Quattro Club

Virtual Piggybank sa Pandemic

Habang patuloy humahaplit ang Covid-19, ilang kababayan natin ang napa(pa)balitang nag-(su)suicide.

Maliwanag pa sa katanghalian, kahirapan (at kapabayaan) sa krisis pangkalusugan. ‘Pasintabi (sa kanila, RIP), ‘wag um-identify.

“Nag-iipon ka ba? Mag-ipon ka. Kahit sa alkansiya.

Para ‘pag gipit, may mabubunot,” saykoterapi ng psychiatrist (ko) sa nadiskurahe at nadidiskurahe. Pero, alkansiya mong wala nang daloy, tinatagurian nang stagnant. Hindi matutuyo bukal ng anomang iyong pinagkakakitaan. Inambunan ka mga ayuda (kahit kulang na kulang). Wala ka kamo talento pag-i-internet. Di ka rin palabasin. Pero, said talaga pisi (pondo) mo. Sa bahay ka rin lang. Ayun! Heto mga presyo ng mga resayklabol, sa tigpeperkilo,

ha: . Lata 5 piso . Karton 4 . Puting papel 5 . Alambre 4 . Bakal 10 (depende sa uri, stainless 40) . Tanso 200-300 . Aluminum 35 Diyaryo, bote gin toyo patis catsup empi at ang “king” of kalakal, plastic.

Irekta na sa nearest junkshop sa inyong lugar, open sila for futher notice sa mga nasa GCQ. Ang Hari ng mga Resayklabol Bumubutlak ang imahinasyon ‘pag imahen ang (dirty o clean) plastik na nabibili mula sampung piso hanggang kinse pesos ang kada kilo (walang bahay ang di nagamit nito), di lamang aktuwal na alkansiyang nag-go-glow pagtama ng lcd ng selpon sa dilim: . 8- liter na kantidad, ideyal na pang-container vegetable plot sa labas (likod o harap) ng bahay .

Kuwentahin mapagbebentahan ng plastik mo, kung pupunlaan ng mga patapong tangkay (isa sa bawat konteyner) ng kamoteng baging (o talbos) 7 per bungkos . Alugbati (10 per tali) . Kangkong, pinag-ugatan ng pechay, sibuyas mura, atbp. . Whole-year round, may ani at “botika” para sa sarili at pamilya.

Anomang liit ng hakbang, walang dapat ipagsayang. ECQ, MECQ, GCQ man, hindi mabubutas ang pagpapasuloy ng isang mabuti, makabuluhan, maka-kalikasang pamumuhay sa lipunan at pandemyang ito. Iilang bansa yumaman. Kalikasan ang puhunan; Ang lalong mga gahaman, sa covid nagtuturuan. Bakit di tamnan ang puso? Magtanim kahit sa paso.

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: