Quattro Club

The Mouse and the Kitten 2 (Chapter 1)

NAKANGITING ibinaba ni Maxene ang hawak na cellphone. Awtomatiko siyang napatingin sa kanyang tagapag-alagang si Yaya Metring.

        “Mukhang masaya ang alaga ko, ah,” anitong malapad rin ang pagkakangiti.

        “Sobra, Yaya. Wala na akong mahihiling pa.” Lumakad siya patungo sa paanan ng kanyang kama at saka nagpatibuwal nang patalikod roon. Pagbagsak sa ibabaw ng kama ay agad niyang kinuha ang isang unan at saka itinakip sa kanyang mukha sabay tili ng ‘I love you, Daniel!’ Gayunman ay hindi pa rin nabawasan man lang ang kilig na nadarama niya.

        They’ve been on for almost two weeks already. Humingi si Daniel ng isang buwan sa kanya para ipaalam ang relasyon nila sa kanyang pamilya at pinagbigyan naman niya ito. Naiintindihan naman niyang hindi madaling gawin iyon dahil sa kanilang situwasyon. Her brother, for sure would be surprised. Malamang naman sa hindi ay higit pa sa pagkasorpresa ang mararamdaman ng kanyang mga magulang. There was a feeling of uncertainty in her heart at the thought of her mom knowing about their relationship, but she just shrugged her doubts off. Malaki ang tiwala niya kay Daniel gayundin sa kanilang kasisimula pa lamang na relasyon. Basta kung ano ang sabihin nito ay masaya niyang susundin. She was leaving everything to Daniel because she trusted him more than anyone else.

        Ang araw na nagkaunawaan sila ni Daniel marahil ang pinaka-memorableng araw para sa kanya. Wala siyang pakialam kahit hindi normal ang paraan ng panimula ng kanilang relasyon. Kahit sabihing hindi nanligaw sa kanya ang lalaki ay ayos lang. Ang mahalaga ay official boyfriend na niya ito.

        Daniel had been a good boyfriend to her. Kung noon ay madalas siya nitong pasyalan sa bahay, ngayon ay hindi lang pasyal ang ginagawa nito. He’d always find time to ask her out, not to mention that he’d also pick her up every morning for school. Sa uwian naman, kung kaya ng schedule ay sinusundo rin siya nito. Uuwi itong saglit sa bahay nito at saka ito babalik pagsapit ng alas-otso ng gabi. Doon sila mag-i-stay sa swing ng mama niya na nasa garden. Iyon lang kasi ang lugar na hindi sila masyadong pansinin ni Daniel. Mahirap nang makahalata ang kanyang Kuya Migz at magkaaberya pa ang kanilang plano.

        Ang sabi ni Daniel ay magsasabi muna itong una sa mga magulang nito at pagkatapos ay saka pupunta ang mga ito sa kanila para magpaalam sa parents niya. The idea was overwhelming but still she was afraid something would come along the way and ruin their plans. Isipin man niya kung ano ay hindi niya matukoy. Siguro ay sobra lang ang nerbiyos niya dahil sa situwasyong nasuungan.

        Daniel’s parents went to Isabela last week. Kung hindi dahil sa kanya, marahil ay kasama ring umuwi doon si Daniel. She could still recall Daniel’s conversation with his parents before they left for Isabela.

        “Bakit hindi ka sumama, anak? Hindi ba at gustung-gusto mo doon?” anang papa ni Daniel habang nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape sa terasa. Tatlong tasa na ng kape ang kaharap ni Mr. Tony Fulgencio kaya halos matantiya na niya kung gaano na ito katagal sa ganoong posisyon.

        “May lakad daw ang anak mo, Papa,” sabad naman ni Mrs. Glenda Fulgencio na noon ay nagsisilid ng mga toiletries sa maliit na maleta. “Just let him do what he wants.”

        Nakita niya nang mapatingin si Daniel sa kanya. Nakaupo ito sa isang settee na katapat ng kinauupuan ng mama nito. Siya naman ay nasa bandang dulo ng settee, nagkukunwang walang intensiyong makinig sa usapan ng pamilya ni Daniel. Kunwa’y napadaan lang siya doon at may pinapaturong assignment sa Algebra ang lalaki kaya siya naroon.

        “Anong lakad naman iyon na hindi mo maipagpaliban gayong dati ay nagkakandarapa kang umuwi ng Isabela, anak.”

        Bigla siyang na-curious. Napansin rin niya iyon noon. Sa tuwing uuwi ng Isabela ang binata ay nagtatagal ito doon. Marahil ay sadyang malapit sa puso nito ang probinsiyang pinagmulan.

        “Mama naman. I just love going there. Naroon ang ilang relatives at mga kababata ko, hindi ba?”

        “Yeah, right, including that girl who used to visit you—”

        “Papa, stop it!” maagap nitong pigil sa sasabihin dapat ng ama nito.

        Napakunot-noo siya roon. She sensed something fishy, but it was too late. Nakatayo na si Daniel at alanganin ang pagkakatingin sa ama nito. Si Tita Glenda naman ay nakatingala sa anak na kunot rin ang noo, anyong nagtataka.

        “What’s the matter, hijo?” Lumingon ito sa asawa at saka napailing. “Tigilan mo na nga ang anak mo, Tony. Hindi na siya natutuwa.”

        Nagkibit lang ng balikat si Tito Tony, hindi na sinundan ang sinabi nito.

        “You know this son of yours, Darling. Alam mong ayaw na ayaw niyan nang pinanghihimasukan. Hindi ba at pinagbibintangan pa nga ako noon na minamanipula ang buhay niya!”

        “Mama, you’re doing it again!”

        Tumawa ang ina nito at saka umiling-iling. “That was a joke, son. Grow up, okay!”

        “I know you both love me, but I can take care of myself, all right. I’m not going with you because I need to do something important here. Mas mahalaga sa kung ano pa mang dati kong inuuwian sa Isabela.” Pagkatapos niyon ay tumingin ito sa kanya nang makahulugan. Madali niyang nilingon ang mga magulang nito. Thank God they were both busy; hindi napansin ng mga ito ang palitan nila ng tingin.

        Nang ihatid siya ni Daniel pauwi nang gabing iyon ay sinubukan niyang magtanong pero hindi siya sineryoso ng lalaki. Tawa lang ito nang tawa habang nagkukuwento ng kung anu-ano. Noong una ay hindi siya mapakali hangga’t hindi nasasagot ang mga tanong niya pero nang magtagal ay nawala na rin iyon sa isip niya. Sa tuwing maaalala niya ang mga tanong na iyon ay awtomatiko rin niyang sasagutin ang sarili ng pagkikibit-balikat. She just made a mental note that it was not serious and there was nothing to worry about.

        Dalawang linggo ang paalam ng mga magulang ni Daniel na ilalagi ng mga ito sa Isabela. Ang Michubichu resort naman ay mina-manage ng kapatid na babae ni Tita Glenda na si Tita Melanie. She was still single at the age of forty-three. Once in a while, she’d require Daniel to visit the place at sa mga ganoong pagkakataon ay isinasama siya ng lalaki.

There were times Daniel would secretly tease her. Masyado raw kasi siyang obvious dahil sa paghawak-hawak niya sa braso nito na hindi naman niya dating ginagawa. Agad naman niyang iniaayos ang sarili. Hindi niya gustong magkaroon ng kahit simpleng dahilan si Daniel para magalit sa kanya. Basta ang mahalaga, she had something to look forward to. Hihintayin lang niya ang pag-uwi ng mga magulang nito upang masabi nito ang kanilang relasyon at pagkatapos ay saka naman magsasabi sa mga parents niya. She knew for sure that her parents would be surprised at first but they would surely love the idea of them being together. Their families were bonded since time immemorial. Halos magkakapatid na ang turingan ng kanilang mga magulang. Who would refuse who?

NASUNDAN ng tingin ni Maxene si Daniel na noon ay nakatingin sa malayo. Katatapos lang nitong makipag-usap sa caller nito. Iniabot nito sa kanya ang cellphone at saka pinulot ang bola na ngayon ay idini-dribble. Gayunman ay wala roon ang atensiyon nito kung hindi sa malawak na kapaligiran ng clubhouse na kinaroroonan nila sa mga sandaling iyon.

        “Sino iyon?” tanong niya sabay buklat sa hawak niyang cellphone. She knew its password. Agad niyang tiningnan ang call logs ni Daniel at hindi nga siya nagkamali, the caller was Alaine—his ex. “Si Alaine?” aniya sabay lapit sa binata.

        Napalingon naman si Daniel at nagtatanong ang mga mata nito nang tumingin sa kanya. “Did you just check my call logs?” tanong nito sa tila mapanganib na tono.

        “Y-yes…sorry,” awtomatiko niyang sabi.

        Saglit na naghinang ang kanilang mga paningin at kitang-kita niya ang iritasyon sa mga mata ng binata pero dagli ring naglaho iyon nang iabot nito ang kamay sa kanya at saka siya nito hapitin sa baywang palapit rito. He kissed the top of her head and smelled her hair. “You know what, Kitty, you just get old by age, but maturity is way too far from your head.”

        Bahagya niya itong kinurot sa tagiliran na ikinatawa pa nito.

        “Why?” Natawa ito at bahagyang yumugyog ang mga balikat. “Hindi ka dapat nakikialam ng cellphone ng iba, okay.”

        “You gave it to me—”

        “Because I’m doing something and you’re the one who’s here with me. Kanino ko naman iyan ibibigay?”

        Napanguso siya sa sinabi nito. That only meant he would give his gadget to anyone else with him. Oo nga naman, pinahahawakan lang iyon sa kanya.

        ‘Ouch…’

        “Oh, huwag ka nang magtampo. Wala naman akong masamang ibig sabihin doon. I’m just trying to say that you as the girlfriend should always trust me.” Pagkatapos sabihin iyon ay yumukod ito at saka siya muling hinagkan. Sa pagkakataong iyon ay sa pisngi na. Nilamon ng pagmamahal at kilig ang ano mang pagtatampo niya.

        “Okay,” mahina na lang niyang sabi. “Pero bakit tumatawag sa’yo si Alaine?”

        “I’m not sure if you will get to understand your friend but she needs help.”

        Hindi niya pinahalata ang pag-atake ng selos sa kanyang sistema.

        “Tungkol ba sa kanila ni Eric?”

        Tumango ito.

        “What about?”

        “Mas mabuti sigurong sa kanya mo na lang malaman. It’s too personal, my kitten.”

        “Pahabol ka talaga, kahit kailan. Dagang-daga ang peg mo.”

        “What?”

        Natawa siya nang mapansing kunot na kunot ang noo nito. Bigla na lang siyang napasigaw nang kilitiin ni Daniel ang kanyang tagiliran.

“HI, TRINA! Nariyan na si Dan?” nakangiting tanong ni Maxene sa kasambahay ng pamilya Fulgencio.

        “Ay opo, Ma’am.”

        “Max na lang, ikaw talaga.”

        “Naku, nakakahiya po. Baka makagalitan ako ni Sir kasi noong tumawag ‘yung friend niya at binanggit ko sa kanya ang pangalan, ang sabi ni Sir ay kabitan ko daw ng Ma’am eh.”

        “Ha? Sinong friend?”

        Saglit na nag-isip si Trina pero pagkuwa’y napailing ito. “Hindi ko po matandaan, Ma’am. Basta itinanim ko na sa isip ko na lahat ng bisita o kaibigan ni Sir Daniel ay Ma’am at Sir ko nang tatawagin.”

        Wala sa loob na napatango na lang siya. “Papanhik na ‘ko, Trina?” tanong niya. Agad din niyang naisip ang konotasyon ng sinabi nang mapangiti nang maluwang ang kasambahay. “Oy Trina, malisyosa ka ha!”

        “Wala po akong sinabi, Ma’am! Ngumiti lang eh.”

        Inirapan niya ito nang pabiro at saka tuluy-tuloy nang pumanhik ng hagdan. Alam naman niya kung saan ang silid ni Daniel kaya dumiretso na siya doon. Pagtapat sa pinto ay saglit siyang tumigil at saka huminga ng malalim. One…two…three…She slowly opened the door.

“HAPPY monthsary, Kitty!”

        Muntik nang mapalundag sa pagkagulat si Maxene pero nang makabawi ay agad ding nangilid ang luha sa kasiyahan. Today was their third monthsary. Ikatlong buwan na buhat nang sagutin niya este sagutin siya nito at maging opisyal ang kanilang relasyon.

        Muli niyang tiningnan ang kaharap na si Daniel. He was holding a red heart-shaped baloon on his right hand and on his left hand was a chocolate cake with dedication on it.

        To my one and only kitten, Max,

               Happy 3rd month. Will always be happy to be caught by you.

                                                           Your forever mouse,

Daniel

        Nayakap niya ang binata. “You surprised me,” aniyang naluluha. Paano’y hindi niya inaasahan iyon. Sa nakalipas na dalawang monthsary nila ay parating siya ang nagbibigay ng surprise dito. Noong unang monthsary nila ay nagulat pa nga ito nang bigyan niya ito ng puting pusa. Nakasabit sa leeg ng kuting ang isang animo ay name tag at doon ay nakasulat ang ‘Kitty’ na agad din naman niyang pinatago kay Daniel sa takot na makita ng parents nito.

        “Bakit mo ako binibigyan nito?” tanong ni Daniel noon.

        “It’s a gift because today is our monthsary, remember?”

        “Monthsary?” nagtataka pa rin nitong tanong. Ngali-ngali na niya itong batukan sa inis.

        “Yes. Today is seventh of the month at iyon ang date na naging officially on tayo, hindi ba?”

        Napatangu-tango ito pero walang sinabi.

        “So what do you say?”

        Wala pa rin itong masabi. Parang nag-iisip ito ng isasagot sa kanya.

        “You’re supposed to say happy monthsary too.”

        “Yeah…happy monthsary, Max.”

        Sinimangutan niya ito kaya inulit nito ang sinabi. This time, Be na ulit ang tawag nito sa kanya.

        Sa ikalawang monthsary nila ay ganoon pa rin ang senaryo. Alam niyang hahanapin siya nito pag-uwi ng bahay kaya nagbilin siya kay Yaya Metring na sabihing nasa club house siya. Pagdating doon ay saka niya ito sinorpresa. Dinatnan siya nitong nakaupo sa malawak na solar ng club house. Nakayukyok siya sa kanyang nakatiklop na mga tuhod. Humahangos ito nang dumating at madali siyang niyugyog.

        “Be, are you all right? Be, ano’ng nangyayari sa’yo?” kabado nitong tanong habang patuloy sa pagyugyog sa kanya.

        Tiningala niya ito at mabilis na hinagkan sa pisngi. Mapulang-mapula ang mga labi niya gawa ng lipstick na ini-apply niya bago ito dumating. Nagmarka iyon sa pisngi ng binata kaya tumawa siya nang tumawa na ikinatawa na rin nito. Makalipas ang ilang sandali ay inilabas niya ang gift niyang nakabalot at saka iniabot dito. It was just a simple bracelet but their names were engraved on it.

        “Happy second monthsary, Babe,” nakangiti niyang sabi.

        “Monthsary ulit natin?” tila amused nitong tanong na nagpatawa sa kanya.

        “Natural! Monthsary nga e ‘di ba buwan-buwan iyon?”

        “What’s this? I’m sorry, wala akong gift.”

        “Okay lang. Hindi ko naman inasahang mapapansin mo pa ang date,” totoo naman sa loob na sagot niya. Having Daniel had been already a blessing. Hindi na siya naghahangad ng higit pa doon. You couldn’t have your cake and eat it too, tanggap niya ang kasabihang iyon.

        And now, it was again their monthsary and he was the one who surprised her first! Ibig yata niyang maiyak.

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: