Quattro Club

“Loving you until the Sunset” (Chapter 3)

A novel by Selena Strauss

Chapter 3 Ryan’s P.O.V.

Matagal nang nakasara ang laptop ko pero di pa din ako makatayo sa aking silya. Magkakaroon daw kami ng reunion ng highschool, sabi ni Jim, isa sa mga kaibigan ko from highschool. Balita niya darating si Sandra.

Ang best friend ko na lumayo sa akin. Matagal ko na siyang hindi nakikita. Sampung taon na mula nang huli kaming magkita. We were so close. My best friend from elementary days. We had each other’s back. I am always with her during the hard times, at ganoon din naman siya sa akin. Marami na kaming pinagdaanang pagsubok bilang magkaibigan. But we remained strong. Kahit na marami na ang nagagalit sa aking mga lalaki. Hindi daw kasi sila makaporma kay Sandra. Kasi nga palagi akong nakabantay. Ganoon din naman kay Sandra. Kung hindi galit sa kanya at binabakuran daw ako, pinipilit namang maging ka-close siya para ilakad sila sa akin.

Hindi naging kami ni Sandra. We are very good friends. But never in my mind na pumasok na magiging romantic ang pagtingin namin sa isa’t isa. Platonic lang talaga. Siguro talagang dumating lang sa buhay namin ang isa’t isa para makayanan namin ang highschool years.

Very memorable talaga ang highschool years. Sabi nga nila ito daw ang pinaka-exciting moment sa buhay ng isang mag-aaral. Lahat kasi halos dito mo unang nasusubukan. Unang beses kang magkaka-crush. If you are lucky enough baka makahanap ka pa ng mamahalin during these years. Sa sitwasyon namin ni Sandra we became close during our elementary days. Na-meet ko si Sandra sa isang choir practice sa school namin. Catholic school ang pinapasukan namin ni Sandra noon. My mom wants me to join the choir, sayang naman daw ang boses ko at galing mag-gitara. Gamitin ko daw sa mabuti. I hesitated at first. Pakiramdam ko naman pambabae kasi ang choir. I mean mas maraming babae ang nag-choir kaysa sa lalaki. But my Mom insisted, so pumayag na din ako. Ano nga bang mawawala sa akin? May talent naman talaga ako.

***

“You’re new?” Tanong sa akin ng isang babae sa aking likuran.

Nilingon ko siya. Isa sa mga choir member. She smiled at me.

“Yup. My name is Ryan. Yours?” Sabay lahad ng kamay ko sa babaeng kaharap ko.

“My name is Sandra. Welcome.” Ngumit ulit ito sa akin.

Dumating na ang head master kaya umayos na kami ng puwesto.

“I can see we have a new member?” Bati nito sa akin. “Can you please come in front?” Kumaway pa ito sa akin para lumapit sa harap. Napatingin pa ako sa kinauupuan ni Sandra. Nag thumbs-up pa ito sa akin. Napangiti lang ako.

“Can you please introduce yourself to the group?”

“My name is Ryan Domingo. I am new in this school.” Pauna kong salita.

“And why did you join this choir?” Tanong ng Head master sa akin.

“Hmm…” Napaisip ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin gusto lang ng Mommy ko kaya ako sumali. Isip Ryan, isip. “I joined because I want to share my talent through serving the church.” May sense naman ang sinabi ko. But it is not entirely true. Sorry Lord, but somehow I cannot say the truth. Baka first day pa lang eh ma-judge na ako ng mga kasama ko.

“That is great! But since you’re new, we need to know what is your voice type. Can you sing one song for us?”

Nagpalakpakan ang lahat. Kinabahan tuloy lalo ako. Pag tingin ko sa puwesto ni Sandra, naka-thumbs-up na naman ito. Lumakas tuloy ang loob ko. Dance with my Father ang napili kong kantahin. Sinimulan kong tumugtog ng intro.

Back when I was a child
Before life removed all the innocence
My father would lift me high
And dance with my mother and me
And then
Spin me around ’till I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure
I was loved

If I could get another chance
Another walk
Another dance with him
I’d play a song that would never ever end
How I’d love love love
To dance with my father again

When I and my mother
Would disagree
To get my way I would run
From her to him
He’d make me laugh just to comfort me
yeah yeah
Then finally make me do
Just what my mama said
Later that night when I was asleep
He left a dollar under my sheet
Never dreamed that he
Would be gone from me

If I could steal one final glance
One final step
One final dance with him
I’d play a song that would never ever end
‘Cause I’d love love love to
Dance with my father again

Sometimes I’d listen outside her door
And I’d hear how mama would cry for him
I’d pray for her even more than me
I’d pray for her even more than me

I know I’m praying for much too much
But could you send her
The only man she loved
I know you don’t do it usually
But Dear Lord
She’s dying to dance with my father again

Every night I fall asleep
And this is all I ever dream

Nagpalakpakan ang lahat, pati si Prof. Pati si Sandra ay nakangiti ding pumapalakpak. Nakakatuwa naman na nagustuhan nila ang kinanta ko.

“Very good Ryan! Very good!”

Nagkaroon pa kami ng isang oras na practice. Itinuro sa akin ang ilang kanta na pang choir. Sa Friday kasi ay magkakaroon ng First Friday mass, so inaasahan ni Prof na alam ko na ang mga piyesa sa Mass.

“Heto ang copies ng lyrics ng mga kanta natin. Pag-aralan mo. May isa pa tayong practice sa Wednesday, 4:30 ng hapon. Sana free ka.” Sabay abot sa akin ni Sandra ng mga kopya ng kanta.

“Yes. My class finish by 4. By the way, thanks ha.”

“Para saan?”

“For cheering for me.”

“Wala ‘yun. Happy lang ako at may bago na naman kaming member.” Nakangiti pa nitong sabi sa akin. “Mauna na ako sa iyo ha. Nandiyan na ang Mommy ko.”

“Sige, ingat ka.”

“Ikaw din. See you on Wednesday.” Kumaway pa ito bago lumakad papunta sa Mommy niya.

I felt very much welcome sa choir. Hindi tuloy naging mahirap sa akin ang bago kong endevour.

And from that day on, we became good friends.

Sinalinan ko ng red wine ang baso ko tsaka tumanaw sa balcony ng condo ko. Lumingon ulit ako sa likod ko at pinagmasdan ang kabuuan ng condo. Ang tagal ko ding nawala. Na-miss ko din ang condo kong ito. Marami kaming masasaya at malulungkot na pangyayari sa condo kong ito. Mga panahong kasa-kasama ko pa si Sandra.

Napatingin ako sa ulap. Walang bituing nakatanglaw. Ang buwan din ay nagtatago. Parang uulan. Nakikiramay yata sa lungkot ko ang langit.

***

“Ang guwapo mo naman Pare! Nakaka-bakla ka ah!” Biro pa ni Jim sa akin nang magkita kami sa lobby ng hotel kung saan gaganapin ang aming Highschool Reunion.

“Siraulo!” Pabirong sinuntok ko siya sa bisig.

“Hindi nga. Parang gusto ko nang magtapat sa iyo!” Hinawakan pa nito ang braso ko, na parang naka-abrisyete.

“Magtigil ka na nga! Baka may makakita pa sa atin!” Natatawa kong sabi sa kaibigan ko.

Hindi nawala ang communication namin ng kaibigan kong ito. Kay Jim ako nakikibalita ng tungkol kay Sandra. Madalas updated naman ako. Medyo nag-alangan lang noong mamatay nga si Tita Gina. Matagal kasing walang updates sa FB page ni Sandra. Hindi din naman ma-contact ni Jim si Melanie o si Joan man lang. Mga ka-close din naman ang mga iyon. Pero sa lahat. Kami nga ni Sandra ang talagang best of friends.

“Ready ka na?” Bulong sa akin ni Jim bago kami pumasok ng ballroom kung saan gaganapin ang aming reunion.

“Not really.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

“Para kang bata!” Sabay siko niya sa akin.

Marami na kaming mga kaklaseng nasa ballroom nang dumating kami. Sumimple akong tumingin sa paligid. Hindi ko pa yata nakikita si Sandra. Wala pa din sina Melanie at Joan.

“Hi Ryan!” Bati sa amin ni Mark, ang Presidente ng aming klase mula first year.

“Hi Mark! Kamusta?” Sabay abot ko sa kamay nito, nagkamay kami. Ganoon din sila ni Jim.

“Wala pa ang BFF mo.” Siniko din ako ni Mark.

Natawa lang ako.

“Doon ang mesa ninyo. Magkasama kayo ni Jim sa table. I’ll see you later.” Naglakad na ito patungo sa entrance ng ballroom. Sinasalubong nila ni Trina ang mga paparating. Si Trina naman ang aming VP. Pero naging vice lang ito from third year.

May kalahating oras na din kami ni Jim na nasa reunion nang mapansin niyang pumasok si Melanie. Kasunod ang isang pamilyar na mukha. Si Sandra. Maikli na ang buhok niya ngayon. Hindi katulad ng dati na hanggang beywang. Ngayon ay hanggang balikat na lang. Nakasuot ito ng isang puting cocktail dress. Mas lalong gumanda ang kaibigan ko. Na-excite tuloy akong lapitan siya. Patayo na sana ako nang pigilan ako ni Jim.

“Wag atat Pare. Mamaya mo na lapitan.”

Napatingin lang ako kay Jim. Baka nga tama siya. Hindi ko muna dapat lapitan si Sandra. Baka umalis na lag bigla kapag nakita ako.

Napatingin naman sa lugar namin si Melanie. Laki nang pagkakangiti nito at kumaway pa sa amin. Nasa lamesa din kasi namin nakaupo si Theodore. Alam ng buong klase na crush ni Melanie si Theodore. Kung hindi nga lang ito napigilan ni Sandra noong araw eh baka ito na ang nanligaw sa lalaki. Mabuti na lang at nakinig si Mel kung hindi baka naanakan lang siya ni Theodore. Playboy kasi ito. At hindi din mapakali sa iisang babae lang.

Nasa kabilang lamesa nakapuwesto sina Sandra. Mga ilang mesa ang layo sa amin. Hindi agad ako makalapit, lalo na at may program pang nakahanda para sa celebration na iyon.

Natapos din ang program at nagsimula na ang party. Nakita ko si Sandra na pumunta sa balcony ng ballroom hall. Lumayo sa grupo. Hindi talaga ito mahilig sa mga party. Pagkakataon ko na ito. Masosolo ko na siya. Magkakausap na din kami.

“Sandra,” Napalingon siya sa akin.

Bahagyang dumilim ang tingin niya. Naupo sa isang silyang nandoon. Nagdadalawang-isip man ay tinabihan ko siya. Hindi ko alam saan ako magsisimula? Paano ko nga ba siya kakausapin pagkatapos ng sampung taon?

“How are you?” Yun na yata ang pinaka-simpleng paraan para masimulan ko ang pag-uusap namin.

“I’m fine.” Maikli niyang sagot sa akin. At muling tumingin sa malayo.

Paano na ba? Paano ko ba sisimulan ang mga gusto kong itanong? Ilang beses naman akong nag-practice sa harap ng salamin. Pero bakit ngayon ay hindi ako makapagsalita?

“Sandra,” Ulit kong pagtawag sa pangalan niya.

Hindi man siya lumingon. Waring patuloy na nag-iisip.

“What happened to us? Why did you left?” Sa wakas ay nasabi ko din.

Tumingin lang sa akin si Sandra. Walang siyang sinagot sa tanong ko. Ni hindi niya sinubukang ibuka ang kanyang mga labi para magsalita.

“Sandra, somehow I need some explanation. I need to know what happened between us.”

“Nothing happened Ryan.” May laman ang bawat katagang sinabi niya sa akin. Hindi pa din malinaw.

Matagal kaming nagpakiramdaman. Matagal na hindi ko maibuka ang aking mga labi. Hindi ko alam paano ko pa itatanong ang iba ko pang gustong itanong. Parang may tuldok na ang mga sinabi niya kanina.

“Pwede na ba akong bumalik sa buhay mo, Sandra?” Naibuka ko ulit ang bibig ko at naitanong sa kanya ang mga katagang iyon.

Tumayo siya at lumayo sa akin.

***

Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Iniisip ko pa din ang nangyari sa reunion. Nagkita nga kami ni Sandra pero wala naman siyang naging malinaw na paliwanag sa akin. Nakabitin pa din ako sa ere. Lumipas man ang sampung taon, hindi ko pa din maintindihan ang nangyari sa amin. Magulo pa din.

***

“Foundation day na bukas! Are you excited for our play tomorrow?” Tanong ko kay Sandra habang magkatabi kaming nakaupo sa gym. Doon ginanap ang aming practice.

“Oo naman! Ilang buwan din naman nating pinaghandaan ito.” Nakangiti ito kahit na kanina pa hinihimas ang mga paa at binti. Masakit din kasi ang matagal na nakatayo.

“Akin na, ako na ang magmamasahe sa mga binti at paa mo.” Banayad kong hinila ang paa ni Sandra.

“Huwag na! Nakakahiya! At tsaka,” Tumawa na ito nang tumawa. “Tsaka may kiliti ako sa paa!” Tawa pa din ito ng tawa.

Nasabayan ko din ang pagtawa ni Sandra. Tuwang-tuwa ako sa tuwing tumatawa siya ng ganoon. Nakakadala din kasi. Parang ang simple ng buhay. Kayganda ng buhay!

Isang musical play ang tatanghalin namin bukas. Ito na yata ang pinakamalaking gagawin namin. Taon-taon naman ay may musical play kami, pero this third year namin ng highschool na ang pinakamalaking gagawin namin.

Medyo kabado. Ako kasi ang gaganap na Beast. At si Sandra naman ang gaganap na Beauty. Were the best of friends naman kaya mas madali ang naging mga practice, mas magaan.

“I need you all to be here by 6am.” Huling bilin ni Prof. Siya din kasi ang aming naging director.

Si Sandra din ang sumulat ng screeplay kaya excited ang lahat. Darating din ang mga magulang ni Sandra. Sana naman this time, parehong maka-attend ang parents ko. Wala din kasing kasiguraduhan na makakapunta sila. May importanteng meeting daw si Daddy sa Tagaytay. Si Mommy naman, walang tiyak na sagot. Ni hindi ko nga nalaman na umuwi ito kailan lang galing America.

“Don’t worry, sure namang gagawa ng paraan ang parents mo.” Sabay akbay sa akin ni Sandra. Palabas kami ng gym noon.

“Sana nga.” Ngumit lang ako sa best friend ko. “Sunduin na lang kita bukas?”

“Sige para din hindi mag-alala si Mommy na aalis ako ng maaga bukas.”

“Sige, I’ll pick you up maybe around 5:15 in the morning?”

“Sure, I will be ready by then. Thanks!” Tumakbo na siya palapit sa Mommy niya. Kumaway pa sa akin si Tita Gina.

“Bye po.” Sabi ko sa mag-ina sabay kaway pa sa dalawa.

“See you tomorrow Best!”

“See you.”

***

“Wala pa sila.” Nagpalinga-linga ako sa audience. Wala pa sina Mommy at Daddy sa upuan nila. Magkakatabi sana sila nina Tita Gina at Tito Romy. Nasa likuran naman nila nakaupo ang dalawang kapatid ni Sandra. Complete and definitely a happy family. Hindi katulad niya.

“Baka na-traffic lang sila. Don’t worry they will be here.” Siniko pa ako ni Sandra at ngumiti. “Halika na malapit na tayong magsimula.”

Sunud-sunod ang nadidinig kong palakpakan. Masaya ang mga audience sa tinatakbo ng play.

“This is it Sandra! Ryan! Fell in love with one another. Show the entire theater how you are in love with one another.” Bilin pa ni Prof bago ang eksena namin ni Belle, ni Sandra.

“We can do this Best!”

“Yes, we can do this!” Sabay hawak sa kamay ng best friend ko.

Tumugtog ang intro. Na-focus ang spot light sa amin dalawa ni Sandra. Napakaganda niya. At napakahusay ding kumanta. Hindi naman mahirap i-portray na mahal namin ang isa’t isa. Di nga ba at mag-best friend kami. Kaya masasabi kong mahal ko si Sandra. At alam kong ganoon din siya sa akin.

Tale as old as time
True as it can be
Barely even friends
Then somebody bends
Unexpectedly

Just a little change
Small to say the least
Both a little scared
Neither one prepared
Beauty and the Beast

Ever just the same
Ever a surprise
Ever as before
Ever just as sure
As the sun will rise

Certain as the sun
Rising in the east
Tale as old as time
Song as old as rhyme
Beauty and the Beast

Kumanta na ang buong choir. Kami naman ni Sandra ay nagsayaw sa gitna. Sa amin pa din nakatutok ang spot light. Natatanaw ko ang audience na para bang in love na in love na sila sa play.

Right at that moment, I don’t know what came over me. At the final scene where I transformed back to being a human, I kiss Sandra. Not in the forehead, as what we practice. But on her lips. A long kiss on her sweet lips. Napapikit na lang siya sa ginawa ko. Marahil hindi din niya alam ang kanyang ikikilos. Napapikit na din ako. Ramdam ko ang init ng kanyang mga labi. Ramdam ko ang kabog ng kanyang dibdib. Nang maghiwalay kami at humarap sa mga tao, lahat sila ay nakatayo at pumapalakpak. Masayang-masaya ang lahat sa kinalabasan ng aming play. Pati si Prof ay todo ang ngiti at pumapalakpak.

“Congrats everyone!” Bati sa amin ni Prof sa backstage. “That was a nice touch Ryan. Nice one!” Pamumuna nito sa ginawa kong paghalik kay Sandra.

“Nasaan nga ba si Sandra?” Naitanong ko sa sarili ko.

Pinuntahan ko siya sa dressing room ng mga babae.

“Is she here?” Bungad kong tanong kay Melanie.

“Girls labas muna tayo.” Sunud-sunod silang lumabas ng mga kasama naming babae.

Naiwan si Sandra nakaupo sa isang sofa. Napatingin lang ako sa kanya.

Sinara ko muna ang pinto nang makalabas na ang lahat. Dahan-dahan ko siyang nilapitan.

“Hi.” Bati ko sa kanya.

“Hi.” Yun lang din ang naging sagot niya.

Tumabi ako kay Sandra. “Are we good?”

“Bakit mo naman ginawa yun?” Tanong niya sa akin habang hindi makatingin ng diretso.

“I really don’t know. I was caught in the moment. Feeling ko in love na in love ako sa iyo sa part na yun.”

Marahan akong siniko ni Sandra. “Siraulo ka talaga!”

“Wala naman sa atin yun Best, di ba? It was a play and I think it was really needed. But I want to apologize. Next time na halikan kita magpapaalam na ako.”

Siniko ulit ako ni Sandra. Sa pagkakataong ito mas malakas.

“Please do not be mad at me.”

“Wala na yun. Basta next time, let me know what you have in mind. Mabuti at artistic naman ang kinalabasan ng ginawa mo. Kung hindi…”

***

“Sa akin hindi wala lang iyon!” May kalakasang sabi ng Papa ni Sandra. “Aba lalaki! Ikaw ang unang halik ng anak ko ah!”

“Tito please, huwag po kayong magalit sa akin. It was a play. We need to portray our roles.” Nakataas pa ang kamay ko na akmang naka-surrender sa Papa ni Sandra.

“Tama na ‘yan Romy. Naging artistic naman ang kinalabasan ng ginawa nila.” Awat ni Tita Gina.

“Salamat po at naintindihan ninyo ang nangyari Tita.” Binaba ko na ang dalawa kong kamay.

“But next time Ryan, next time… let us know.” Nakaturo ang isang daliri nito sa mukha ko. “Next time, magpaalam ka.” Natikom ko tuloy ang dalawa kong kamay na parang nagdarasal.

“Opo Tita. Sorry po talaga. Nadala lang ako sa ganda ng best friend ko. Tsaka sa ganda ng play.”

“Siya, siya, halika na. Time for celebration.” Inakbayan ako ng Papa ni Sandra. Actually hindi akbay lang, akbay na para bang sinasakal ako.

“Stop it Pa!” Naiiling na sabi ni Sandra kay Tito Romy.

Nagkatawanan na kaming lahat. Mabait ang mga parents ni Sandra sa akin. Hindi na nila ako itinuring na ibang tao. Pamilya na ang tingin nila sa akin. Isa na din ako sa mga anak nila. At laking pasasalamat ko sa kanilang pamilya. At kahit hiwalay na ang mga magulang ko, may maituturing pa din akong sarili kong pamilya.

***

“Palabok pa Ryan?” Tanong sa akin ni Sandra.

“Sige.” Pinagsandok niya ko ulit ng palabok.

Napakaraming handa nina Sandra. First musical play kasi ito ng kanilang anak na ito ang bida at ito din ang nagsulat ng screenplay. At very proud sila sa achievement nito.

“Here.” Sabay abot niya sa akin ng pinggan ko. “Ang dami naman nito.” Halos umapaw na kasi ang pinggan ko sa dami ng nilagay niyang palabok.

“Ayos lang yan, ako na kakain pag hindi mo naubos.” Sa pinggan naman niya ay may puto at sapin-sapin. Isa pa din sa mga paborito ko.

“Thanks!” Bahagya akong nalungkot. Nakatingin lang ako sa mga parents niya at mga kapatid na nasa dining table. Nasa sala kami nakaupo ni Sandra. Mas gusto namin doon kumain at nandoon ang TV. Umpisa na kasi ng Kdrama na kinahihiligan nito.

“Oh bakit? Bakit parang malungkot ka?”

“Wala.” Ibinaling ko ang mga mata ko sa tv. Ayokong mag-drama ngayong gabi.

“Best, wag mo na munang isipin ang parents mo. Maybe they have reason why they cannot come.”

“Huwag ka nang mag-alala Kuya Ryan, nandito naman kami para sa iyo.” Sabay akbay sa kanya ni JR. Tumabi na din sa amin sina Tito at Tita. Pati sina Ate Leila at JR ay nakiupo na din sa sala.

“We will always be here for you, Ryan.” Hinawakan pa ni Tita Gina ang mga kamay ko.

“Thank you po sa lahat-lahat!”

“You’re welcome Best!”

Masaya kamig nanuod ng Kdrama na paborito ni Sandra. Masaya kong pinagmasdan ang pangalawa kong pamilya. Masaya na ako kahit wala ang sarili kong mga magulang.

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: