman mukhang napipilitan ay kinuha na rin nito ang burger niyang hawak. “Thanks,” anito at saka itinuon ang paningin sa palabas. Hinintay muna niyang kainin nito iyon at saka siya muling nag-concentrate sa panonood.

“Hey, wala ka ng food,” anas naman ni Alaine sa tabi niya. Napangiti siya at saka bumaling kay Maxene.

“Can I have this instead, ‘Be? Bawal naman ito sa’yo e.” Pagkuwa’y walang babalang kinuha niya ang hawak nitong pop corn at saka iyon sinimulang kainin. “Let’s start watching now,” nakangiti naman niyang sabi kay Alaine.

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: