Quattro Club

“Loving you until the Sunset” (Chapter 4)

Chapter 4 Ryan’s P.O.V.

“Nasabi mo na ba kay Sandra ang rason bakit ka bumalik ng Pilipinas?” usisa sa akin ni Jim.

“Kailangan pa ba iyon? Hindi pa nga ako sigurado kung tatanggapin niya akong muli sa buhay niya.” Nagbukas ako ng isang beer. Inabutan ko din ng isa si Jim.

“Hindi nga ba dapat na malaman niya.”

Napakibit-balikat na lang ako. Hindi pa ito ang tamang panahon. Sa tingin ko hindi na niya dapat pang malaman.

Dalawang beses pa lang kaming nagkikita ni Sandra. Mas maganda siguro na maging kampante muna ulit siya sa akin. O kami sa isa’t isa. Hindi pa din naman ako sigurado kung matatanggap niya ako ulit sa buhay niya.

“By the way, tumawag si Joan Miranda. Magpupunta daw sila sa isa sa mga beach nila sa Coron. And guess what?” Binitin pa nito ang sasabihin.

“What?” Nakangiwi kong sabi dito.

“Kasama sina Sandra at Melanie.” Nakangiti pa ito sa akin na para bang nakakaloko. “And we are invited.”

“Talaga?” Hindi ko na napigilang matuwa. “Aray!” Sapol ako sa mukha ng unang binato ni Jim.

“Ikaw talaga basta tungkol kay Sandra.”

“Gusto ko lang naman siyang makausap ulit. Baka sakaling pwede na kami ulit maging magkaibigan.” Pilit kong kinukumbinse ang sarili ko na gusto pa din ni Sandra na bumalik ako sa buhay niya.

Hindi ko pa din alam bakit ba bigla na lang siyang lumayo sa akin. Ang laki tuloy nang nawala sa buhay ko. Hindi lang si Sandra. Pati ang pamilya niyang naging pamilya ko na din.

Very close kami ni Sandra. From elementary days hanggang third year highschool. Pagdating ng fourth year doon na nabago ang lahat.

***

“Hi Ryan! Nakabalik ka na pala from Pampanga.” Bati sa akin ni Sandra nang magpang-abot kami sa Starbucks.

“Hello Sandra. Sorry hindi agad ako nakatawag. Naging busy lang.” Paliwanag ko sa kanya.

“Kamusta na si Tita Dina?” Pag-uusisa niya.

“Ok naman siya, sila ng bago niyang kinakasama. Nakabili na sila ng bahay doon.”

“Ah…” Nakatingin siya sa babaeng kasama ko sa table.

“Oh, I am sorry. Jenny this is Sandra, my best friend. Sandra, this is Jenny, my girlfriend.”

Nalaglag ang hawak na frappe ni Sandra. Gulat na gulat ito.

“I am so sorry.” Paghinge niya ng paumanhin.

“Boss,” Tawag ko sa isang staff ng Starbucks. “Pakilinis na nga please.” Pakiusap ko dito.

“Teka i-order na lang kita ulit.”

“Huwag na. Nagmamadali din kasi ako. Napadaan lang din.” Iwas na iwas ito. Hindi halos makatingin sa akin. “Nice meeting you Jenny. I am sorry but I need to rush now. See you Ryan!” At tumalikod na ito sa amin.

“See you Best!”

Hindi na ito lumingon sa amin. Dumiretso nang lumabas ng store.

“What’s up with her?” Tanong sa akin ni Jenny.

“I am not sure.”

***

Napansin ko ang pag-iwas sa akin ni Sandra. Hindi siya halos dumadalo sa mga practice namin sa choir. Hindi din siya naglalagi sa mga tambayan namin. Ilang beses kong tinry na tawagan siya, i-text pero walang response o reply man lang. Naguguluhan na ako sa mga kinikilos niya. Have I done something wrong? Have I hurt her somehow? Wala naman kasi akong maalalang ginawa ko o nagawa para magalit siya. At hindi naman kami ganoon. If may problema, pinag-uusapan namin kaagad. At hindi kami ma-pride lalo na sa isa’t isa. Kapag alam ng isa na may mali siya, nag-sorry kaagad. Hindi din namin sinasalubong ang galit ng isa’t isa. Marunong kaming magbigayan. Actually, we can be a good couple. May respeto sa isa’t isa at may pagbibigayan.

“Sorry Ryan, wala dito si Sandra.” Sabi sa akin ni Tita Lani, ang landlady ni Sandra sa dorm.

“Wala po?” Pag-uulit ko dito.

“Ang alam ko mag-over night siya sa isang kaklase. May group project daw siya.”

Halata kong nagsisinungaling si Tita Lani. Hindi siya halos makatingin sa akin. Napasulyap na lang ako sa kuwarto ni Sandra bago lumabas ng dorm nila. Napapailing na lang ako.

From that day on, I felt she drifted apart. Bigla na lang kaming hindi masyado nagkikita. Pag nagkita naman palagi siyang nagmamadali. Halata ko naman na iniiwasan niya ako. Halata kong ayaw niya akong kausapin.

Sinubukan ko na ding kausapin sina Tita Gina, pero hindi din nila alam ang rason bakit hindi nagpaparamdam si Sandra.

“I am sorry Ryan. Hindi din siya masyadong tumatawag sa amin si Sandra lately. Ang alam ko busy din siya.” Yun lang ang nasabi sa akin ni Tita Gina.

Nakausap ko na din sina JR at Ate Leila. Wala din silang alam.

“Bakit mo ba ako iniiwasan?” Napapailing kong naisip.

***

Excited ako sa lakad namin, kasama ang ilang highschool friends namin. At syempre kasama namin si Sandra. I think this is a good time na makausap ko siya. And maybe to patch things up. Ilang gabi na akong hindi makatulog. Naiisip ang araw ng aming lakad.

“Ano ba ang nangyayari sa akin?” Actually hindi ko din maintindihan.

Mula nang musical play naming Beauty and the Beast noong third year highschool, noong time na nahalikan ko siya sa lips, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. I think that I am falling in love with my best friend. Pero hindi naman pwede iyon. Alam kong best of friends lang kami. Hindi naman tiyak ako magugustuhan ni Sandra romantically, kilalang-kilala niya ako. Pero di ba nga mas maganda daw na maging magkaibigan muna ang dalawang tao bago pumasok sa relasyon. Kasi nga mas magiging matataga sila. Pero parang mahirap din. Paano kung ang friendship naman namin ang masira.

Gusto ko nang magtapat kay Sandra noong fourth year highschool kami, pero parang hindi ko din kaya. Hindi ko kakayanin kung tatanggihan niya ako. Paano kung hanggang pagiging best friend lang talaga ang relasyong pwedeng magkaroon kami. Ayoko namang mawala siya sa buhay ko. Mas maige na sigurong umiwas muna ako. Mas mabuting subukan kong ibaling ang tingin ko sa iba.

Doon pumasok sa buhay ko si Jenny. Anak siya ng kaibigan ni Mommy. Nakilala ko siya nong time na pumayag na si Mommy na magkita kami at magkausap nang nangyari sa kanila ni Daddy. And hearing her side of the story makes me realized na hindi din pala totally kasalanan ni Mommy ang lahat. She was still in love with her first love. When Daddy came along, akala niya hindi na niya mahal ang first love niya. But she was wrong. Ilang taon din daw niyang iniwasan ang nararamdaman niya. Pero mahal daw talaga niya ang lalaking iyon. Dad don’t want them to separate. Hindi naman gusto ni Mommy na ipagpatuloy ang relasyon nila kung hindi na niya mahal ang Daddy ko. Malungkot pero nandoon na iyon. Nagkamali ng decision si Mommy. At ngayon kailangan na niyang ayusin ang lahat.

Jenny is sweet. Maganda, matangkad, matalino. Varsity player siya ng school na pinapasukan niya. Isa siyang Volleyball player. She invited me once sa isang game niya and she is really good in what she do. It is not difficult to like her. And to think of it, baka siya na ang sagot sa problema ko. Maybe being with her will help me forget what I am feeling for Sandra. Sa tingin ko ito ang tamang gawin.

I know Jenny like me, kaya nga nang magsabi ako sa kanya na gusto ko siya, hindi na siya nagdalawang-isip na sagutin ako. Isang mutual understanding. Gusto ko siya, gusto niya ako, kaya kami nang dalawa. Funny but that is the easiest way out of what I am feeling for my best friend.

I planned to introduce her to Sandra nang makabalik ako from Pampanga. Pero nauna nang magkita kami sa Starbucks. And to think she act surprised nang malamang may girlfriend na ako. Actually I felt she was hurt. Hindi ko alam. Maybe I am just reading between the lines.

Doon nagsimulang umiwas sa akin si Sandra. Madalas hindi ko na siya nakikita o nakakausap. Marami nga ang naging usapan noon sa school na break na kami. Hindi naman naging kami. But I really missed her. Miss na miss ko na ang bestfriend ko. Miss ko na si Sandra.

***

“Parang wala naman dito ang isip mo Ryan?” Matabang na sabi sa akin ni Jenny

“I’m sorry?”

“Alam mo mabuti pa magtapat ka na kay Sandra.”

“Ano naman ang ipagtatapat ko?”

“Babae ako. Kita ko sa mga mata mo ang nararamdaman mo for her. You are in love with your best friend.”

Tatanggi pa sana ako, pero prang pointless naman. Sa una pa lang naman ay alam na niyang may babae akong iniiwasan.

Ngumiti lang sa akin si Jenny, kahit na sa mga mata niya ay nangingilid na ang kanyang mga luha.

“I’m sorry.” Hinawakan ko siya sa kamay.

“I like you Ryan. Actually I think I am in love with you. But I did not see in your eyes the love I was waiting for. Hindi tulad nang pagtingin mo kay Sandra. Your eyes tells a thousand ways of your love for her.” Hindi na niya napigilan ang lumuha.

Hinawakan ko naman ang kanyang mga kamay.Marahang pinunasan ang kanyang mga luha.

“Gusto kong maramdaman yun Ryan. Yung love na iyon na meron ka kay Sandra. But I don’t think you will be able to give me that. You are too in love with her.” Bahagya itong ngumiti sa akin. “Baka sa ibang panahon.”

“I am sorry.” Wala akong ibang masabi kay Jenny. She was hurting. And I cannot heal those wounds. Wala akong magagawa. Hindi ko kayang ibaling ang pagmamahal ko sa best friend ko sa iba.

“Bakit ba hindi ka pa nagtatapat sa kanya? Bakit ba hindi mo pa siya ligawan?”

“I am afraid of loosing her. I am afraid she will not accept my love for her.”

“Hindi mo pa nga sinusubukan, hindi mo pa tina-try na magtapat ng pagmamahal mo suko ka na agad. You were so brave when you said you like me. Bakit sa kanya hindi ka maging matapang.”

Hindi ko masagot ang mga tanong na iyon ni Jenny.

Bakit nga ba hindi ko magawang magsabi sa kanya? Bakit hindi ko masabing mahal na mahal ko sya? Duwag ba ako? Hindi. Hindi ako isang duwag. Pero nandoon ang takot. Takot na mawala siya. Kaya nga ba mas gugustuhin kong ibaling sa iba ang nararamdaman ko kaysa naman mawala ang best friend ko.

Pero bakit nga ba siya umiiwas sa akin? Bakit ba parang ang layo-layo na niya. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano nga ba ang nagawa ko para iwasan niya ako.

***

“Uminom ka na ng Bonamin?” Tanong ko kay Sandra nang magkita kami.

Napatingin lang siya sa akin. “Yes.”

Mahihiluhin sa biyahe si Sandra. Madalas kailangan niyang uminom ng gamot para maiwasang mahilo siya sa daan. Hindi niya kaya ang malayuang biyahe.

“Eh yung white flower mo, nadala mo?”

Hindi niya maiwasang mangiti sa akin.

“I have them in my pouch. Don’t worry hindi kita susukahan.” Ang ganda ng ngiti ni Sandra. Natawa na din ako.

“So you still remember that one field trip na sinukahan mo ko. Na all throughout our trip, amoy suka ako.” Natawa ako nang malakas.

“Eh kasi naman hindi ko naman akalaing masusuka ako. Naparami kasi ang breakfast ko noon.”

“Di bale this time may dala naman akong pamalit.” Nakangiti ako sa kanya.

Ganito kami ni Sandra. Best of friends. We share a lot of good memories together. We share a lot of bad memories. Pero sa lahat ng pagkakataon magkadamay kami. Walang iwanan. Walang bibitaw. Magkadamay sa lahat ng oras, sa lahat ng pagkakataon.

***

Miyerkules ngayon. May practice kami sa choir. Siguro naman makikita ko doon si Sandra. Kailangan ko siyang makausap. Hindi ko maintindihan bakit bigla na lang na hindi niya ako kinakausap. May nagawa ba akong masama sa kanya? May nagawa kaya akong mali?

“Good morning.” Bati ko sa mga ka-choir ko. Luminga ako sa paligid, wala si Sandra. Wala siya sa practice namin.

“Prof, si Sandra po?” Tanong ko sa head master namin.

“Nag-text siya sa akin kanina. Hindi daw siya makakarating sa practice. Masama daw pakiramdam niya.

“Ganoon po ba?” Nag-aalala tuloy ako sa kaibigan ko.

“Start na tayo.” Muestra ng prof namin na pumunta na kami sa formation namin.

Mamaya ko na lang dadalawin si Sandra. At alam ko ano makakapagpagaan ng pakiramdam niya.

Nakangiti ako nang nag-door bell ako sa dorm nina Sandra. Pinagbuksan naman ako ni Tita Lani.

“Nasa kuwarto siya, Mataas ang lagnat niya. Sige na pumasok ka na. Isasalin ko lang itong dala mong Beef Mami. Hindi pa din masyadong kumakain ang batang iyan.”

“Salamat po.” Dumiretso na ako sa kuwarto nina Sandra. Wala naman ang mga kasama niya sa kuwarto, lahat nasa school pa. Nakabaluktot si Sandra sa kama. Nanginginig ang katawan. Inayos ko ang kumot na bumabalot sa kanyang katawan.

“Sandra, si Ryan ito. What happened Best?”

Wala akong nakuhang sagot mula dito. Nanginginig lang ang buo niyang katawan. Kailangang madala ko na siya sa Doctor. Kailangan siyang patignan.

“Tita Lani… Dalhin na natin si Sandra sa ospital. Sobra na ang taas ng kanyang lagnat.”

Nagmamadali namang kumilos si Tita Lani. Nagbilin siya sa isa sa mga ka-dorm mate ni Sandra na bahala na muna sila bahay.

Dali-dali niyang binuksan ang pinto ng kotse. Lumipat naman siya sa kabila para saluhin ang ulo ni Sandra. Inayos ko pa ang kumot na bumabalot sa katawan niya bago pumunta sa driver’s seat. Malapit lang naman ang ospital mula sa dorm. Pero sobra-sobra ang pag-aalala ko sa kaibigan ko. Ilang beses ko pa siyang sinilip sa likuran ng kotse. Napagsabihan tuloy ako ni Tita Lani.

“Ano ba Ryan, tutukan mo nga ang pagmamaneho mo. Baka madisgrasya pa tayo sa ginagawa mo.”

“Sorry po, nag-aalala lang talaga ako kay Sandra.”

 “Mag-focus ka sa pagmamaneho. Mas malaking problema kapag nadisgrasya pa tayo.”

Pinilit kong tumutok sa pagmamaneho. Tama naman si Tita Lani. Baka kung mapano pa kami.

“Focus Ryan! Focus!”

Naalala ko sina Tita Gina at Tito Romy. Ano ang sasabihin ko sa kanila bakit nagkasakit si Sandra. Pinagkabilin-bilin pa naman siya sa akin. Tiyak mapapagalitan ako nito. Pero bakit ba iyon ang iniisip ko. Mas importante na madala agad sa Doctor si Sandra. At malaman ano ba ang sakit niya.

Sa emergency room kami nagpunta. Tinignan ng Doctor ang kaibigan ko. Nag-request din ito ng blood test para malaman daw saan nanggagaling ang lagnat nito. Mga dalawang oras daw bago lumabas ang resulta. Nagpaalam muna ko kay Tita Lani. Kailangan kong tawagan si Tita Gina. Kailangang malaman nilang nasa ospital si Sandra.

“Ano?! Ano’ng nangyari sa anak ko?” Ramdam ko ang paghikbi ni Tita Gina. Sino nga bang ina ang hindi mag-aalala sa kanyang anak? Lalo na nga at malayo ito sa kanila.

“Hindi ko pa po alam ang resulta ng lab test niya. Itatawag ko po agad sa inyo kung ano ang sasabihin ng Doctor.”

“Sige. Magpapa-book na kami ng flight ng Tito Romy mo. Luluwas kami agad. Itawag mo sa akin Ryan kung ano ang sasabihin ng Doctor ha.”

“Opo Tita, itatawag ko po agad sa inyo.”

Nilipat na sa kuwarto si Sandra. Kailangan niyang ma-confine. Dengue ang kanyang sakit. Ako muna ang magbabantay sa kanya. Kailangang umuwi ni Tita Lani para kumuha ng iba niyang gamit. Di naman daw malubha ang sakit niya. Patataasin lang ang kanyang platelet. Nagbilin na din ako kay Tita Lani ng itlog ng pugo at pocari sweat at pati pang-hapunan naming tatlo.

“R-Ryan…” Mahinang tawag sa akin ni Sandra.

“Gising ka na pala? Kamusta ang pakiramdam mo?” Hinimas ko pa ang kanyang buhok.

“Medyo nahihilo ako. Ano ba’ng nangyari? Nasaan tayo?”

“Dinala ka namin sa ospital. May dengue ka Best.”

“Kanina pag uwi ko nahihilo ko. Di na ko nakainom ng gamot, humiga na ako ng diretso. Para kong pagod na pagod.”

“Malamang sa taas ng lagnat mo yun. Sabi ng Doctor kailangan lang daw pataasin ang platelet mo. Hindi naman daw malala. Ingatan lang daw na huwag kang masusugatan. Pag daw kasi nagdugo magiging delikado, baka kailanganin pang salinan ka ng dugo. Pati pag-toothbrush dapat ingatan daw.”

“Salamat Best.”

“Wala iyon. By they way, tinatagan ko si Tita Lani. Luluwas daw sila ni Tito Romy.”

“Sana di mo na sila tinawagan. Tiyak mag-aalala si Mama.”

“Hindi naman pwede iyon. Kailangang malaman nila. Mas lalo akong pagagalitan ni Tito Romy kung hindi ko ipapaalam sa kanila.”

“Sabagay.”

“Oh! Mabuti naman at gising ka na.” Bungad sa amin ni Tita Lani.

“Hi po.” Pilit siyang binati ni Sandra.

“Aayusin ko na itong pagkain mo. Kailangan mong kumain. Magpalakas ka. Pinakialaman ko na ang gamit mo at kinuha kita ng ilang personal na gamit.”

“Salamat po.”

Pilit na pilit pakainin si Sandra. Hindi talaga siya mahilig sa itlog ng pugo. Pero kailangan kaya halos idukdok ko na sa kanya ang pagkain.

“Aba Sandra! Kung gusto mong lumakas agad pilitin mong kumain.”

“Busog na ako eh.” Pangangatwiran pa nito sa akin.

“Paano kang mabubusog? Lilimang subo ng kanin at ulam at tatlong itlog pugo pa lang ang nakakain mo. Kumain ka pa. Para mas mabilis kang gumaling.”

Hindi naman siya mananalo sa akin. Istrikto kaya ako sa kanya. Sa tuwing magkakasakit siya at ako ang kasama niya, hindi siya pwedeng hindi susunod sa akin. May pagka-sakitin talaga si Sandra. Mahina ang kanyang katawan.

“Paano, maiwan ko muna kayo. Kailangan ko na ding umuwi.” Pagpapaalam sa amin ni Tita Lani.

“Sige po. Salamat ulit ng marami, Tita Lani.” Nginitian pa ni Sandra si Tita Lani.

“Umidlip ka muna. Tiyak bago maggabi nandito na sina Tito at Tita.”

Inayos ko ang unan ni Sandra. Inalalayan ko siyang humuga. Kinumutan ko din. May kaunti pa din siyang sinat. Pero pasaan ba at gagaling din ang best ko.

Madali siyang nakatulog. Siguro nahihilo pa din. Hindi naman biro ang lagnat niya kanina. Kailangan din siyang gumaling agad. Malapit na ang periodical namin.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Sandra. Nakakaawa. Halata ang pagod sa pinagdaanang lagnat. Hinimas ko ang buhok niya at hinalikan siya sa noo.

“Thank you.” Bulong nito sa akin.

Umupo ako sa tabi ni Sandra. Hinawakan ang kanyang kamay. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko na talaga pwedeng lokohin ang sarili ko. Mahal ko na ang best friend ko.

“Mahal na kita Best.” Mahina kong bulong sa kanya.

Mabuti na lang at nahimbing na siya ng tulog. Hindi ko alam kung paano niya tatanggapin ang kailangan kong sabihin sa kanya. Kailangan ko ding malaman bakit siya umiiwas sa akin. Hindi ko yata kakayanin kung tuluyan kaming magkakalayo.

***

“Salamat talaga sa iyo Ryan ha. Salamat sa pag-aalaga sa anak namin.” Niyakap pa ako ni Tita Gina.

Inabot naman ni Tito Romy ang kamay ko.

“Salamat Ryan. Napakabait mo talagang kaibigan. Talagang maasahan!”

“Wala naman po iyon Tita, Tito. Ganoon naman talaga kami ni Sandra sa isa’t isa. Hinding-hindi ako kailanman mawawala sa tabi niya.”

“Hindi ba pwedeng maging kayo na lang? Para sigurado akong nasa mabuting kamay ang anak ko?!” Biro sa akin ni Tito Romy.

“Hoy Mister! Parang binebenta mo ang anak mo kay Ryan.”

“Oh bakit? Masama ba naman ang sinasabi ko? Mabuting bata naman itong si Ryan. At matagal na natin siyang kilala.”

“Eh paano naman ang nararamdaman ng anak mo? Hayaan natin sila. Kung anuman ang darating sa kanilang dalawa, hayaan natin sila na ang mag-desisyon.”

“Basta kung ako ang papipiliin, gusto ko na si Ryan para sa anak natin.” Sabay suntok nang mahina sa akin ni Tito Romy.

Natawa na lang ako. Pero sa totoo lang para bang lumakas ang loob ko sa sinabi ni Tito Romy sa akin. Ngayon hindi na ako mahihirapan pang magtapat kay Sandra kung sakali. Si Tita Gina na lang ang kailangan kong kumbinsihin pa.

“Oh ‘nak, gising ka na? Kamusta na ang pakiramdam mo?”

“Ok naman na Ma, Pa.” Nginitian ako ni Sandra. “Uwi ka na muna Best. Magpahinga ka na. Nandito na naman sina Mama at Papa.”

“Oh basta! Magpagaling ka agad. Babalik na lang ako bukas. Dadalhin ko yung mga lessons natin para naman hindi ka mahuli.”

“Sige Best. Salamat ulit.”

“Welcome. Basta yung mga binilin ko ha. Kumain ka ng itlog pugo. Kumain ng marami at magpahinga. Para naman gumaling ka agad.”

“Don’t worry Ryan, ako na ang bahala diyan. Kapag hindi sumunod may palo sa puwet!” Iminuwestra pa ni Tita Gina na papaluin si Sandra.

“Mama naman!”

Nagkatawanan na kaming lahat. Mababait talaga ang parents ni Sandra. At masaya akong naging parte ng family nila.

Ang tagal ko na sa kotse ko pero hindi pa ako makaalis. Paano na nga ba? Paano ko ba isusugal ang relasyon namin ni Sandra bilang magkaibigan. Naging close na din kami ng family niya. Paano na sina Tita at Tito? Paano kung hindi kami maging maayos bilang magka-relasyon? Ang daming gumugulo sa isipan ko.

Oo mahal na mahal ko si Sandra. Pero kaya ko bang isugal ang lahat ng panahon namin bilang magkaibigan para sa nararamdaman ko? Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko? Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Paano nga ba?

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: