Quattro Club

Loving you until the Sunset (Chapter 1)

A novel by Selena Strauss

Chapter 1 Sandra’s P.O.V.

“Pwede na ba akong bumalik sa buhay mo Sandra?” Nakatingin lang sa akin si Ryan. Hinihintay kung ano ang isasagot ko. Ano nga ba ang pwede kong isagot sa kanya? Sa lalaking may sampung taon ko nang hindi nakikita. Tumayo ako sa aking kinauupuan. Lumayo kay Ryan.

***

We were the best of friends from elementary days. Super close na akala ng lahat ay boyfriend ko siya. Hindi naging kami ni Ryan. Pero aminado akong minahal ko siya nang labis pa sa pagiging magkaibigan. I kept this for a long time. From first year highschool until our third year best friend kami. But something came up after that. I felt different. I felt that I am falling in love with him. Mahirap pero ayos lang naman. Kuntento naman ako sa pagiging magkaibigan namin.

He was always there for me. Siya palagi ang tumutulong sa akin sa studies ko. Siya din ang aking Knight in Shining Armor.

***

“Siraulo ka!” Sabay suntok niya kay George. Bumagsak ito, duguan ang labi. Pumutok ito sa sobrang lakas ng suntok ni Ryan.

“Ano ba’ng problema mo?” Nakahawak ito sa panga na halatang masakit pa sa pagkakasuntok sa kanya.

“Nalaman ko kay Dexter ang plano n’yo kay Sandra. Siraulo ka! Ang bait-bait sa iyo nung tao, tapos gagaguhin mo!”

“Teka nga, ano ba’ng sinasabi mo?” Naguguluhan na din ako sa mga kinikilos niya.

“Di ba siya ang escort mo sa JS? Nalaman ko kay Dexter ang pustahan nila. Isang libo kapag nahalikan ka niya sa gabing iyon.” Nangagalaiti nitong sabi.

Nagulat naman ako sa sinabing iyon ni Ryan. I am not expecting this. Mabait naman si George. Hindi ko akalaing magagawa niya iyon sa akin.

“Umamin ka na!” Hinablot nito ang kuwelyo ng polo ni George.

“Fine! Sorry Sandra. It was a joke. A mere game.” Nakayuko nitong kumpisal.

“Pero bakit George? Wala naman akong pinakitang hindi maganda sa iyo.” Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko.

“Like I said it was a joke.”

“Para sa iyo joke lang ba si Sandra? Maling-mali ka dun!” At isa pang suntok ang pinakawalan ni Ryan.

Tumakbo akong palayo sa kaguluhang iyon. Hindi ko na kayang ang mapanghusgang tingin sa akin ng mga tao. Dinig na dinig nila ang sinabi ni Ryan. Hindi ko alam kung ano ang iisipin. Ang alam ko lang pinaglaruan ako.

“Sandra!” Narinig kong tawag sa akin ni Ryan.

Hindi ako lumingon. Tumakbo ako nang mabilis at agad na sumakay ng jeep paalis ng school. Pilit kong kinalma ang aking sarili. Nakakahiya naman dito pa ako umiyak. Dumiretso ako ng dorm na tinutuluyan ko. Nagtago sa kuwarto at doon ko binuhos muli ang pag-iyak.

Wala akong pinakitang masama kay George. Lahat sila, pinakisamahan ko. Dayo ako mula sa Cebu. Though hindi naman kami salat sa buhay. Hindi din naman kami kasing-yaman ng mga nag-aaral dun. My parents work hard to give me and my siblings the best of what life can offer. Hindi kami pinabayaan nina Mama at Papa. They work night and day to give us what we deserve in life. May perfume business si Mama. Hindi naman ganoong kalakihan. She is enjoying what she do and at the same time she is earning. Very talented. She can succeed in anything that she puts her mind and heart into. Si Papa naman ay Manager sa isang malaking restaurant. Minsan napapadala siya sa iba’t ibang lugar para pangunahan ang pagbubukas ng branch ng restaurant tapos mai-organize ang lahat iba na mag ma-manage. Balita nga namin by next year ma promote na siyang Regional Director. Sana nga. Matagal na kasing empleyado si Papa ng nasabing restaurant. Deserving naman talaga siya. Masipag, matiyaga, madiskarte. ‘Yan ang Papa ko! At very thankful ako dun. Thankful sa mga parents namin.

Consistent honor student naman ako. Hindi ko kailanman pinabayaan ang pag-aaral ko. It is my way to say thank you sa parents ko sa mga hirap na kanilang pinagdaanan. Ganoon din naman ang dalawa ko pang kapatid. JR is in his first year highschool. Consistent honor student din. Si Ate Leila naman ay nasa second year college. She is taking up BS Psychology. Gusto din niyang magturo someday. My parents are very proud of us. At ganoon din naman kami sa kanila.

Kaya nga ba hindi ko maintindihan ang ginawa sa akin ni George. Wala akong pinakitang hindi maganda sa kanya o sa mga kabarkada niya. Lahat ay pinakikisamahan ko. Isa yon sa itinuro sa amin ng aming mga magulang. Matuto daw kaming makisama sa tao, para sa panahong kailanganin namin ng tulong, walang mag-aatubiling tulungan kami. Wala naman daw kasing nilalang na nabubuhay nang mag-isa, o para sa sarili. Lahat kailangan ng karamay sa buhay.

Kaya masakit ang ginawa sa akin ni George. Hayan na naman, naninikip na naman ang dibdib ko. Nakakaiyak naman talaga ang ginawang ito sa akin ni George.

“Sandra,” tawag sa akin ng Land lady namin.

“Po?” Pilit kong pinunasan ang mga mata ko.

“Si Ryan nasa labas.”

Ryan. My best friend. My confidant.

“Sige po lalabas ako. Pakisabi po saglit lang.”

“Sige.”

“Salamat po.”

Inayos ko muna ang sarili ko. Nagsuklay sa harap ng salamin. Pinunasan ng tissue ang bahagya pang luhang nasa aking mga mata. Sabay buntong-hinga.

Malayo pa ako ay nakita kong tumayo sa Ryan sa inuupuan niya. Ngumiti sa akin sabay kaway.

“Best,”

“Sit down.“ Umupo ako sa tabi niya. Sumandal sa kanyang balikat.

“How are you?” Una niyang tanong sa akin.

“Ano ba namang tanong ‘yan?!” Sabay hampas ng mahina sa braso niya.

“Aray!” Nagkunwa pa itong nasaktan. “What I mean is, how are you?” Inangat niya ang ulo ko at iniharap sa kanya.

“Hurt.” Yun lang at muling tumulo ang luha sa aking mga mata.

Akala ko kaya kong itago ang nararamdaman ko kay Ryan. But what the heck? He is my best friend. Tanggap naman ako ni Ryan. Kung sino ako. Kung ano ang mga flaws ko.

“Stop that. Hindi mo kailangang umiyak. Hindi mo dapat iyakan si George.” Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. “Do you like him?” Tanong niyang muli sa akin.

“Hmm, not really. Not now! Aminado naman ako sa iyo na one time ay naging crush ko siya. Pero ngayon, hindi na!” Napasimangot ako sa isiping minsan ko siyang naging crush. “Hindi ko lang din ma-accept na pinagpustahan nila ako.”

“Hindi naman talaga nila dapat ginawa iyon. Kaya nang makita ko siya kanina na kasama mo at todo ngiti pa ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Buti nga sa kanya! Akala naman niya hindi ko malalaman.”

“But wait, paano mo nga ba nalaman na pustahan lang ang lahat?”

“Narinig ko sina Dexter at John na magkausap sa labas ng canteen. Doon ko nadinig ang pinag-uusapan nila. Na malamang nga daw ay manalo si George sa pustahan nila.”

Nakikinig lang ako sa kuwento ni Ryan. May kirot pa din pero gusto kong malaman ang totoo.

“Then nadinig ko pa na ang susunod daw na pustahan ay kung…” Hindi tinuloy ni Ryan ang kanyang sasabihin. Suma tutal ay naiintindihan ko na ang gusto niyang ipahiwatig. Na ang susunod na pustahan ay kung maikakama ako ni George. Napailing na lang ako. “Hanggang nandito ako sa tabi mo, walang pwedeng gumago sa iyo. Ipagtatanggol kita sa lahat ng gustong manakit sa iyo.”

“Thanks Ryan. Buti na lang nandiyan ka. Kung hindi…”

“Hayaan mo na sila. Basta palagi kang mag-iingat. And always remember I am always here for you.”

Ganoon kami ni Ryan sa isa’t isa. Siya ang bahala sa akin. At ako naman ang bahala sa kanya.

Hindi ko siya iniwan noong siya naman ang nangailangan ng tulong ko. Noong siya naman ang may problema.

Nag-iisang anak si Ryan ng mga Domingo. Isang mayamang angkan. Pero they are not in-tuck. His parents got separated. Ang masakit pa, ang Mommy niya ang nagloko. Hindi ito matanggap ng kanyang Daddy kaya nagpakalayo-layo na din ito. Naiwan siyang mag-isa. He was so down back then. He was lost. Marami nga silang pera pero malaki ang puwang sa kanyang puso.

“Why do people ever fall in love? Tapos sasaktan lang nila ang isa’t isa?” Umiiyak ito sa harap ko habang hawak ang isang bote ng beer.

Pangatlong bote na ito ni Ryan. Hindi ko naman siya mapigilan. Naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman niya. Alam kong nahihirapan si Ryan. At nandito lang naman ako para makinig. Para damayan siya.

“Hindi ko maintindihan si Mommy. If she is still in love with her first boyfriend, bakit niya pinakasalan si Daddy? Bakit kailangang saktan niya si Dad? Napakabait noong tao.” Lumagok ulit ito ng alak.

Totoo ang sinasabi ni Ryan. Super bait si Tito David. Wala kang maipipintas. Lahat ay ibinibigay nito sa kanyang asawa, si Tita Dina. He is a good provider. A good husband. A very good father. Kahit na solong anak si Ryan ay hindi siya nagpaka-petix. He wants to provide a very good life para sa nag-iisang anak. Kung tutuusin ay hindi niya kailangang magpaka-pagod. Lahat ng business nila ay pwedeng kumita nang hindi siya masyadong nagtatrabaho. Maraming tauhan si Tito David. Mabait itong boss kaya pati ang mga tauhan nito ay very loyal din sa kanya. Wala pa siyang tinatanggal sa trabaho mula nang magsimula ang empire nila. Dahilan niya kung nagkamali man ang isang tao ay dapat na bigyan ito ng pangalawa, pangatlong pagkakataon na mag-improve, magbago. At dahil dito ay walang tauhan nina Tito David and hindi naging maayos ang buhay. May mga pagkakamali man, marami ang hindi nagkukulang upang iangat ang sarili. Hindi lang sina Tito David ang umangat sa buhay, marami din sa kanilang mga tauhan ang naging successful.

“Hindi din kita masasagot Ryan. Ang Mommy mo lang ang makakasagot niyan. Maybe one of these days…”

Niyakap ko si Ryan. Damang-dama ko ang lungkot niya. Awang-awa ako sa kaibigan ko.

“Don’t worry, I will always be here. Like you are to me.”

Naramdaman ko na lang na unti-unting bumigat ang pagkakayakap sa akin ni Ryan. Mabigat na paghinga. Nakatulog pala ito sa balikat ko. Napagod na marahil sa pag-iyak.

Dahan-dahan kong inihiga ang ulo niya sa throw pillow. Nasa sala kami noon ng kanyang condo. Awang-awa ako sa kaibigan ko. Pinunasan ko pa ang luha sa kanyang mga mata. At pinagmasdan ang kaibigan ko.

“Sana kaya kong alisin ang sakit na nararamdaman mo ngayon.” Hinalikan ko siya sa noo.

Pumunta ko sa kuwarto niya at doon kumuha ng isang kumot. Kinumutan ko si Ryan bago ako nagsimulang maglinis. May ilang basyo ng bote ang nagkalat. Mga tissue na ginamit niyang pamunas ng kanyang mga luha. Dahan-dahan akong kumilos at nilinis lahat ng kalat. May isang oras din siguro akong nag-imis. Pagkatapos kasi dito sa sala ay nilinis ko dn ang kusina. Pinagluto ko siya ng sinigang na baboy para paggising niya ay may makain siya. Iinitin na lang niya sa mircowave yun.

Kailangan ko nang umuwi sa dorm. Hindi ako pwedeng mahuli sa curfew at baka hindi ako makapasok. Mabait si Tita Lany, ang landlady namin kaya ayokong abusihin. Isa pa mahirap makahanap ng maayos at hindi kamahalang dorm dito sa Manila. Kaya hindi ako pwedeng maging pasaway.

Sinukbit ko na ang backpack ko at inayos ang pagkakakumot ni Ryan. Palabas na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.

“Ryan?”

“Pwede bang huwag mo muna kong iwan ngayong gabi Best? Dito ka muna sa tabi ko.” Pakiusap nito sa akin.

“Ah…” Hindi ko din alam ang isasagot ko. Lalaki siya. Babae ako. Hindi yata magandang tignan kung dito ako matutulog. Kahit na ba best friend pa kami.

“Go back to sleep, Ryan. Babalik na lang ako bukas. First thing in the morning, nandito na ako.”

Tumango lang ito ng bahagya. Inayos kong muli ang pagkakakumot nito at lumabas na ako ng kanyang dorm.

We have this mutual arrangement. We set our limits as best of friends. At alam kong malaki ang respeto sa akin ng aking kaibigan.

Matagal na akong nakaupo sa kama ay hindi pa din ako makatulog. Naalala ko si Ryan. Nakakaawa ang kanyang naging sitwasyon. Para na siyang ulilang-lubos. He is now living on his own. Sanay naman sa ganitong set-up. Madalas din kasing busy sa negosyo ang kanyang Daddy. Ang Mommy naman niya ay panay naman ang travel. Lumaking independent ang kaibigan. Pero very responsible ito. Namana sa ama ang pagiging responsable. Pero ibang usapan na ito. Para bang inabandona siya ng mga magulang.

“Kamusta na kaya siya?” Naitanong ko sa sarili ko. Tinignan ko ang cellphone ko at sinilip kung may message ba from Ryan. Wala naman. Siguro nagdiretso na ang tulog niya.

Kailangan ko na ding magpahinga. Pangako ko pa naman kay Ryan na maaga akong pupunta sa condo niya.

***

“Good morning Best!” Bungad ko nang magbukas siya ng pinto. “Coffee?” At inabot ko sa kanya ang mainit na kape na binili ko on my way sa condo niya.

“I badly need this! Thanks!” Sabay higop sa kape. “Darn! Ang init!”

“Kape nga kaya mainit!” Natatawa ako sa arte niya. Pinapaypayan pa kasi nito ang dila niya na napaso sa init ng kapeng dala ko.

Inakbayan ako ni Ryan pagkasara niya ng pinto ng condo.

“Thanks Sandra! Salamat sa pagdamay ah!”

“Ano’ng thank you? May bayad ‘yun ano!” Natatawa kong biro sa kanya.

“Ay ganoon ba?!” Natatawa na din ito sa sinabi ko. “Kidding aside, thanks.”

“Ano ka ba naman? Kailangan pa bang mag thank you. You were there for me when I needed someone. I am just returning the favor.”

“Yan naman ang gusto ko sa iyo. Never mo pa ko iniwan.”

“Good boy ka naman kasi. May dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng bagay. Huwag kang mawawalan ng hope. One of  these days malalaman mo din ang dahilan ng Mommy mo bakit niya nagawa iyon sa Daddy mo.”

“Sana nga.” Napabuntung-hininga na lang ito.

“Sige na, mag prepare ka na. Baka ma-late pa tayo sa first subject natin.”

“Sige. Wait for me ha. Sabay na tayo.”

“Ok.”

Nagbasa-basa muna ko habang hinihintay si Ryan. Maaga pa naman. May time pa kami.

Maganda ang article na binabasa ko. Relationship goals. Pero may dept. May hugot. Nangingiti pa ako sa comments ng author ng article.

“Ay! Palakang hubad!” Nagulat ako ng kilitiin ako ni Ryan sa tagiliran. Nang lingunin ko siya ay nakatapis lang siya ng tuwalya. Napatakip tuloy ako sa mga mata ko. “Hoy! Lalaki! Nakatapis ka lang!” Sumulyap ako ng bahagya sa pagitan ng mga daliri kong nakatakip sa aking mga mata.

“Kukunin ko lang itong kape. Sayang naman kung lalamig.” Nakangiti nitong sabi sa akin.

“Sige na bilisan mo! Hindi muna nagbihis bago lumabas ng kuwarto. Grrr! Parang hindi ako babae ah!” Sabay bato ng stirer ng kape ko.

“Heto na po babalik na ng kuwarto.”

“Bilis!” Natatawa kong sabi dito.

We are the best of friends. Through good and bad times. Through thick and thin. Hindi kami mapaghihiwalay. Marami na kaming pinagdaanan para mabuwag kami. He is my closest friend. My confidant. Ganoon kami sa isa’t isa. Hindi ko siya iiwan. Ganoon din naman siya sa akin. Kahit na ano pa ang mangyari.

***

“Sandra,” Nakasunod na pala sa akin si Ryan.

Nakatanaw ako sa balcony ng ballroom na inupahan ng mga classmates namin. Reunion kasi ng batch namin. Ayoko sanang dumalo, pero napilit ako ni Melanie.

Isa din siya sa naging ka-close ko lalo na noong fourth year. Mabait si Mel at palagi din siyang nandiyan para sa akin. Kaya hindi ko din siya natanggihan nang yayain niya ako sa reunion namin.

Ayoko nga sana. Ayoko sanang makaharap ulit si Ryan.

“Ten years na naman ang lumipas Sandra. Past is past.” Pangangatwiran pa ni Mel sa akin.

Tama naman siya. Maybe it is about time for me to move on. Pareho ang course na kinuha namin ni Melanie sa college, Business Management. At naging office mate din kami. Kasosyo ko din siya sa perfume business na iniwan sa akin ni Mommy. Four years nang patay si Mommy. She died of cancer. And her only wish is for me to continue our perfume business. Medyo lumago na ito. May sarili na kaming perfume branches sa mga malalaking mall. Actually nag-plan na din akong mag-resign this year sa work ko para matutukan ang business na iyon.

“So ano? Go tayo sa reunion?” Pangungulit nito sa akin.

“Sige na nga! Alam ko naman gusto mo lang makita si Theodore!” Nginitian ko pa si Melanie.

“Balita kasi hiwalay na daw sa asawa…” Para pa itong kinikilig.

“Magtigil ka nga! Alam mo namang playboy yun. Highschool pa lang tayo eh nakakailang girlfriend na iyon.”

“Malay mo naman nagbago na!” Pabiro pa nitong sabi.

“Bahala ka nga!”

“Eh Sandra, paano kung nandoon si Ryan? Ano ang gagawin mo?” Nakatingin siya ng diretso sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Hindi ako sigurado ano ang magiging reaction ko kapag nakita ko siya. Magkakausap ba kami? May dapat ba kaming pag-usapan? May dapat bang huminge ng sorry? Naguguluhan na ako. Sampung taon na ang nagdaan pero parang hindi pa din ako handa na muli kaming magkita, magkaharap.

“Sandra?”

“Hindi ko din alam Mel. Not even sure if I am ready to see him.”

Napaisip din ako.

Paano nga ba kami nagkahiwalay ni Ryan bilang magkaibigan? We used to be inseperable. Walang pwedeng makabuwag sa pagkakaibigan namin. Ano nga ba ang nangyari? Am I in denial? Ako nga ba ang may kasalanan?

***

Bahagyang hinawakan ni Ryan ang kamay ko. Iniiwas ko naman ito agad.

“Sandra, ten years is a long time. I really miss you.”

Hindi ako umimik. Sampung taon na nga ang nakakaraan. Ano nga ba ang nangyari sa amin? Ano nga ba? We used to be very close. Bakit nga ba kami napunta sa sitwasyong ito?

“I really miss my friend.”

Ako din naman miss na miss ko na siya. Pero paano ko nga ba aaminin iyon? Hindi ko naman siya pwedeng yakapin at halikan? Hindi ko naman pwedeng isigaw na miss na miss ko na din siya.

“What happened to us?”

Hindi ko masasagot ang tanong na iyon. Kasi kahit ako ay hindi ko din alam. Hindi ko alam bakit kailangan kong lumayo. Hindi ko masabi bakit kailangang putulin ko ang aming friendship. Paano ko nga ba aaminin na minahal ko siya? Paano ko sasabihing na-in-love ako sa best friend ko?

“We just need to grow… apart.” Iyon lang ang kaya kong sabihin. Iyon lang ang lumabas sa aking mga labi.

“Sandra,” Malungkot ang mga mata niya. Pakiramdam ko marami pa siyang gustong itanong. Marami siyang gustong sabihin. Pero tuluyan na akong tumalikod. Tuluyang iniwan siyang mag-isa.

***

I can’t remember when you weren’t there
When I didn’t care for anyone but you
I swear, we’ve been through everything there is
Can’t imagine anything we’ve missed
Can’t imagine anything the two of us can’t do

Through the years, you’ve never let me down
You turned my life around, the sweetest days I’ve found
I’ve found with you, through the years
I’ve never been afraid, I’ve loved the life we’ve made
And I’m so glad I’ve stayed, right here with you
Through the years

I can’t remember what I used to do
Who I trusted, who I listened to before
I swear, you’ve taught me everything I know
Can’t imagine needing someone so
But through the years it seems to me, I need you more and more

Through the years, through all the good and bad
I knew how much we had, I’ve always been so glad
To be with you, through the years
It’s better every day, you’ve kissed my tears away
As long as it’s okay, I’ll stay with you
Through the years

Graduation song namin. Habang tumutugtog ito, marami na ang umiiyak. Kasama na ako doon. Yes, we have good memories during these years. We also have some bad times. And the worst, it was in my highschool years when I got heart-broken. I was crying not because I will miss my friends and classmates. I am crying because of one person. I am crying because I can’t stop loving my best friend.

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: