Quattro Club

Gamot sa COVID-19, Natuklasan Na Nga Ba Ng Italia?

 

Kamakailan lamang ay maraming nabuhayan ng pag-asa sa paglabas ng isang artikulo sa social media tungkol sa pagkakatuklas ng Italian Ministry of Health (Ministero della Salute) ng gamot para sa COVID-19. Ngunit ayon sa pananaliksik ng QClub sa mga ahensyang pangkalusugan sa Italia, aming napag-alaman na ang balitang ito ay hindi totoo o isa lamang fake news.

Ayon sa kumakalat na Facebook post na mayroon na ring video versions, natuklasan diumano ng Italian Ministry of Health na ang COVID-19 ay hindi dulot ng isang virus kundi ng bacteria, na mas pinapalala ng electronic radiation na dulot ng mga 5G cellular technology.

Aksidente daw itong nadiskubre ng mga doktor na Italiano nang hindi nila sundin ang protocol ng World Health Organization na kinakailangang sunugin agad ang bangkay ng namatay sa COVID-19 kahit pa hindi pa nao-autopsy. Sa isinagawa nilang autopsy ay natuklasan nila na blood clotting o thrombosis sa puso, utak at baga ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. Ito diumano ang pangunahing dahilan para hindi makadaloy nang mabuti ang oxygen sa buong katawan. Nagdudulot rin ang thrombosis ng pamamaga o inflammation kaya naman ang gamot diumano na makakatulong sa COVID-19 ay ang mga sumusunod:

  • Pampalabnaw ng dugo o anti-coagulant
  • Anti-inflammatories
  • Paracetamol
  • Aspirin 100 mg.
  • Ant-bacterials

Dahil diumano sa paggamit ng nasabing mga gamot ay maraming pasyente ang hindi na kinailangang gumamit ng ventilator at nagawa nang makauwi ng labing-apat na libong pasyente bawat araw.

Hindi malinaw kung saan nanggaling o sino ang nagpakalat ng balitang ito ngunit mariing itinanggi ng Italian Ministry of Health na hindi sa kanila nanggaling ang nasabing impormasyon.

Sa panahong ito ay napakadaling makakalap ng balita dahil sa internet at lalong mas madaling maniwala sa mga ‘fake news’ kaya maging maingat at huwag agad-agad magsi-share ng mga social media post lalo na’t wala itong matibay na batayan o hindi nanggaling sa mga mapagkakatiwalaang source.

Wala mang katotohanan na may gamot na para sa COVID-19, kaya pa rin natin itong labanan sa pamamagitan ng masusing pag-iingat. Narito ang ilang tips at impormasyon mula kay Doc Willie Ong tungkol sa pag-iingat, gamot at posibleng home remedies na makakatulong para sa COVID-19.

Unang Gamot Laban sa Covid Aprubado ng US FDA Remdesivir: Mapapabilis ang Paggaling ng Pasyente ayon sa ACTT Trial By Doc Willie Ong

Covid Survival Tips: Alamin ang Totoo Payo ni Doc Edsel Maurice Salvana (UP-PGH Infectious Disease Expert) at Doc Willie Ong

COVID Home Remedy: Ito ang Gagawin kung may SINTOMAS – by Doc Willie Ong

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: