Quattro Club

“Loving you until the Sunset” (Chapter 5)

A novel by Selena Strauss

Chapter 5 Sandra’s P.O.V.

“Oh dito na ako kina Theodore sasakay, Sandra.” Kumindat pa siya sa akin.

“Ha? Pwede pa ba ako diyan?!”

“Sorry Sandra, pero sa amin sasabay sina Trixie at Diether.” Nakakaloko ang ngiti ni Theodore sa akin.

“Sa inyo Joan?” Baling ko naman sa kanya.

“Naku Sis! Hectic na din. Tatlong couple na kami!” Natatawa pa nitong sabi.

“Sa akin ka na sumabay.” Sinalo ni Ryan ang usapan.

Tumango lang ako.

Hindi na kasi pinadala ni Joan ang sasakyan ko. Tama na daw yung tatlo na sasakyan at mahirap nga namang mag convoy. Wala tuloy akong magadawa kundi ang sumabay na lang kay Ryan. Gusto ko sanang mag-eroplano na lang kami. Pero ayaw naman ng karamihan. Mas gusto daw nila ang mag road trip. Plano kasi nilang mag-stop over sa Tagaytay. Gusto daw nilang kumain ng bulalo. Wala naman akong nagawa kundi ang makiayon na lang sa gusto ng karamihan.

“Are you ok?” Tanong sa akin ni Ryan.

“Ok naman.” Ngumiti ako ng bahagya sa kanya.

Pilit na iniiwasang manginig ang boses ko. Bago pa man kami magsimulang bumiyahe ay abot-abot na sa kaba ang dibdib ko. After ten long years, ngayon ulit kami magkakasama ni Ryan. Magkakasarilinan.

“Ano ba ang ini-expect mo Sandra ha?!” Pagsasaway ko sa sarili ko.

Hindi ko alam pero kanina ko pa din napapansin na aligaga si Ryan. Siguro tulad ko ay hindi niya din alam kung ano ang mangyayari. Pareho kaming naninimbang sa kasalukuyang sitwasyon.

“I believe I have some CD’s here. Let me play some music.” Ngumiti lang siya sa akin.

Inabot ko ang CD case. Binasa ang list ng mga music sa likod. Mas lalo yata akong kinabahan. 90’s ang music. And most of the songs listed are my favorite songs. Hindi na ako umimik. Itinuon ko ang tingin ko sa labas. Pilit kong inaalis ang isipin ko sa mga kantang tumutugtog.

Tale as old as time
True as it can be
Barely even friends
Then somebody bends
Unexpectedly

Just a little change
Small to say the least
Both a little scared
Neither one prepared
Beauty and the Beast

“Our song Sandra.”

Napatingin ako kay Ryan. Nakangiti siya.

“Ever just the same. Ever a surprise. Ever as before. Ever just as sure. As the sun will rise.” Sinundan ni Ryan ang kantang tumutugtog. Tinanaw niya ako. Hinihintay na sundan ko ang kinanta niya.

“Tale as old as time. Tune as old as song. Bitter-sweer and strange. Feeling you can change. Learning you are wrong.” Kumanta na din ako. Caught in the moment.

“Certain as the sun. Rising in the east. Tale as old as time. Song as old as rhyme. Beauty and the Beast.”

“Tale as old as time. Song as old as rhyme. Beauty and the Beast.”

Pumalakpak pa si Ryan matapos naming kumanta.

This is who we are. We have a common love for music.

“Hindi pa din nagbabago ang ganda ng boses mo Sandra.”

“Ikaw din Ryan.” Ngumiti naman ako sa kanya.

It was a good list. Lahat ng mga paborito namin. It bring back good memories. But it also bring some painful ones.

“We used to be good together Sandra. What happened to us?” Sumulyap lang sa akin si Ryan.

Paano ko ba sasagutin ang mga tanong na iyon? Paano ko ba sasabihin natakot ako. Natakot sa nararamdaman ko. Paano ko sasabihin na minahal ko siya. Na hanggang ngayon ay mahal ko siya. Oo. Hanggang ngayon ay mahal ko siya. Siya lang mula noon. Siya lang hanggang ngayon.

“I hope I can be your friend again. I hope we can put everything in the past.” Hinawakan niya ang kamay ko.  “It’s been ten years Sandra. I think we can move on and be like before.”

Hindi ko maikakailang miss na miss ko na si Ryan. Hindi ko maitatago na miss ko na din ang kaibigan ko. I think we are both mature enough now. Kaya ko na sigurong dalhin ang nararamdaman ko for him.

“I agree with you. Ten years is a very long time. I think we can start few steps at a time.” Ngumiti na din ako kay Ryan.

I don’t doubt myself. Genuine ang kagustuhan kong maging maayos na kami. Yes I love him so much. But I think I can set aside my feelings and be with Ryan just like before. Those days that we are the best of friends.

“Thank you Sandra. I really miss my Best.”

“I, I miss you too Best!” Hindi ko na din maikaila sa kanya na miss ko na ang best friend ko. Iyon naman talaga ang totoo. But deep inside, may ibang sinisigaw ang puso ko.

“Yes!” Nagtaas pa ito ng kamay sa sobrag katuwaan.

“Ryan! Ang manibela!”

“Oh sorry! Sobra lang talaga akong natuwa! Salamat Sandra for opening up your heart again with me.”

Natawa na din ako sa nging reaction ni Ryan. We used to be inseparable. We used to be very close.  Mahirap ang nagdaang sampung taon. Mabigat din sa dibdib ang palaging may iniisip. But now, we can put everything behind. We can start again as friends.

“I don’t want to abuse this chance Sandra. But can I ask you something?” Parang nag-iisip pa ito sa susunod niyang sasabihin.

“Hmm… sure.” Abot-abot ang kaba sa dibdib ko. I am not certain if I can answer his question.

“Why did you avoided me? What happened between us?”

Matagal bago ako nakasagot. Hinahanap ko pa kasi ang sasabihin ko. Paano ko sasabihn sa kanya ang totoo? Paano ko sasabihing iniwasan ko siya kasi sobra ko na siyang mahal?

“Sandra,” Hinihintay niya ang sagot ko.

“Akala ko ba let’s put everything behind? Huwag na nating pag-usapan Ryan. Please?” Yun lang ang naisip kong paraan para wag nang humaba pa ang usapan. Sana lang makuntento siya sa sagot ko. Makulit pa naman din ang isang ito.

“Alright. I think you are right. Let’s just put everything behind. Anyway, we can make some new memories together.” Ngumiti ulit siya sa akin.

Iyon yun eh. Yung ngiting yun ang isa sa nagpa-in love sa akin kay Ryan. Kapag kasi ngumiti siya kasama ang kanyang mga mata. Very expressive.

“And thank you Sandra for letting me back in your life.”

“You are welcome.”

***

“Wow! Ang ganda naman ng beach ninyo Joan!” Manghang-mangha sabi ni Mel.

Pati ako ay napanganga din sa aking nakikita. Ang ganda dito sa Coron! At higit na mas maganda ang beach ni Joan.

“I inherited this from my first husband.”

Lahat kami ay naghihintay ng susunod niyang ikukuwento. Nasa pinaka-lobby kami ng beach resort ni Joan.

“Your drinks.” Sabay abot sa amin ng orange juice ng isa sa mga sumalubong sa aming waiter.

“Thanks Philip.”

“Sige na tuloy mo na ang kuwento mo.” Sulsol pa ni Mel kay Joan.

“I met him right after our highschool graduation. Dinala ako ni Mama sa America and I met Douglas. He is almost the same age with my Mom. But it was so easy to fall in love with him.”

Nakikinig lang kaming lahat sa kuwento niya.

“Alam ninyo naman I always long for a father.”

Bata pa si Joan nang maulila sa ama. Nagkaroon naman siya ng Step-father pero hindi din nagtagal at malupit ang naging pangalawang asawa ng kanyang ina. Nakailang asawa din ito, pero talagang hindi pinalad sa lalaki. Palaging palpak. Palaging palso ang nakukuha.

“Mabait si Douglas. Sweet. I got all the attention I am longing for a father. It was easy to fall in love with him. Nagpakasal kami. I was so happy. Pero hindi ko naman alam na maagang matsu-tsugi.” Mapait ang pagtawa niya. Halatang nasasaktan pa.

“Kaya heto! Yumaman ang Lola mo!” Natawa na ito. Sinabayan na din namin ang pagtawa niya.

“Enough of my life’s story! Halika na pumunta muna tayo sa mga magiging rooms ninyo. Papahanda ko na din ang dinner natin.”

“Thanks Joan!” Sabi ko naman sa kanya.

***

“So ano na? Magkuwento ka naman!” Namumungay ang mga mata ni Mel na nakatitig sa akin. Kinikilig pa yata ito.

“Ano namang ikukuwento ko?” Pagmamaang-maangan ko pa.

“As if naman hindi ko nahalata na maganda ang ngiti ninyong dalawa ni Ryan kanina. Nasa Ilocos pa lang tayo todo na ang ngiti at sweetness ninyo. Did you kiss and make-up?” Pambubuska pa niya sa akin.

“Make-up, yes. Kiss, no! Ano ka ba naman?!”

“Ay! Sayang naman! Dapat pag nag-make-up, may kiss na din!” Tawa pa ng tawa si Mel.

“Sira ka talaga!” Hinampas ko pa ng unan si Mel. Gumanti din siya. At naghabulan pa kami sa kuwarto.

***

“Gutom na gutom na ako! Ano ba ang masarap dito?” Para bang takam na takam ng kumain si Ryan habang nakatingin sa menu.

“Bulalo po ang specialty namin dito Sir. May bagnet din at crispy pata. Yung pakbet po namin masarap din.” Nakangiting sabi ng waitress kay Ryan. Halatag kinikilig kay Ryan.

Ang guwapo naman kasi nito sa suot na sando-shirt, naka- maong na shorts at snickers. Cool na cool ang datingan. At ang muscles nito! Makalaglag panga!

“Hoy Sandra! Maghunos-dili ka nga!” Naiiling kong saway sa aking sarili.

“Sige, bigyan mo kami ng lahat ng iyan. Yun na din ba ang order ninyo Joan?” Baling nito sa kabilang side ng mesa namin.

“Sige iyon na din. Dagdagan mo lang ng chicharong bulaklak, okoy at Poqui-poqui.” May pagka-pilya nitong ngiti.

“Ano daw? Ano daw yung huling inorder niya?” Bumaling si Theodore kay Melanie.

“Poqui-poqui daw!”

“Miss pakigawang apat ang poqui-poqui na order namin! Kung anuman yun, gusto kong tikman ang poqui-poqui ng mga taga-Tagaytay!”

Binatukan tuloy ni Melanie si Theodore. Halatang nanloloko lang naman ito.

“Sa inyo ba Mel, wala bang version ng Poqui-poqui?! Baka pwedeng matikman ang poqui-poqui mo?! Ay este sa lugar ninyo!” Sarap ng ngiti ni Theodore sa kaibigan ko.

“Siraulo ka talaga!”

Masayang-masaya ang lahat! Tuwang-tuwa sa pagbibiruan at pagkukulitan. Ang sarap pa ng kuwentuhan.

“Busog na busog ako dun ah!” Nag-uunat pang sabi ni Ryan sa akin.

Nasa sasakyan na kami noon.

“Eh bakit nga ba hindi ka mabubusog? Eh naka-tatlong kanin ka yata!? Ang dami mo pang nakaing ulam!”

“Ang sasarap naman talaga ng luto sa restaurant na yun.”

“Pero ang masaya dun nung dumating yung order ni Theodore na poqui-poqui! Hahaha. Tortang talong pala yun! Eh hindi daw siya kumakain ng talong.”

“Oo nga. Napilitan ding ubusin yung apat na order. Parusa sa kanya ng grupo.”

“Halos masuka na siya sa dami.”

Ang sarap ng tawa ni Ryan. Nakaka-miss talaga ang ungas na ito!

“Do you want me to drive? Mukhang inaantok ka sa sobrang busog.” Natatawa ako. Tumingin lang siya sa akin.

“Are you sure?”

“Oo naman! Sanay naman din akong magmaneho. Tsaka mahirap na at baka maidlip ka pa habang bumibiyahe tayo, mahirap na.”

“Sige. I really need to take a nap.”

Nagpalit kami ng puwesto ni Ryan. Ako muna ang magmaneho. Sa sobrang busog tiyak na antok na antok na ito. Nakapag-kape naman kami kanina pero sa tingin ko hindi sapat iyon.

“Sige na. Take a nap. Ako na ang bahala.”

“Ikaw na ang bahala sa akin?” Pabiro nitong sabi sa akin.

“Tse! Matulog ka na.”

Hindi naman nagtagal at nakatulog na din ito. Bahagya pang naghilik. Siguro sa dami ng kinain. Magaan ang pakiramdam ko ngayon. Hindi tulad noong reunion. Ang kaba ng dibdib ko ay hindi excitement kundi parang nag-aalala sa pwedeng mangyari kapag nagkita na kami ni Ryan. All is well now. Ok na ulit kami ni Ryan. It took us ten years to surpassed all our issues. Natapos din. At honestly speaking, I am very happy.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Ryan. He is somehow at peace sleeping on my side. Hinagod ko ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang mga mata. He is really a handsome stud.

“Baka malusaw ako sa kakatitig mo!” Hindi na napigilan nitong ngumit at dinilat pa ang isang mata.

“Salbahe!” Napalo ko pa siya sa isang bisig niya.

“Bakit guwapo naman talaga ako ah!” Pumikit ulit ito pero hindi pa din nawawala ang pagkakangiti. “Di ba nga kaya inggit na inggit sa iyo ang mga classmates natin noong araw kasi palagi tayong magkadikit. Hindi mapaghiwalay. You remember Lilian. Galit na galit siya sa iyo. Binabakuran mo daw ako.” Umayos na ng pagkakaupo si Ryan.

“Oo nga! Magagalit sa akin, eh wala namang dahilan. I’ve told her na hindi tayo. But she keep on insisting that we are in a relationship. Ayaw maniwala. Haha.” Naalala ko hindi lang naman si Lilian ang una at huling babaeng nagalit sa akin dahil close ko si Ryan. Nandiyan pa si Brenda, si Joy, si Lesly, si Alma, at marami pang iba.

“Sa akin din may mga lalaking galit. Hindi daw sila makadiskarte sa iyo. Naka-guwardiya daw ako palagi sa iyo.”

Totoo naman ang sinabing iyon ni Ryan. Palagi siyang nakabantay sa akin. Palibhasa pinagbilinan nina Mama at Papa na huwag daw akong magpapaligaw. Kaya hayun! Sineryoso ang utos ng mga parents ko. Wala nga ni isa mang nakalapit sa akin. Isa lang talaga ang sana ay bibigyan niya ng chance. Iyon nga si George. Pero mabuti na lang din at nalaman niya ang pustahang iyon nina George, kung hindi baka napahamak pa ako.

“Those were the good times.”

“Yes. Those were good memories.”

***

“Ang dami naman nito Joan!” Namamanghang bati ni Melanie sa nakahaing mga pagkain.

“Wow! Ang sasarap!” Seguna ni Ryan.

“Syempre naman. First time kong nagdala ng bisita dito sa resort ko. Everything special for you guys.

Isang masaganang boodle fight ang nakahain malapit sa beach side. Iba’t ibang masasarap na seafoods. May tahong, alimango, hipon. May pritong isda, pritong talong, nilagang sitaw at okra. May nag-iihaw din ng manok at baboy sa isang gilid ng mesa. May bagoong at enseladang mangga. Sa kabilang side naman ay may hiwa-hiwang pakwan, mangga at piling ng saging.

“Halika na kain na tayo! Upo na!”

“Wait! Sympre picture-picture muna tayo! Pang-Instagram!”

“Oo nga! Para din sa blog ko!” Segunda pa ni Trixie.

“Akin na po, ako na ang kukuha.” Inabot ni Philip ang camera kay Trixie. Nakailang shot din. Si Melanie naman ang nag take ng shots sa mga pagkain. Pati si Kuya Simeon na nag-iihaw ay kinuhanan niya ng pictures.

“Kainan na!”

“Oo nga. Tama na yang kaka-picture ninyo diyan. Upakan na natin ito.” Umupo na si Diether sa tabi ni Trixie. Si Brandon naman sa tabi ni Joan. Si Mel sa tabi ni Theodore. Wala na akong nagawa noong umupo sa tabi ko si Ryan. We were so close. Hayan na naman ang kabog ng dibdib ko. Nagkakadikit din kasi ang mga braso namin. Para akong nakukuryent.

“Pagbalat kita ng hipon? Naalala ko na tamad kang magbalat ng hipon.” Nakangiti si Ryan habang sinisimulan niyang magbalat ng hipon.

“At ikaw naman hindi kumakain ng alimango mula nang nasipit ka sa hinalalaki!” Natatawa ako sa pangyayaring iyon.

“Eh paano ba naman… wala naman akong ginagawang masama sipitin ba naman ako!”

“Eh kasi naman tinanggalan mo agad ng tali sympre makakawala! Hayan tuloy nasipit ka!”

Ang lakas ng tawa ni Ryan nun. Ako din naman ay hindi mapahinto katatawa.

“Hello. Parang kayo lang ang tao dito. Nandito kami! Share naman ng sweet memories.”

Pakiramdam ko pinamulahan ako ng mukha. Si Mel naman kasi halatang nanunukso.

“Thanks Joan! Ang sarap ng pagkain.” Sabi ni Diether dito matapos kaming maghapunan.

“Well the night is still young. Lipat tayo dun sa may bonfire. May kaunti tayong show.” Nakangiti ito sa lahat. “We are trying to develop this to a tourist destination. So lahat ay inihanda ko for the next couple of days. May mga activities tayo and maybe you guys can help me out evaluate if this can be useful when we open the resort for public.”

Wow! That is big Joan! One thing for sure, the food is really great!” Komento naman ni Trixie.

Dalawang babae ang pumagitna at nagsayaw ng fire dance. Ang ganda ng ilaw na nagmumula sa apoy habang nagsasayaw sila.

Nagpalakpakan kami nang pati si Joan ay sumali sa mga dancers. Pati siya ay nakisayaw.

“Go Joan! Go!” Sigaw ng karamihan.

Ang charming ng bawat galaw ni Joan. Nakakatuwa siyang pagmasdan sa gitna ng dalawang nagsasayaw. Very skillful. Siguro pati siya ay nag-aral din ng sayaw na ito. Hindi din naman simple ang skill an kailangan to hold those flames. Kailangan maingat din dahil sa isang pagkakamali ay baka masunod ang buhok o balat ng nagsasayaw.

Nagpalakpakan ang lahat nang matapos silang magsayaw.

“Wow! Joan! Ang galing-galing mo naman. Turuan mo naman kami minsan.” Kinikilig si Mel habang nagsasalita.

“Bata pa lang kasi kami mahilig na siyang sumayaw. Kaso ang sayaw walang hilig sa kanya!” Natawa na din ako sa nasabi ni Theodore. Binato naman siya ng maliit na bato ni Melanie.

“Ah ganoon ah! Inaasar mo ko! Mamaya ka sa akin!” Umismid pa ito sa lalaki.

“Hindi na. Sorry na.”

Nagkatawanan ang lahat. Nakakatuwa ang dalawang ito. Sa tinagal-tagal mukhang sila pa ang magkakatuluyan. Mula nang magkita-kita kami sa reunion, naging makulit na si Theodore kay Mel. Halos araw-araw sinusundo siya nito. Pag weekend naman, sa mall madalas tumambay si Theodore. Mukhang na-in love na din talaga sa kaibigan ko.

“Di ba Ryan marunong kang mag-yukelele?” Baling ni Joan kay Ryan.

“Oo marunong naman.”

“Tugtugan mo naman kami.”

“Sample! Sample!” Sigawan ng lahat.

“Sige tutugtog ako. Pero si Sandra ang kakanta.” Sabay tingin niya sa akin.

“Hala! Bakit ako!?”

“Partners in crime tayo di ba?! Sige na ikaw na kumanta ako ang tutugtog.”

“Sige na Sandra. Si Ryan naman ang tutugtog.”

“Sample! Sample!”

“Sige na nga.” Napilit din nila ako.

Naghintay kami sa kung ano ang tutugtugin ni Ryan. Marami din naman akong alam na kanta kaya tiyak masasabayan ko siya.

Intro ng Somewhere over the rainbows…

“Ooooo oooooo oooooo… Ooooo oooooo oooooo… Ooooo oooooo oooooo… Ooooo oooooo oooooo… Ooooo oooooo oooooo.” Si Ryan ang nag-intro.
“Somewhere over the rainbow. Way up high. And the dreams that you dreamed of Once in a lullaby.”

“Somewhere over the rainbow. Blue birds fly. And the dreams that you dreamed of Dreams really do come true. Someday I’ll wish upon a star.” Part ko naman.

“Wake up where the clouds are far behind me. Where trouble melts like lemon drops. High above the chimney top that’s where you’ll find me.” Siya ulit. “Oh somewhere over the rainbow bluebirds fly. And the dreams that you dare to, oh why, oh why can’t I?

“Someday I’ll wish upon a star. Wake up where the clouds are far behind me. Where trouble melts like lemon drops. High above the chimney top that’s where you’ll find me. Somewhere over the rainbow way up high. And the dreams that you dare to, why, oh why can’t I?” Sinabayan ko na siya sa part na ito.

“Ooooo oooooo oooooo… Ooooo oooooo oooooo… Ooooo oooooo oooooo… Ooooo oooooo oooooo… Ooooo oooooo oooooo… Ooooo oooooo oooooo.” Magkakasabay na naming kinanta ang part na ito ng kanya.

Sabay-sabay pa kaming pumalakpak pagkatapos ng kanta.

“Wala pa din kayong kupas na dalawa sa pagkanta!” Nakangiting sabi ni Trixie. “Naalala ko tuloy yung musical play ninyong Beauty and the Beast! Sobrang na-inlove ako sa inyong dalawa nun!”

Pinamulahan na naman ako ng mukha ng mga sandaling iyon. Naalala pa pala ng lahat ang musical play na iyon. Iyong play na nahalikan ako ni Ryan.

Napatingin lang ako sa kanya, todo ngiti nito sa akin. I think he still remember the feeling when he kiss me.

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: