Quattro Club

The Mouse and the Kitten 2 (Chapter 2)

“YOU’RE so sweet. Thanks, Be.” Maxene kissed Daniel on the cheek.

        “Eherm,” biro nito, haplos ang batok.

        “What?”

        “Baka makita tayo ni Mama…ikaw din.”

        Natutop niya ang sariling bibig at agad siyang kinabahan doon.

        “Joke lang. Wala na sila.” Napasimangot siya at napayuko. Naramdaman niyang itinataas nito ang baba niya. “Aren’t you happy today?”

        “I’m happy, of course. Salamat ha. Mamaya na ‘yung gift ko sa bahay,” aniya.

Hinawakan siya ni Daniel sa isang kamay at saka iginiya papasok sa loob ng silid nito. Nang makaupo siya sa kama nito ay mabilis nitong isinara ang pinto at isinusi iyon habang ang mga mata ay buong kapilyuhang nakatitig sa kanya.

“What?”

“What what?” gagad nito habang pilyo pa rin ang pagkakangiti at may pakindat-kindat pa.

“You seem so happy.”

“I am. And you?” Walang pagmamadali itong lumapit sa kanya at saka tumigil sa kanyang harapan. Lumuhod ito sa tapat niya at saka hinawakan ang kanyang mga kamay. Nang yumukod ito at hagkan ang mga iyon ay nahigit niya ang paghinga.

“Hindi ako sanay nang ganyan ka, Babe. May sakit ka ba?” biro niya sabay haplos sa leeg nito pero muling hinuli ni Daniel ang kamay niya at saka hinagkan ang kanyang palapulsuhan. May tumulay na tila boltahe ng kuryente sa kanyang sistema. “What’s going on?”

“Open my gift, Be,” anito saka ipinaloob sa palad niya ang isang maliit na kahon.

        Nagliwanag ang mukha niya at nakangiting sinunod ang sinabi nito. Tuwang-tuwa siya nang mabuksan ang kahon at makita ang laman niyon. It was a sterling silver heart-shaped locket. Manipis lang ang chain niyon na silver din pero classy ang dating. “Ang ganda!” bulalas niya. Nang buksan niya ang locket ay ibig niyang mapatalon sa tuwa. Picture nilang dalawa ang naroon.

        “You like it?” Kinuha nito sa kanya ang kuwintas at saka ito tumabi sa kanya. Maingat nitong isinuot sa kanya ang kuwintas. Hinagkan niya ito sa pisngi nang matapos iyon.

        “Can I have my gift now, Be?” tanong nito.

        “Yeah. Come with me, kunin natin sa bahay,” aniya sabay hawak sa kamay nito. Akma siyang tatayo pero pinigilan siya ni Daniel. Napatingin siya rito.

        “I have a different kind of gift on mind,” bulong nito sa kanya.

Agad niyang naunawaan ang ibig nitong sabihin. Awtomatikong namula ang mga pisngi niya.“Be…” anas niya pero wala namang ibang masabi.

“I think it’s about time for this,” muli nitong bulong sabay haplos sa kanyang baba. Now their gazes met. Five…four…three…two…one…She closed her eyes as Daniel lowered his head and kissed her.

It was more than an electrifying sensation, she was sure of that—and it was her first real kiss, ever. Pagkat ang unang halik ni Daniel sa kanya nang araw na magkaunawaan sila ay kakaiba. A kiss that was meant to seal their relationship.

Ang ngayon ay may hatid na kakaibang sensasyong hindi niya maunawaan. And she knew he waited for this moment to come. Could she say it was magical? Enchanting? Delightful? Maybe it was actually beyond words because the truth was that it was something more than any adjective could describe. Thus, she thought, there was only one word to really describe how she felt – indescribable!

She couldn’t even move when he finally ended that magical moment she thought would only happen in her dreams.

        “Be…” untag ni Daniel makalipas ang ilang sandali ng katahimikan. “Kitty, are you all right?”

        “I…I can’t breathe,” aniyang may bahid ng katotohanan. Ang sobrang emosyon pala—ngayon lang niya natuklasan—ay nakakaapekto rin sa daluyan ng hangin upang huminga. Paano kung araw-araw itong gawin ni Daniel sa kanya, hindi kaya mapadali ang buhay niya?

        Iniangat ni Daniel ang isang kamay at anyong ilalagay sa ibabaw ng kanyang dibdib nang pigilan niya ito at mabilis niyang inilayo ang sarili. “H-hey!”

        “I’m just trying to help—”

        “Okay na ‘ko, okay na!” agap niyang nagpatawa kay Daniel.

        “Joke lang, Be! Ikaw naman…”

        “Alam ko,” aniyang sinisikap pa ring i-compose ang sarili. “Can I have one request though?”

        Nakangiti itong tumingin sa kanya. May pilyong ngiting naglalaro sa sulok ng mga labi nito. “Yes?”

        “Puwede bang huwag nating gawing hobby ‘to? One step lang at a time, Be. Baka hindi ako makasabay eh.”

        Ang lakas ng tawa ni Daniel na bahagyang nagpakalma sa kanya.

        “Now, here’s another request, Be,” dugtong pa niya.

        “Game, what is it?

        “Cover your ears, please.”

        “Cover my—why?”

        “Because I’m going to shout—weeeh!”

        Hindi maipinta ang mukha ni Daniel matapos ang matinis niyang pagsigaw. Kasunod niyon ay ang pagbukas ng pinto. Naroon at humahangos ang tarantang-tarantang si Trina na animo susugod sa Edsa Shrine dahil sa dala nitong walis-tambo at baseball bat.

“ANO ba ‘to?” tanong ni Daniel habang binubuksan ang maliit na kahon ng regalo na bigay niya rito. Nasa swing ulit sila at nagpapahangin. As usual, wala ang Kuya Migz niya at ang mga magulang naman niya ay nasa lansangan pa rin.

        “Open it and see for yourself.”

        Napasipol ito nang makita ang laman ng kahon. It was the sensor gadget that she had managed to install in his room. Iyon din ang simula nang lahat kung bakit ito nagalit sa kanya noon.

        “Saan mo ito kinuha? Akala ko ay naitapon ko ‘yan sa sobrang galit noon.”

        “Ibinigay sa akin ni Trina at itinago ko. Late na siguro para dito pero…sorry ha.”

        “Sorry na sinisilipan mo ‘ko?”

        “Hey, hindi naman iyan camera ano ka ba!”

        “I mean sinisilip mo kung nakauwi na ako o hindi. Hindi pa ako tapos ah.”

        “Iyon nga,” natatawa niyang sabi sabay hampas sa braso nito. “Sorry na. Pero promise, walang kinalaman sa Tita Glenda diyan. Ako lang ang may pakulo niyan.”

        “Yes, I know. Late ko na rin nalaman. But what you didn’t know is that Mom knew about it. Sila naman ni Trina ang magkasabwat para alamin ang whereabouts ko. I’m sorry that I thought you connived with my mom.”

        “I understand. Paano mo nga pala nalaman ang tungkol diyan?” tanong niya.

        “May hinahanap akong belt noon at nang magtanong ako kay Trina ay nagtaka ako sa naging reaksiyon niya. Tumakbo siya mula sa kusina hanggang sa kwarto ko just to get the belt herself. Ang tagal niyang maghanap kaya sumunod ako pero ayaw niya ‘kong papasukin. Can you imagine that, Be? She locked the door and told me she could find it alone. I wasn’t born yesterday, all right. At hayun, paglabas niya ay agad kong sinilip ang pinto. Wala na doon ang gadget pero nakita ko ang bakas ng pinagtanggalan kaya hinarap ko siya agad at pinaamin.”

“Sorry talaga, Be ha. Gusto ko lang namang masiguro na nakauwi ka na sa gabi bago ako matulog. Nag-aalala lang ako para sa’yo,” aniya.

Naramdaman niya ang paghalik nito sa ibabaw ng kanyang ulo. “It’s all right. You’re so sweet, Be. Sorry din sa mga masasakit na nasabi ko noon. Hindi na ‘yun mauulit, promise.”

Saglit na sumingit ang katahimikan sa pagitan nila ni Daniel. Maxene was fully aware of her body leaning against Daniel’s. She didn’t refuse when he enveloped her in his arms and buried his face on his hair. Daniel was one sweet of a guy. Lihim niyang nahiling na sana ay palagi na lang silang ganoon, masaya at walang problema. She didn’t know what would happen to her without Daniel on her side. Siguro ay guguho ang mundo niya. Masisira ang buhay niya kung mawawala ito.

        “Hey?” untag ni Daniel.

        “Huh? May sinasabi ka ba?”

        “Ang layo yata ng iniisip mo?”

        Nagbuntong-hininga siya.

        “Malalim nga pala.”

        “Be, kailan mo ba talaga sasabihin kina Mama at Papa ang tungkol sa atin? You asked for a month’s time and it’s been three months already.”

        Saglit na hindi nakahuma si Daniel sa tanong niya. Obvious na na-corner niya ito.

        “Be?”

        Nilingon siya nito at saka hinagkan ang kanyang kamay na nakakulong sa mga palad nito. “Give me more time, please. I heard na nagkakaproblema sina Mama sa business nila kaya hindi ko agad masabi.”

        Napatango siya nang marahan sabay yuko.

        “Don’t worry. Hindi maglilipat-buwan at sasabihin ko na rin sa kanila, okay. Ayoko rin namang lagi tayong ganito na tago nang tago. I want to enjoy our relationship with your family and mine around.” Muli siyang hinagkan ni Daniel sa ibabaw ng ulo at napapikit na lang siya. She just decided to enjoy the feeling of serenity with him.

FIFTEEN minutes nang namimitig ang mga paa ni Maxene kahihintay sa nobyong si Daniel. Kanina ay tinawagan niya at sinabing magkita sila nang alas-kuwatro sa gate ng unibersidad. Tumanggi ito dahil may usapan raw sila ng kanyang Kuya Migz pero nagpilit pa rin siya.

        “Sino ba ang mas mahalaga sa’yo, ako ang basketball mo?” tanong niya rito sa cellphone.

        “Babe, ikaw, siyempre, but I can not tell that to Migz. Not yet, at least at alam mo iyon.”

        “Ah, basta! Sunduin mo ako nang four o’clock!”

        “May problema ba?”

        “Oo, meron!”

        “What?”

        “I didn’t see you the whole day! Nagpunta na ako ng canteen, ng library…pati ‘yung punong tinatambayan ninyo ng barkada mo ay pinuntahan ko na rin pero hindi kita nakita! Babe, miss na miss na kita!”

        She heard him chuckled but his voice became serious when he spoke. “Babe, we can not always be together. Alam mo naman iyon, hindi ba. I have my life and you also have yours. You—”

        “Stop talking nonsense, Daniel! I don’t want to hear those!”

        “Okay, fine but Babe, please understand we just can’t—”

        “Four o’clock, Babe! Four o’clock mo ako susunduin and that’s final!” Iyon lang at ibinaba na niya ang kanyang cellphone.

Nag-ring ang gadget nang makailang beses pero sa halip na sagutin ay pinatay niya iyon para hindi na makatawag pa si Daniel. Kailangang dumating ito sa oras na sinabi niya dahil talagang miss na miss na niya ang binata. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya sa sobrang pagkainip dito. Halos sabunutan niya ang sarili kanina sa kanyang kagagahan.

At ngayon ay heto, four ten na pero wala pa rin si Daniel. Halos ay maiyak na siya sa disappointment.

“Umuwi na lang kaya tayo, Max. Marami pang iniuutos sa akin si Kuya e.”

Napalingon siya kay Myla. Nagpasama siya rito upang hintayin si Daniel. Bukod kay Trina, Eric at Yaya Metring ay ito ang nakakaalam ng lihim nilang unawaan.

“Four ten na. Baka hindi na siya dumating dahil hindi ka naman niya pinaghihintay nang matagal, hindi ba.”

Hindi niya sinagot ang sinabi ni Myla pero ang totoo ay kabadong-kabado na rin siya. Iyon ang unang pagkakataong hindi siya sisiputin ni Daniel ‘pag nagkataon.

“Mauna ka na, Myles. Maghihintay ako nang ilang minuto pa. Kapag talagang wala ay saka na lang ako uuwi.”

“Si Maxene Buenaflor, maghihintay sa isang lalaki? Hello!” biro nito sabay marahang katok sa kanyang ulo.

“Oo, tama ka diyan! Hihintayin ko talaga ang love of my life ko kaya mauna ka na.”

“Are you sure? Sasamahan muna kita kahit ilang—”

“I’m fine, don’t worry. Sige, umuwi ka na.”

Nang maiwang nag-iisa ay saka muling nagbalik ang kabang nararamdaman ni Maxene. Panay tingkayad niya upang tingnan sa malayo kung paparating si Daniel pero ni anino ng nobyo ay hindi pa niya nakikita.

‘Be, nasaan ka na ba? Please naman, dumating ka…’

        “Hi, Max! Kanina pa uwian ah, bakit nariyan ka pa sa gate?”

        Nalingunan niya si Camille, irregular student na kaklase niya sa huling subject sa araw na iyon.

        “I’m waiting for someone pero mukhang hindi na siya darating.”

        “You mean you’re waiting for Miguel? Naroon sila sa court sa likod ng canteen with the other friend of yours, ‘yung varsity player ng Chemical.”

        “Si—si Daniel ba?”

        “Yeah, right, siya nga. Naglalaro sila doon with IT students. Siya ‘yung mataas na friend ng kuya mo hindi ba? ‘Yung guwapo at saka—”

        “Oo, siya nga. Thanks for the info, Camille. I love you!” Mabilis siyang tumakbo papunta sa mini court na sinasabi nito.

NAROON nga si Daniel at kalaro sa basketball ni Miguel. She could see they were both enjoying the game. Mukhang magkakampi pa ang mga ito. Her brother was wearing a jersey while Daniel was half naked. Basang-basa kapwa sa pawis ang dalawa. Siguro’y tatlong minuto na siyang nanonood sa mga ito nang mapansin siya ni Daniel. Agad itong napahinto sa ginagawa at hindi naiwasan ang pagtama ng bola sa mukha nito nang pasahan ito ni Miguel.

        “Pare, ano ba ‘yan!” malakas nitong sabi pero nang hindi natinag si Daniel ay nasundan nito ng tingin ang tinatanaw ng kaibigan. Nagkatinginan silang magkapatid. “O, Tol, ano’ng ginagawa mo rito?” Sumenyas ito ng time out sa mga kalaro.

        Hindi agad siya nakakibo. Tahimik lang na nakamasid si Daniel sa kanya, tila naghihintay ng kanyang sasabihin.

        “Hoy, magtititigan na lang ba tayong tatlo dito? May ano ba?”

        “M—may pinagawa akong assignment, Pare. Nawala sa loob ko ang usapan namin ni Max.” Nagkamot ng ulo si Daniel.

        “Iyon lang pala. Mamaya na lang sa bahay, ‘Tol. Makakapaghintay ka naman, hindi ba!”

        Hindi pa rin siya kumibo; nakipagtitigan lang kay Daniel.

        “Out muna ‘ko, Pare. Sub, Jigo!” anito sa isang kaibigang nasa kumpulan ng mga miron. Madali namang pumalit ang tinawag nito. Nang lingunin niya ang court ay naglalaro na ulit ang grupo pero hindi nakaligtas sa matalas niyang mga mata ang pagsunod ng tingin ng kanyang kapatid.

        “What were you doing there?” sita agad ni Daniel nang marating nila ang mapunong lugar sa paligid ng cooperative canteen. Kanugnog lamang iyon ng lumang court. Naroon sila ngayon sa isang malilim na puno na may pabilog na upuang nakapaligid sa katawan niyon. Wala halos taong napapapadpad doon dahil madalang naman ang kumakain sa coop canteen na iyon ng unibersidad.

        “Ikaw pa ang may ganang magtanong? I’ve been waiting for you for half an hour!”

        “But I told you to—”

        “—no! I told you to be there at four o’clock! Iyon ang huling sinabi ko—”

        “Dahil ayaw mo ngang makinig sa akin! I was trying to call and I even texted you.”

“I didn’t receive anything!”

“Be, ipinilit ko sa’yo na hindi talaga ako puwede dahil may game kami ng grupo. Minsanan lang iyon at hindi puwedeng ipagpaliban!”

        “E bakit iniwan mo ngayon kung hindi talaga puwedeng ipagpaliban?”

        “Your fuming presence there couldn’t make me focus! Nakikita kong galit ka kanina!”

        “E ‘di hindi mo na lang sana ako pinansin at naglaro ka na lang hanggang Sabado!” Tinalikuran niya ito.

        “Tingnan mo ‘yang ugali mo na iyan. Ikaw pa itong galit gayong iniwan ko na nga sila para sa’yo.”

        “Wow, thank you ha! Bumalik ka na doon at nakakahiya naman sa’yo!” Tumayo na siya at binirahan niya ito ng alis.

        “Maxene, come back here!” sigaw nito na hindi niya pinansin. Wala siyang kiber kahit magkasala-salabit siya sa mga dahon ng madawag na punong humaharang sa dinaraanan niya. Ang bahaging iyon ng unibersidad ay animo gubat sa dami ng naglalakihang puno. “Max, I’m warning you! Bumalik ka rito or else—”

        “I’m not coming back, okay! Warn your ass!” ganti niyang sigaw, hindi alintana ang implikasyon ng mga sinasabi.

        “You won’t see me tonight, I’m telling you!”

        “Then don’t! Who wants to see you?”

        “Maxene!”

        Tuluyan na niya itong tinalikuran. Hindi na niya nilingon maging ang mga miron na nakatingin sa kanya. Kilala ng marami si Daniel. Sikat ito sa unibersidad dahil sa pagiging mahusay nitong maglaro ng basketball. Ilang beses na rin itong tinanghal na MVP pero sa semestreng iyon ay hindi ito sumali sa grupo. Nang tanungin niya, siya raw ang dahilan. Alam nitong selosa siya kaya daw ito na ang nagkusang mamahinga muna sa paglalaro.

Maxene could still remember how much she cried upon knowing his reason for not joining the basketball team. Sobrang na-touch siya sa ginawa nitong sakripisyo pero sa araw na iyon ay natumbasan ang sakripisyong iyon nang unahin nito ang basketball kaysa kanya. Alam nitong naghihintay siya, bakit hindi nito nagawang isantabi ano man ang ginagawa para sa kanya?

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: