Quattro Club

Pinakahihintay na Regularization Para Sa Mga Dayuhang Manggagawa, Kasado na!

Sa wakas ay nailathala na noong ika-19 ng Mayo, 2020 ang pinakahihintay na Coronavirus – Decreto “Rilancio” sa Gazzetta Ufficiale (Official Gazette). Isa sa mahalagang nilalaman nito ay ang pinakaaasam-asam na regularization para sa mga manggagawang dayuhan. Ito ay nakasaad sa artikulo 103 o “Emersione di rapporto di lavoro”.

Ayon sa ulat, magkakahalaga ng €500 ang Regularization ng mga dayuhang manggagawa sa sector ng domestic at agrikultura, salungat sa naunang naibalita na €400 bawat manggagawa.

Simula Hunyo 1 hanggang Hulyo 15, 2020 ay kailangang magbayad ng nasabing halaga ang mga dayuhang kasama sa lavoro nero sa pagsusumite ng aplikasyon upang magkaroon ng contratto di lavoro subordinato.

Emersione di rapport di lavoro o artikulo 103 ng DL Rilancio:

Ito ay nagbibigay ng magandang pagkakataon sa mga dayuhan na may expired na permesso di soggiorno mula Oktubre 31, 2019 na kumuha ng permesso di soggiorno temporaneo sa loob ng anim na buwan sa bansang Italya. Kailangan rin ng mga dayuhang manggagawa na mapatunayan ang pananatili sa bansa ng Marso 8, 2020 at hindi lumabas o nagtrabaho sa labas ng bansa bago mag-Oktubre 31, 2019 sa anumang sector tulad ng mga sumusunod:

  • livestock
  • agrikultura
  • zootechnics o pag-aaral ng mga hayop
  • pag-aalaga ng hayop
  • breeding ng mga hayop o allevamento
  • aquaculture
  • pangingisda o pesca
  • domestic jobs
  • caregiving

Kasama rin ang mga Italyano na hindi regular na nagtrabaho o ‘nero’ sa emersione del lavoro nero

Bukod pa sa Regularization na nagkakahalaga ng €500, kinakailangan ring bayaran ng employer ang lumpsum na itatalaga tulad ng kontribusyon, sahod at tax, gayundin ang paraan ng pagbabayad na nasasaad sa Implementing rules ng Ministry of Labor, Ministry of Interior, Ministry of Economy at Finance at Ministry of Agricultural and Forestry Policies.

Sinu-sino ang mga hindi kasali at mga hindi maaaring mag-sumite ng aplikasyon?

Hindi maaaring mag-apply ang mga employer na nagkaroon ng kaso tulad ng exploitation, illegal immigration at iba pa. Hindi rin kasali ang mga dayuhan na nabigyan ng expulsion decree, mga nagkaroon ng kaso dahil sa droga, iligal na imigrasyon, prostitusyon at mga hinatulan kahit pa hindi pinal.

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: