Quattro Club

Loving you until the Sunset (Chapter 2)

Chapter 2 Sandra’s P.O.V.

“Good morning Sandra!” Bati sa akin ni Mel.

It is Sunday. Nasa perfume store kami ngayon. Walang opisina kaya dito naming gugugulin ang maghapon namin. Malapit na ang launch ng isa naming bagong scent, and Luxury kaya kailangang tutukan namin ang marketing nito.

“Your coffee.”

Mainit pa ang kape na inabot sa akin ni Melanie. Naalala ko si Ryan. Naalala ko yung time na dinalhan ko siya ng kape at pasong-paso siya sa init.

“Hoy! Bakit nakangiti ka diyan?!” Natatawang tanong sa akin ni Mel.

“Wala!”

“Wala daw eh hanggang ngayon ngiting-ngiti ka! Kumekerengkeng ka yata eh!” Kukurutin sana ako nito sa singit nang may biglang pumasok na customer.

“Good morning Ma’am.” Halos sabay naming bati sa pumasok na customer.

“Sandra? Melanie?” Bati sa amin ng babae.

Maganda ito. Maputi. At super sexy sa itim na suot nitong above the knee dress.

“Hindi na ba ninyo ko nakikilala?”

Nagkatinginan kami ni Mel. Napailing lang.

“Sorry, pero sino ka nga ba?” Nakakunot na tanong ni Mel sa babae.

“Joan. Joan Miranda.”

“Joan! Yung chubby na pandak noong araw?!” Napamulagat ang mga mata ni Melanie.

“Mel!” Bahagya ko siyang sinaway.

Natawa lang naman si Joan. Mukhang hindi naman na-offend.

“Mismo!” Nakangit pa ito sa amin.

“Oh my gulay! Ang laki ng pinagbago mo!” Hinawakan pa ni Mel ang kanyang kamay at pinaikot siya para mas makita ang kabuuan nito.

“Ang nagagawa ng Siyensiya!”

“Ipakilala mo nga ako sa Doctor mo! Baka may pag-asa pa akong lalong gumanda.” Humagikgik pa ito sa sinabi.

“How are you? Bakit wala ka sa reunion?” Ako naman ang nagsalita.

“Naku. Mahabang istorya. Tsaka na natin pag-usapan ‘yan! I really miss you ladies!” At nagbeso-beso pa kami

“Kami din miss ka na namin.”

“So what are you two doing here?”

“This is our business. Ang Scents and Pleasures Perfumery!” May pagmamalaki sa tinig ni Melanie.

“Oh Wow! Ang galing naman ninyong dalawa.” Nakangiti nitong sabi.

“Ngayon ka lang ba nagawi dito?”

“Not really. Madalas ako dito. Pero ngayon ko lang kayo natyempuhan dito sa store ninyo. Dinadala ko pa nga sa America ang mga products ninyo.”

“May day job din kasi kami. Pero baka next year mag-focus na kami sa Scents and Pleasures. Medyo dumadami na kasi ang branches namin. Mataas ang demand sa mga malls.”

“You actually have good products. Loved your whitening lotion! Very effective talaga!” Hinaplos pa nito ang kanyang maputing balat.

“Wow! Customer ka pala namin!” Natutuwa ko namang sabi dito.

“Oh yes! Maybe one of these days we can talk business? May spa din kasi ako. Baka may products kayo na pwede kong magamit sa spa ko.”

“Ay oo! Meron kaming pwedeng i-offer para diyan!” Halata ang excitement sa tinig ni Mel.

“Here is my card. You can check my website there. Makikita mo ang services na ino-offer namin. And maybe you can prepare a presentation of your products.”

“Sure Joan! We’ll prepare a presentation and we’ll set up a meeting with you.”

“Sige hintayin ko ‘yan! Nice to see you again!”

“Thanks Joan!” Sabi ko dito matapos kami ulit magbeso-beso.

“See yah!” Kumaway pa siya sa amin bago tuluyang makalabas ng store.

“Oh di ba?!” Sabi ko kay Mel sabay high five.

“Pero in fairness, ang ganda niya ngayon ano?! Kahit peke di naman OA.”

“May natural namang ganda si Joan noong araw pa. Hindi lang pansinin kasi nga marami tayong kaklase na maganda.”

“Sabagay.”

Maganda ang vibes na iniwan ni Joan. Marami kaming naging customer ng umagang iyon. Mag-ala-una na nang magkausap kami ulit ni Melanie.

“Gutom na ako.” Ungot nito sa akin.

“Ako din. Hindi naman tayo nag-breakfast kanina.” Pagsang-ayon ko sa kanya.

“Sabay na tayo?” Tanong niya sa akin.

“Pwede naman siguro. Nandiyan na naman si Sol at Gino.”

“Sabihan ko lang yung dalawa.”

“Kunin ko na din mga bags natin.”

“Ok.”

Nagpalit ako ng doll shoes. Medyo masakit na ang mga paa ko sa high heels na suot ko. Kahit nasa sales kami kailangan pa ding formal. Kami naman kasi ang may-ari ng shops. Mahirap lang din kasi sa dami ng magagandang products namin, marami ding nag whole sale. At kapag kailangan ay talagang tumutulong kami sa pagbubuhat. Dalawang lang ang salesmen namin sa store. Magkaiba pa ng schedule. Maraming business owners din ang pumupunta sa shop. At dapat palagi kaming presentable ni Mel. That is how we take this business, sinerseryoso talaga namin bawat customers.

“Oy, kailangan nating paghandaang mabuti ang presentation ng mga products natin kay Joan. Kanina na-open ko yung FB page nila at sosyal ang spa na pagmamay-ari niya.” Kuwento ko pa kay Mel.

“Talaga? Umasenso na talaga din siya ano?”

“Oo nga. Matalino din naman kasi yun! Ngayon beauty and brain na!” Nakangiti kong sabi sa business partner at kaibigan ko.

“Saan ba tayo mag lunch? Ano ang gusto mo?” Nagpalinga-linga pa ito sa mga restaurants na meron sa second floor. Doon kami nagtungo. Nandoon kasi ang mga restaurants at fast food chains. And Scents and Pleasures naman ay nasa Third floor ng shopping mall.  

“Parang gusto ko ng Kare-kare.” Sabi nito sa akin.

“Sabagay ako din. Na-miss ko na iyong luto ni Mama.”

“As if naman may sasarap sa luto ng Mama mo!” Bulalas ni Mel.

Natikman na din kasi nito minsan ang specialty ng Mama ko. Masarap talagang magluto si Mama. Madalas niyang ikuwento na bata pa daw siya ay tinuturuan na siya ni Lola. Lumaki silang syam na magkakapatid na marunong sa kusina. Marunong sa buhay. Hindi naman sila ganoon kahirap pero wala silang kasam-bahay noon. Sila-silang magkakapatid ang kumikilos. At dahil din sa sarap magluto ni Mama kaya siya nagustuhan ni Papa. Di ba nga may kasabihan, “The way through a man’s heart is through is stomach.” Mahilig pang kumain si Papa. Lalo na ang kare-kare ni Mama. Sayang nga lang at wala na siya. Hindi ko na matitikman ang sarap ng mga luto niya.

“Ano dito na lang tayo?” Tanong niya ulit sa akin. Nakatayo kami sa harap ng isang sikat na restaurant.

“Sige, diyan na tayo.”

“Hayun may mesa sa dulo.” Sabay turo ni Joan ng apatan na mesa sa bandang dulo.

“Table for two?” Tanong sa amin ng waiter na sumalubong sa amin.

“Oo, please.” Sagot ko sa kanya.

“My name is Dan, I will be assisting you today.”

Wala ng ibang bakanteng lamesa kaya dito na sa apatan kami nakaupo ni Mel. Inabutan naman kami ng tig-isang menu ng waiter.

“I will be back in few.” Sabi nito sa amin.

“Thanks.” Sagot ni Mel dito. “Pst,” Twag sa akin nito ilang minuto mula nang iwan kami ng waiter.

“Oh?” Napakunot noo ko sa kanya.

“Look who’s outside?” Maluwag ang pagkakangiti nito.

“Sino ba?” Nagulat ako sa nakita ko.

Si Ryan. Nakatayo sa labas ng restaurant. Nakasuot ito ng longsleeves na blue na nakatupi. Medyo fit ang longsleeves nito, kita tuloy ang ganda ng pangangatawan nito. Guwapo pa din si Ryan. Tulad ng dati. Ah hindi mas gumuwapo. Napailing na lang ako. Pilit na inaalis ang isiping iyon.

May isa pa siyang lalaking kasama.

Hindi ko na naiwasan nang mapatingin sila sa amin ni Mel. Kinawayan naman sila nito. Kumaway din ito sa amin. At itinuro kami sa waitress na sumalubong sa kanila.

“Hi.” Maikli nitong bati sa amin.

“Hello. Mag-lunch din kayo?” Tanong ni Mel sa dalawa, pero nakatutok ang tingin nito sa lalaking kasama ni Ryan.

“Oo sana. Pero puno na eh.”

“Apatan naman itong mesa. You can share with us.” Nasipa ko si Mel sa paa. “Ouch!”

“What happened?”

“Ah, wala. May sumipa lang na kabayo!”

“Ha?” Nagtataka naman si Ryan sa sinabi ni Mel, napangiti ito.

“Wala naman. Sige na, you can join us.”

“Are you sure? Ok lang ba kay Sandra?” At tumingin siya sa akin. Pwede ba akong tumanggi? Nakakahiya naman sa kasama niya. Ayoko namang pati ito ay malaman pa ang history namin ni Ryan.

“Su-sure.”

“Ayun naman pala eh! Waiter!” Tawag ni Mel sa waiter na mag-serve sa amin.

“Two more menu please.”

“Sure Ma’am.”

“By the way, this is Steve. Steve, meet Sandra and Melanie. Two of my highschool classmates. Sandra, Mel, this is Steve, my business partner.” Kinamayan kami ni Steve. Guwapo ito. Halatang nag-gi-gym. Matipuno din ang katawan. Kaya tutok na tutok si Mel sa pagkakatitig dito.

“Nice meeting you. I heard a lot about you Sandra.” Pilyong ngiti nito sa akin.

“Steve…” May bahagyang gigil sa boses ni Ryan. Halatang sinasaway si Steve.

“I hope everything is good. Nothing bad.” Simple kong sagot.

“Oh yes. Wala namang kinuwento si Ryan tungkol sa iyo kundi magaganda lang.” Hayan na naman ang mga pilyong ngiti nito.

Palihim na pinisil ni Mel ang kamay ko. Halatang kinikilig. Kunwari ay hindi ko ito pinansin at bumalik na lang sa pagbasa sa menu para maka-order na kami.

Hindi naman nagtagal ang order namin. Dalawang order ng kare-kare, isang crispy pata, isang pansit, isang chopsuey, at may ampalaya con carne pa. Paborito ni Ryan ang ampalaya con carne. Gusto niya yung mapait ang ampalaya. Ayaw niya yung binababad sa asin para mawala ang pait. Mas mapait mas napapasarap ang kain niya.

“Wow! Na-miss ko ito.” Sabi ni Ryan sa unang subo niya.

“Ilang taon ka nga bang nasa America Ryan?”

“Six years din. Last year lang ako bumalik. Doon na din ako nag-aral.” Sunod-sunod ang subo nito ng pagkain. Sarap na sarap sa lasa.

“Paborito ko talaga ito!”

Ganito talaga si Ryan. Mahilig sa masarap na pagkain. Naalala ko tuloy noong minsan na sa amin nag-lunch si Ryan. Halos hindi siya makatayo sa kinauupuan sa sobrang busog. Bukod kasi sa ampalaya con carne na paborito niya, marami pang masarap na putahe ang niluto si Mama. Alam kasi niyang walang kasamang magulang si Ryan. Alam din niyang best of friends kami.

“Ang sarap ninyo naman pong magluto Tita Gina!” Pilit na sabi ni Ryan kahit na may nginunguyang pang pagkain.

“Dahan-dahan Ryan. Marami pa yan. Tsaka hindi ka naman nagmamadali di ba?”

“Sobra lang po talagang nagustuhan ko luto ninyo. Si Mommy kasi hindi marunong magluto. Puro kami take out, delivery. Nakatikim lang ako ng masarap na pagkain noong nagkaroon kami ng kasam-bahay. Masarap din magluto si Yaya Doris.” Masiglang kuwento nito kay Mama.

“Mabuti naman at kahit paano pala ay may nag-aasikaso sa iyo ngayon.”

“Opo. Nagpadala po si Daddy ng makakasama ko sa condo. Minsan po kasi nilagnat ako, wala akong kasama. Nag-alala din naman siya sa akin. Kaya hayun po, pinadala niya si Yaya Doris. Kaya kahit paano po ay may nakakasama na ako.”

“Mabuti na ding may kasama ka sa bahay. Para pag may kailangan kang pag-aralan eh hindi ka na masyadong maabala pa sa mga iba pang gawain.”

“Sanay naman po ako sa mga gawaing-bahay. I need to be independent. Wala naman akong ibang aasahan kundi ang sarili ko po.” May bahagyang pait sa kuwento ni Ryan kay Mama.

“Dessert?” Alok sa amin ni Mama.

“Wow! Leche flan! Isa pa po sa paborito ko!” Masiglang-masigla si Ryan.

Masaya naman ako na sa salo-salo naming inihanda ni Mama ay nasiyahan ito. Marami din kasing naitulong sa akin si Ryan sa nagdaang exam. Hirap na hirap ako sa lesson namin sa Math. Mabuti na lang at matalino si Ryan sa Math. Di ako nahirapang maghanap nang tutulong sa aking mag-review.

Madalas sa school kami nag-re-review. Dinadalhan ko lang siya ng pagkaing luto ni Mama. Doon ko nga naisipang imbitahin siya isang Sabado sa bahay para doon mananghalian. Successful naman ang naging plan ko. Kahit paano ay nasuklian ko ang pagtuturo sa akin ni Ryan.

“Iuwi mo na ito. Para hindi na din magluto si Yaya Doris. Marami yan. Paghatian na ninyo.” Masayang sabi ni Mama kay Ryan.

“Naku! Thank you po Tita! Tiyak magugustuhan ito ni Yaya Doris.”

“Mag-iingat ka sa pag-uwi!”

“Salamat po Tita! Salamat Sandra!”

“You’re welcome. Sige na Sandra, ihatid mo na si Ryan sa gate.”

“Sige po Ma.”

“Ang suwerte-suwerte mo! Ang babait  ng parents mo!” Nasabi niya habang naglalakad kami palabas ng gate.

“Mag-bff tayo di ba? So ang parents ko, pwede mo ding ituring na parents. At ang family ko pwede mo ding ituring na family.”

“Salamat Best!” Sabay akbay niya sa akin. “Kahit iniwan na ako ng mga magulang ko, nandiyan ka pa din for me. At ngayon pati family mo.”

“Ano ka ba? What are friends for?” Nakangiti kong sabi sa kanya. “At thank you din ha pumasa ako sa exam natin sa Math.”

“Kayang-kaya mo naman iyon! Hindi naman mahirap. At hindi ka din mahirap turuan.” Kinusot pa niya ang buhok ko sabay takbo. Naiinis kasi ako kay Ryan kapag ginugulo niya ang buhok ko. Alam naman niyang alagang-alaga ko ang mahaba kong buhok. Naghabulan tuloy kami palabas ng gate. Napakasaya namin.

“Sige na umuwi ka na. Baka gabihin ka pa sa daan.” Pagtataboy ko sa kanya.

“Sige Best. Goodbye!”

“Ingat Best!”

***

“Na-miss ko ang luto ni Tita…” Napahinto ito sa pagsubo. “I’m sorry.” Nakatititg na siya sa akin.

“Ok lang. No worries.” Pagtanggi ko na nasaktan ako sa pagkakabanggit niya kay Mama.

“I’m sorry I was not there when she past away. Huli na nang malaman ko…” Mahina nitong sabi sa akin.

“Ayos lang. Hindi na din kasi namin pinatagal ang burol ni Mama. Masyadong nasaktan si Papa. Ilang taon din siyang inalipin ng sakit na iyon, pero nahirapan pa din itong tanggapin ni Papa.”

“Super in-love din kasi sila sa isa’t isa.” Bahagya siyang ngumiti sa akin.

“Oo. Super in-love.”

“Nasaan na nga pala si Tito?”

“Bumalik na sa Cebu, kasama si JR. Silang dalawa nag-aasikaso ng small farm ni Papa doon. Nag-resign na siya sa restaurant.”

“Mabuti naman at sinamahan siya ni JR.”

“Oo, alam mo namang close din ang Papa at si JR.”

“Si Ate Leila?”

“Nasa Canada na. Nag-migrate na. Canadian napangasawa niya.” Paliwanag ko sa kanya.

“She is a good person. She deserve to be happy.”

“Oo naman.” Magaan sa pakiramdam ang usapan namin ni Ryan. Walang tension. Walang pakiramdaman. Para lang kaming magkaibigan na matagal nang di nagkikita.

“So, what is your business Ryan?” Basag ni Mel sa katahimikang namagitan sa aming apat.

“We have a car dealing shop. Nagbebenta kami ng mga kotse. Mostly luxury cars. But we also have second hand sa mga gustong magkaroon ng kotse sa mas murang halaga.”

“Wow! Magandang ngang business yan!” Nakangiti si Mel kay Steve. “Minsan naman pasyal kami sa place ninyo.”

“Sure! That is a good idea.” Sabay sulyap sa akin ni Ryan.

“Eh kayo naman? Namamasyal lang ba kayo?” Tanong naman ni Steve kay Mel.

Pakiramdam ko medyo interesado din ito sa kaibigan kong si Melanie. Nangingiti tuloy ako. Halata kasi kay Mel na kinikilig ito sa lalaking kaharap.

“We are also business partners. We have a perfumery shop on the third floor.”

“Ikaw na nagpatuloy ng business ni Tita Gina?” Balin ni Ryan sa akin.

“Yes. Ako na. Business partner kami ni Melanie. From highschool hindi na kami nagkahiwalay.” Parang mali yata ang wordings ko.

“Ganoon ba?” May kaunting pait sa sagot na iyon ni Ryan.

“Maybe one of these days masilip nyo din shop namin. Nasa third floor kami. The shops’ name is,” Naputol si Mel sa pagsasalita. Si Ryan ang nagtuloy.

“Scents and Pleasures.” Bulalas nito.

“How did you know?” May pagtataka sa tinig ni Mel.

“Hindi ba nasabi ni Sandra na sa aming dalawa nanggaling ang suggestion na iyon for the perfume business of Tita Gina?”

“Talaga Sandra?”

Mahinang tango lang ang naging sagot ko. Hindi ko naman nakakalimutang sa aming dalawa galing ang name ng perfumery shop ni Mama. Ayoko na lang kasing banggitin pa. One of those memories na gusto kong kalimutan about Ryan.

“Oh my! Mag-3 na pala! We need to go now Mel.” Akma akong maglalabas ng pera sa bag ko nang pigilan ako ni Ryan.

“My treat.”

“Oh no! We can pay.”

Awkward. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Pero yun ang lumabas sa bibig ko.

“Until now, ma-pride ka pa din.” Mahina, pero dinig kong sabi ni Ryan.

Hindi na ako nakakibo. Si Mel na ang nag-thank you sa dalawang lalaki. Nauna na akong lumabas ng restaurant. Ni hindi ako lumingon. Ayoko ulit makitang nakatitig sa akin si Ryan. Nakakahiya ang naging reaction ko.

***

“So paano, kita na lang tayo sa office bukas?” Sabay halik sa akin ni Mel.

“Sure! Sa office na lang bukas.”

Naglakad na ako papunta sa kotse ko. Binigay na sa akin ni Papa ang kotse niya. May isa pa namang van sa Cebu na nagagamit nila ni JR. Marunong naman akong magmaneho. Bata pa lang ay hinasa na kami ni Papa sa maraming bagay.

Bahagya pa akong napapangiti sa nagdaang maghapon. Ang laki ng naging sales namin. Ibabalita ko ito kay Joan pag nagkita kami. Nakakatuwa talaga!

Hindi ko din naiwasang maalala na nakasalo ko si Ryan kanina ng lunch. Na-miss ko talaga ang lalaking iyon.

“Ano ba Sandra?! Para kang sira!” Nangingiti kong bulong sa sarili ko.

“Uuwi ka na?” Tinig mula sa likuran ko.

Paglingon ko, si Ryan. Halatang hinahabol ako sa paglalakad.

“Ha?” Natulala ako at siya ang nakita ko.

“Sabi ko uuwi ka na ba?” Ulit nito sa akin.

“Oo. May dalawang staff kaming pang-hapon. Sila na ang magsasara ng store.” Bakit ba ako nagpapaliwanag sa lalaking ito.

“Can I invite you for coffee?” Medy nahihiya nitong tanong sa akin.

Hindi ko na naman alam ang isasagot ko. Bakit ba kasi nandito na naman ito sa mall. Hindi naman dito ang business nila ni Steve. Bakit ba naman bumalik pa ito dito. Hindi ko tuloy alam na naman ang gagawin ko. Kung ano ang isasagot ko. Sinilip ko pa ang pinagpaparadahan ng sasakyan ni Mel pero nakaalis na ito.

“Just coffee Sandra. Please…” Pangungulit nito sa sa akin.

“Ok.” Hindi na ako tumanggi. (O ayaw kong tumanggi? Tsk. Tsk. Sandra magtigil ka nga!)

“Yes!” Parang bata pa itong itinaas ang kamay na parang nanalo sa isang game.

“Can we take my car?”

“Hmm, saan ba tayo? Convoy na lang tayo? Ayoko kasing iwan ang kotse ko dito.”

Napaisip pa ito bago nagsalita. “Ok. Diyan lang din sa kabilang entrance. Starbucks?”

“Ok. Sunod na lang ako sa iyo doon.”

“Are you sure, you are coming?” Parang nagdududa pa ito na susunod ako.

Hindi na talaga ako makakatakas. Sumagi din iyon sa isip ko. Tutal kako di naman niya alam kung saan ako nakatira.

“Yes, do not worry. Kape lang naman yun.”

Ang laki ng ngiti ni Ryan sa akin. Parang bata. Tuwang-tuwa sa sinabi ko.

Bakit nga ba hindi kita matanggihan ngayon? Sampung taon tayong hindi nagkita. Sampung taon akong lumayo sa iyo. Pero bakit ba ko napapayag na mag-kape tayo? Hindi ko masagot ang sarili ko. Pati ako ay naguguluhan din. Pero ramdam ko ang kaba sa aking dibdid. May partial excitement din. Ewan ko ba? Hindi ko ma-spelling ang sarili ko ngayon.

***

“I ordered your favorite. Java chip frap. Yun pa din ba ang favorite mo?” Tanong sa akin ni Ryan. Tumango lang ako. Nauna siya sa Starbucks. Medyo nahirapan kasi akong makahanap ng parking space.

Meron ding cinnamon raisin bagel sa tabi ng Java chip frap ko. Siya naman ay may Cafe Americano at isa ding bagel. Hula ko cheese and onion agel ang inorder niya. Isa din kasi yun sa paborito ni Ryan.

“Thank you sa pagpayag na mag-kape tayo.” Ngumiti siya sa akin.

Bahagya lang akong ngumiti din sa kanya.

“Sandra, sorry ulit if di ko nakapunta man lang kahit sa libing ni Tita Gina. That time I learned about her death, di ako makakuha ng flight. May malaking storm kasi noon sa California.” Pagpapaliwanag nito.

“You don’t need to apologize.”

“Hindi ba niya ko hinanap?” Tanong nito sa kanya.

Actually hinanap nga siya ni Mama. Very close din kasi siya sa Mama ko. Mula noong isang Sabado na iyon na doon siya nag-lunch, halos weekly ay doon na siya nag-lunch or dinner sa bahay namin. Nakagiliwan na din siya ni Mama. Nababaitan din kasi si Mama kay Ryan. And for her safe ako pag siya ang kasama. Kaya nga gusto niyang kilalanin ito. And happy naman siya nang makilala ito.

She never doubt the man. Kaya noong mga panahon na hindi na nagpupunta si Ryan sa bahay, madalas siyang hanapin ni Mama. Lalo na noong mga panahon na malapit na siyang bawian ng buhay.

“I’ve explained to her that you are not in the Philippines. Na hin-hindi naman na tayo nakakapag-usap pa.”

Nakita kong bumagsak ang balikat niya. Halatang nalungkot ito.

“Can-can I visit her one of these days?” Nakatingin siya sa akin. Hinihintay kung ano ang isasagot ko.

Tango lang ang naging sagot ko. Hindi ko kayang magsalita. Baka biglang bumagsak ang luha sa aking mga mata. Kanina ko pa pinipigilang huwag umiyak. Bumalik kasi ang sakit na mawala si Mama. Mahal na mahal ko ang Mama ko. At alam ko din na napamahal na si Mama kay Ryan.

“Thanks, Sandra.” Dinampi niya ang palad niya sa kamay ko.

Bahagya lang akong ngumiti.

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: