Quattro Club

The Mouse and the Kitten 2 (Chapter 4)

“MAXENE, please. Don’t do this to yourself, hija!”

        It was her mom trying to calm her. Pero gustuhin man niya ay hindi niya magawang pangibabawin ang isip. Durog na durog ang pakiramdam niya. Masakit ang kalooban niya at sa pakiwari niya, bawat himaymay ng kanyang laman ay masakit dahil sa ginawa ni Daniel.

        Daniel was gone. Nang nagdaang gabi ay inakala niyang nagkaayos na sila. She kissed him and he kissed her back with equal intensity. O mas tamang sabihing higit pa nga yata. With his every kiss, she had felt how he truly loved her last night. Kaya naman takang-taka siya kinabukasan nang mula sa bintana ng kanyang silid ay nakita niya ang mga maletang ikinakarga ni Daniel sa sasakyan nito. Dali-dali siyang lumipat sa bahay nito pero hindi man lang niya nagawang makapasok ng gate. Nagmakaawa siya pero binalewala siya ni Daniel. Maging si Trina ay hindi na niya nagawang pakiusapan sa pagkakataong iyon. Nanatili siyang nasa gate habang lumuluha.

Hanggang makalabas ng gate ang kotse ni Daniel ay habol niya pa rin ito ng tingin pero siguro ay talagang wala na itong pakialam sa kanya. Sinubukan niya itong tawagan sa cellphone at laking gulat niya nang sagutin nito iyon.

“Stop making yourself miserable, Maxene. Live your life. Move on.”

“I love you, Daniel. Please don’t leave me—”

“Hindi na kita mahal, Maxene. I’m sorry…”

Naiwan siyang tulala sa kinatatayuan habang sinusundan ang paglayo ng kotseng sinasakyan ng lalaki.

Daniel just slammed the truth to her face and it was too painful to bear. She chose Celine over her. Sa mama na niya nalaman na ang babaeng tinutukoy pala ng ama ni Daniel na nasa Isabela at dinadalaw ng binata ay walang iba kundi si Celine. At kahit nang magpunta ito ng ibang bansa ay patuloy pa ring naghihintay ang lalaki. Patuloy pa ring dinadalaw ang mga kamag-anak ni Celine. Patuloy pa ring umaasang darating ang araw na babalik ito para sa kanya—na nangyari na nga.

        “Bakit ganoon, Mama?” umiiyak niyang sabi. “Bakit kailangang maging sinungaling at mapanggamit ang ibang tao? At bakit kailangang ‘yung mga ganoong klaseng tao pa ang natututunang mahalin ng mga babae?”

         “Anak, you don’t deserve this, okay. You deserve someone who’s a lot better than Daniel. He’s a total jerk!”

        Pinahid niya ang mga luhang mabilis na nag-uunahan sa kanyang pisngi. “Ang jerk na ‘yan, Mama, ‘yan ang lalaking mahal ko…”

        “I don’t like him for you, Maxene. Kung nalaman ko lang nang maaga ang tungkol sa inyo ay hindi ka na sana nalubog sa taong iyan. Matagal ko nang napapansin na may gusto ka sa kanya at matagal na rin kitang napagsabihan but you kept on saying you don’t like him! Ngayon, look at yourself. You really are miserable!”

        “I wanna die, Mama. Hindi ko po yata ito kaya.” Napahagulgol na naman siya.

        There was no adjective that could better express what she felt at that moment. Misery was a weak word to describe what she’s been going through. Napakasakit ng ginawa ni Daniel.

        “Mabuti pa siguro ay doon ka muna sa mga Tita Clarisse mo sa America, anak. Doon ay makapagsisimula ka ng bagong buhay at makakalimutan mo agad ang palikerong iyan.”

        Hindi na niya kinontra ang sinabi ng ina dahil ang totoo, iyon din ang gusto niyang gawin sa mga sandaling iyon. Lahat ng bagay sa paligid niya, lahat ay nagpapaalala kay Daniel. Lahat ay nagdadagdag sa sakit na nadarama niya. Baka kung sakaling mapalayo siya ay tuluyan na niyang maibangon ang sarili at makapagsimulang muli. Tama si Daniel, she had to move on.

AFTER SIX YEARS…

“ARE you all right, Baby? You look so sad.”

        Bumalik ang isip ni Maxene sa kasalukuyan. Nasa kotse pala siya katabi ng kanyang nobyong si Tim. Galing sila sa supermarket upang mag-groceries at ngayon nga ay pauwi na. Great, thank God. Because it was just crazy to live in the past. Heto na siya ngayon, isang bagong Maxene Buenaflor, a successful woman in her own right. Collected and poised. Confident. Someone who’s a lot wiser than the Maxene that she was six years ago.

        “I’m sorry, Tim. I’m fine,” aniya sa nobyo. “And please, I’ve already told you not to call me that.”

        “Yeah, right. Ang akala ko lang kasi ay nalimutan mo na si Daniel at balewala na sa’yo ang endearment na iyon. I’m sorry…”

Pinindot niya ang tungki ng ilong nito pero iniiwas nito iyon sabay daing.  “Do not start, please. Anong oras na ba?” aniya rito. Umayos siya ng upo.

“Five to three o’clock. In less than thirty minutes ay naroon na tayo sa inyo.” He smiled and she smiled back at him.

Sa America niya nakilala si Tim. Nakaklase niya ito sa isa sa mga subjects niya noong graduating na siya at dahil kapwa Pinoy ay naging magkapalagayang-loob sila nito. Nang maka-graduate ay inalok siya ni Tim na magpatayo ng isang maliit na Filipino restaurant doon. Nakipag-ugnayan siya sa mga magulang at maging ang mga ito ay sumuporta sa kanya. Umunlad ang restaurant na magkatulong nilang pinamahalaan at hindi nagtagal ay nagkaroon sila ng mga sangay.

Makalipas ang isang taon ay tinawid ni Tim ang pagkakaibigan nila at nag-propose sa kanya. Nabigla siya dahil ni wala naman silang relasyon nito pero nag-aalok na ito ng kasal. Ang sabi nito ay hindi siya nito pababayaan. Mamahalin siya at hindi paiiyakin.

Tim was good enough for her. Mula sa anyo, pisikal na katayuan sa buhay hanggang sa pagiging gentleman, wala siyang nakikitang dahilan upang hindi tanggapin ang proposal nito. She was also very comfortable working with him. Tutal ay alam naman nito lahat ng pinagdaanan niya, hindi na niya pinahirapan pa ang lalaki. Sinagot niya ito makalipas ang dalawang buwan.

Nang umuwi siya ng Pilipinas upang makapiling ang pamilya ay nasa plano nila Tim na susunod din ito sa kanya. Magpapatayo rin sila ng sangay ng restaurant sa sariling bansa kung saan mga pagkaing Pinoy mula main course hanggang sa dessert ang isinisilbi. Hustong dalawang taon buhat nang umuwi siya galing ng America at ngayon nga ay sumunod na si Tim. Halos isang linggo palang buhat nang umuwi ang nobyo.

“I’m going to cook, Maxene,” anito. Sa pangalan lang talaga siya tinatawag nito. Marahil ay nasanay dahil matagal rin silang naging magkaibigan bago maging opisyal ang kanilang relasyon. “Your father would surely love my recipe.”

“That’s great!” tugon naman niya. “I’d love that too.” Ngumiti siya rito at pagkuwa’y ibinalik ang paningin sa labas ng sasakyan.

“THIS is very good, hijo. Napakasarap mong magluto!” anang mama ni Maxene habang kumakain. Nakadulog sa hapag-kainan ang buong pamilya Buenaflor at kasalo sa pagkain si Tim.

        “Thanks, Mama. I’m glad you like it,” nakangiting tugon nito.

Napansin niya ang pagtawag nito ng mama sa kanyang ina. It sounded awkward in her ears. Naisip niya si Daniel. Ano kaya ang pakiramdam niya noon kung ganoon din ang tawag ni Daniel sa kanyang mama?

Napailing siya at ipinilig ang ulo. She decided to shrug off the idea. It was nonesense.

Ilang kuwentuhan pa ang namagitan sa gitna ng hapunan at ang bawat isa ay kakikitaan ng kasiyahan—liban kay Maxene. She felt empty. She felt uncontented. Something in her life was missing and though she knew it, she wouldn’t admit it to herself. Hindi kaya ng pride niya.

“Anak, magpaturo ka nga ng ganitong recipe kay Tim. Naku, napakasuwerte mo talaga sa batang ito.”

Ngumiti siya sa ina. “Mama, huwag ninyong ulit-ulitin at baka ikalaki ng ulo ng isa riyan.”

“Oh, come on, Maxene. Sanay ako sa mga ganyang papuri and you know that.” Kumindat ito sa kanya. And she felt something in her system; something that she had been denying to herself, that familiar annoyance over Tim. Again.

Dati-rati, sa tuwing magsasalita si Tim at kinakitaan niya ito ng kayabangan ay iniisip niyang biro lang iyon. Tim used to throw jokes at her. Pero kung bakit naiirita siya rito ay hindi niya alam. Pakiramdam niya ay masyadong malobo ang ego nito at kung minsan ay natatabunan niyon ang magagandang katangian ng lalaki.

“May bisita ka, Rogelio; ang Pareng Tony mo.” Si Yaya Metring iyon na hanggang ngayon sa kabila ng katandaan ay nasa piling pa rin nila. Palibhasa ay wala namang anak at patay na ang nag-iisang kapatid, sila na ang itinuring nitong pamilya. Kasunod nito si Mr. Tony Fulgencio.

“Pare…” anito.

“Tito!” tawag ng kanyang Kuya Migz. Nginitian naman niya ito bilang pagbati.

“Napadaan lang ako. Kumusta?”

“Ayos naman. Halika at kumain ka na muna,” anyaya ng papa niya rito sabay tayo. Sinalubong nito ang bisita at saka kinamayan.

“Sige, Pare. Salamat. May bisita pala kayo.” Itinaas nito ang kamay upang pigilan si Yaya Metring sa pagkuha ng mga kubyertos.

“Si Tim, Pare, nobyo ng anak ko. Magmano ka nga, Tim. Ganyan ang uso dito.”

Tumayo naman si Tim at sinunod ang kanyang ama saka muling umupo sa tabi niya habang napapailing. Hindi nakaiwas sa kanya ang lihim na sarkasmo sa pagkakangiti nito kaya pinagmasdan niya ito. Agad namang inayos ni Tim ang sarili.

“Napadaan lang ako para anyayahan kayo bukas sa Michubichu. Dinner, Pare.”

“Teka, ano’ng okasyon?” sabad naman ng mama niya na patuloy sa pagkain. “Malayo pa naman ang birthday ninyo ni Mare, ah.”

“Birthday kasi ni Daniel sa Sabado, Mare, Pare. Bukas na namin gaganapin ang salu-salo dahil aalis na rin siya next month.”

Napatigil sa pagkain ang lahat at tumikhim naman siya nang makitang sa kanya nakatingin ang mga ito.

“Yes?” aniyang nakaangat ang isang kilay.

“He’s back from America, Tito?” anang kuya niya.

“Oo, Migz. Susunduin naman siya bukas nang umagang-umaga sa airport.”

Tahimik ulit ang lahat. Tumikhim siya at saka ngumiti. “That’s good,” aniya. “Good for him.”

“Darating kayo bukas, Mare ha. Isama mo ang mga bata. Matutuwa si Daniel oras na makita sila lalo na si—”

Nabitin ang paghinga niya nang mapatingin sa kanya ang matanda.

“—lalo na si Migz. Talagang magkababata ang dalawang iyan eh.”

“Oo nga, oo nga,” ayon naman ng kanyang ama. “Hayaan mo at darating kami bukas.”

“MANO namang pumunta ka mamaya kung talagang wala na sa’yo ang lahat?” ani Yaya Metring kay Maxene.

Halos tumirik ang mga eyeballs niya sa inis. Kagabi pa siya ayaw tigilan ni Migz at Yaya Metring. Inaasar siya ng mga ito dahil sa pag-uwi ni Daniel. Well, sorry na lang dahil hindi naman siya affected!

“Yaya, I really can’t go, okay. Pero hindi dahil sa mahal ko pa or something ‘yang daga na ‘yan! Hindi lang ako talaga puwede!”

“E bakit nga? Close ka naman sa family nila lalo kay Tita Glenda mo. Nakakahiya na hindi magpunta, hindi ba?”

“Maiintindihan nila ‘ko lalo na si Tita. May lakad kami ni…Tim.”

“E bakit hindi ka makatingin sa amin nang diretso?”

Ang kulit talaga ng kapatid niya. Pati ang kinakain niyang cake ay pinakialaman nito at nakikain sa kanya samantalang nasa harap lang nila ang lamesitang kinapapatungan ng isang buong cake na binili nito. Ang TV na kanina pa nagsasalitang mag-isa sa harap nila ay tila wala namang kausap. Kinuha niya ang remote at inilipat iyon sa music channel.

‘Hayan, manahimik kayo,” sa loob-loob niya nang ilakas ang volume niyon.

“Manang, napipikon na oh,” buska ni Migz at saka isinubo ang huling piraso ng cake na nasa platito niya. Si Yaya Metring naman ay dumukwang mula sa pagkakaupo sa tabi niya at inilapit ang platter na kinalalagyan ng malaking cake. Naglagay ito ng isa pang slice sa platito niya.

“Kawawang TV at napagdiskitahan, tsk.” Iiling-iling na sabi nito.

“Yaya, please. Tigilan ninyo akong dalawa, okay. Hindi ako pupunta dahil ayoko at hindi dahil sa ano pa man. I’m not comfortable to see all of them. That’s it.”

“Dahil nahihiya ka sa tuwing maaalala kung paano ka nagpapasag sa iyak nang iwan ka ng damuhong iyon?”

Ngumiti siya nang pasarkastiko. “Siguro. But I thank him somehow. Kung hindi niya ginawa iyon ay wala ako sa kinalalagyan ko ngayon.”

“Tama!” ani Migz. “Hindi ka sana milyonarya ngayon sa piling ng maangas mong boyfriend!”

“Kuya!” bulalas niya. Gayunman ay wala naman siyang naidugtong doon. So, maging ang kapatid ay napansin na rin pala iyon agad. And who knows, baka pati mga magulang niya? Napahugot siya ng malalim na paghinga.

“Anak, puwera biro. Kung ayaw mong magpunta mamaya ay hindi ka namin pipilitin. Kung hindi ka komportable ay ayos lang. Naiintindihan kita.” Nakangiti ito sa kanya.

“Salamat, Yaya,” aniya naman.

“Pero ang sarap mag-swimming, anak. Balita ko ay lalong pinaganda ng mag-asawa ang resort eh. Tsk, sayang naman…”

“Yaya naman!”

At nagtawanan ang dalawang mapang-asar.

BUO na sana ang desisyon ni Maxene na hindi dumalo sa party ni Daniel kung hindi lang sa mama nito na si Mrs. Glenda Fulgencio. Nagpunta pa ito talaga sa kanila para siguruhing darating silang lahat partikular siya.

        “Be, anak, matagal na ang mga nangyari. Masaya ka na at maganda na ang buhay mo. Same thing with Daniel. He has moved on already. Please be there.”

       Huh? He has moved on daw?

        “Tita, may lakad kasi ako,” tanggi niya pero mabilis siya nitong hinawakan sa mga kamay at pinutol ang kanyang sinasabi.

        “Bago sumakay ng eroplano ay tumawag pa si Daniel sa akin at ibiniling kailangang naroon kayong lahat. He even mentioned your name. See, gusto ka ring makita ng kababata mo sa kabila ng lahat.”

        Takang-taka man siya sa mga sinasabi ng mama ni Daniel ay tumango na lang siya. Bakit kung makapagsalita ito ay tila walang atrasong iniwan sa kanya ang anak nitong magaling? At bakit sa halip ay parang siya pa ang may malaking nagawa rito?

        In short, wala siyang choice kung hindi ang tumango at mangako ritong darating siya. Bahala na, sa loob-loob niya. Kung sakali ay madali nang magsinungaling. Ang kaso, paano niyang magagawa iyon gayung sinundo pa siya sa bahay ni Mr. Fulgencio.

        “Tito, bakit sumundo pa kayo? Nakakahiya naman po,” aniya sa matandang lalaki.

        “Ayos lang, anak. Ang sabi kasi ng tita mo, baka wala kang masakyan dahil nasa kasa ang kotse mo. Sina Pare ay mali-late daw at ma-traffic. Ang Kuya Migz mo naman ay sumabay sa mga barkada nila ni Daniel sa pagpunta roon. Si Yaya Metring ay kanina pa naroon at tumutulong roon sa pagba-barbecue. Ikaw lang ang wala, hija. Halika na.”

        Sukol na sukol siya. Ang totoo ay maaari naman siyang mag-taxi at alam naman iyon ng pamilya ni Daniel. Gaano lang ba ang lumabas ng village at mag-abang ng sasakyan? Ang kaso, mukhang walang plano ang mga ito na bigyan siya ng excuse. Siguro ay kinukutuban na hindi talaga siya darating sa resort kaya pinasundo na siya ng mga ito.

        “Tito, I can manage naman po. Nakakahiya sa inyo—”

        “Don’t mention it, hija. Bilin ni Daniel na sunduin ka talaga.”

        Napakunot ang noo niya pero madaling iniba ng matanda ang usapan. Wala siyang nagawa kung hindi ang pumanhik sa silid at magbihis. Inis na inis siya habang naghahanap ng tamang isusuot. Ayaw pa naman niya sa lahat ay napi-pressure siya. Planado ang lahat ng lakad niya at sinisiguro niyang nakagayak na siya half an hour before her call time.

        ‘Ano’ng karapatan ng lalaking ito na paikutin ako sa palad niya? Bakit kailangan akong pilitin ng pamilya niya at kulang na lang ay kaladkarin sa party niya?’

‘Ang kapal ng mukha…’

‘Manhid!’

‘Dagang walang pakialam!’                            

       ‘Lord, ano ba ang isusuot ko? Baka mainip si Tito at iwan ako…’      

“O, HIJA, akala ko ba ay hindi ka pupunta dito?”

        Nalingunan ni Maxene ang mama niya. Nakangiti ito bagaman may bahagyang lambong ang mga mata nito.

        “Sinundo po ako ni Tito Tony. Mukhang may checking of attendance nga kaya ako naiinis. Na-traffic daw kayo kaya siya na ang sumundo sa akin.”

        Ngumiti ang mama niya. “You shouldn’t have came kung hindi mo gusto, anak.”

        Marahil ay naiintindihan nito ang pinagdaraanan niya ngayon. Alam nito kung gaano kasakit sa kanya ang mga nangyari. She was the one who was always there beside Yaya Metring.

        “I’m fine, ‘Ma. Kaya ko ang sarili ko. So where’s Daniel?” nakangiti niyang tanong.

        Saglit siyang pinakatitigan ng ina. Nasorpresa siya nang yakapin nito.

        “I love you, anak. I’ve always loved you. Wala akong ibang inisip mula noon kundi ang kapakanan mo. I’m sure you know that.”

        Nagtaka siya sa tono ng ina. It was not usual to her to be melodramatic. “Of course, Ma, I know that.”

        “Thanks, hija. Ngayong na nasa edad ka na, wala kaming hiling ng papa mo kundi ang kasiyahan mo. Do you love Tim?” pagkuwa’y tanong nito.

        Marahan siyang tumango habang pinoproseso sa isip ang tanong nito. Mahal naman niya talaga si Tim. She had been with him for many years. Ito na ang katuwang niya sa lahat, bakit hindi niya ito mamahalin?

        Nagyakap silang mag-ina. Nasa ganoon silang tagpo nang marinig ang tawag ni Mrs. Fulgencio. Inanyayahan na sila nitong kumain at sumama sila rito.

Thank you for loving Maxene, dear readers 🙂 Bitin, right? How about a game for the completed ebook? Sounds interesting?

The ebook is posted HERE. You may download it anytime at your convenience but it is password protected. So, what to do to get the password?

Simple. Watch this VIDEO and please don’t forget to subscribe to that channel. The password is the word that will complete the line below which is part of the lyrics of the song. Please take note that the last two letters ng are already given so it is clearly not included in your answer.

Q: Sayang hindi nabibili, ______________ng maipagmamalaki…

Using all capital letters, type your answer to unlock the ebook. Enjoy reading!

Amor Filia

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: