Quattro Club

NETWORK MARKETING, patok na negosyo ngayong may pandemya?

Narinig mo na ba ang “network marketing o MLM?” Kung oo ang sagot mo, alam mo ba talaga ang ibig sabihin nito?

Sa Pilipinas, marami ang nagsasabing ang network marketing o MLM (multi-level marketing) ay isang “scam” dahil ang alam ng iba ay maraming hindi kumikita rito o ‘di kaya ay naloko ng isang distributor na nagbigay ng maraming pangako na hindi natupad.

Ngunit kung pag-aaralan ito nang mabuti at maglalaan ng panahon para mag-research kung ano ang networking, malalaman nating isa pala ito sa mabilis na lumalagong industriya sa ibat-ibang panig ng mundo tulad ng sa America, China, Canada, UK at iba pa. Ayon sa Ventaforce.com,  umaabot sa 167 billion US dollars ang kabuuang kita nito noong 2019, at inaasahang tataas pa ito sa 200 billion US dollars sa mga susunod na taon.

Upang maunawan kung ano ang network marketing sa simpleng paliwanag, ito ay isang sistema kung saan ang produkto ng isang suplayer ay direktang ibebenta sa mga mamimili sa pamamagitan ng isang ahente o mas kilala sa tawag na “distributor”.

Isang halimbawa nito ay ang AVON; marahil karamihan sa atin ay kilala na ang kompanyang ito na nag-aalok ng mga beauty product at apparels; kung mapapansin, hindi ito makikita sa mga department store o sa mga TV commercials.

Bakit sila naging kilala? Iyon ay sa pamamagitan ng mga distributor nito, at ito ang sistema ng network marketing.

Ang isang kagandahan sa mga MLM company na mayroon ngayon sa Pilipinas tulad ng UNO, Frontrow, AIMGLOBAL at marami pang iba ay nag-aalok ang mga ito ng malaking kita.

Bagamat malaki ang alok na kita ng mga MLM na kompanya ay marami pa ring mga Pilipino ang hindi sumusubok na mamuhunan rito, dahil nga sa takot na “baka scam o hindi kumita” sa ganitong uri ng negosyo.

Bakit nga ba ang laki ng kitang alok ng mga kompanyang  MLM? Para maintindihan nating mabuti, sa simpleng paliwanag, ang ibang kompanya ay hindi nagbabayad ng TV commercial kung saan milyon-milyon ang bayad rito, ganoon din ang mga MLM companies. Kung walang TV commercial, wala ring artista na babayaran para mag-advertise ng kanilang produkto, kung saan malaki rin ang bayad na talent fee ng mga ito. Sa  halip na ibayad ito sa maraming advertisment organization ay mas binigyan nila ng pansin na bayaran ang kanilang mga distributor o loyal na consumers.

Ano naman ang mga produkto ng isang MLM company? Karaniwan, ang mga produkto ng isang MLM company ay gawa sa natural na mga sangkap para sa produkto ng mga VITAMINES, FOOD SUPPLEMENTS, SKIN CARE at organic BEVERAGE.

Ang industriya ng mga organic products ay isa rin sa mga mabilis na lumalago na negosyo ngayon, ayon sa statista.com na nagtala ng 31 billion US dollar sa kabuuang kita noong taon ng 2018 hangang 2019, at inaasahang tataas pa ito sa mga susunod na taon na ibig sabihin ay may paglago ang uri ng ganitong negosyo.

Ito rin ang isa sa mga rason kung bakit patok ang negosyong MLM ngayong may pandemya, dahil sa mga inaalok nitong natural na produkto at nakakatulong sa pag-papalakas ng resistensya.

Ikalawang rason kung bakit magandang negosyo ngayon ang MLM ay dahil nag-aadjust ito sa nangyayaring krisis sa mundo, na pwede mo itong gawin kahit nasa bahay lang.

Tulad na lang halimbawa ng ginagawa ng isang malaking MLM company na ito na naglunsad ng sariling E-commers system kung saan lahat ng kanilang transaksyon ay gagawin ng online para maiwasan ang paglabas ng bahay at makaiwas sa covid-19.

May mga ilang MLM companies naman ang nagbibigay ng Online Training para sa mga distributors at mapanatili pa rin ang pagkita sa ganitong uri ng negosyo.

Ngunit bakit nga ba may mga naii-scam at hindi kumikita sa ganitong uri ng negosyo?

Tulad ng nasabi sa pangalawang talata ng artikulo, ito ay dahil sa kagagawan ng isang distributor na hindi alam ng isang MLM company, minsan may mga ahente na hindi totoo at gusto lamang kumita ang kanyang negosyo at hindi naiisip ang kapakanan ng iba.

Kung kaya bago magtiwala sa isang taong nag-aalok ng ganitong uri ng negosyo, ay kilalanin muna sila sa pamamagitan ng pag-search ng kanyang social media account dahil uso naman na ang internet ngayon.

Pangalawang dahilan ay ang kompanyang nag-aalok ng network marketing at ang mga produktong inaalok nito ay hindi sertipikado.

Tulad ng nasabi sa huling talata ng artikulo na ito ay mag-research muna o ‘di kaya ay hanapin ang kanilang mga registered certificate para makasiguro bago pumasok sa ganitong negosyo.

Ikatlong rason kung bakit may ilang distributor na hindi lumalago ang kanilang negosyo kahit na maganda ang MLM company na napasukan at maganda ang mga produkto nito ay dahil na rin sa kanyang sariling sikap.

Sa madaling salita, kung ikaw ay magtatayo ng isang negosyo at nais tumubo ang iyong inilabas na puhunan ay dapat ang iyong pagsisikap ay nasa isang daang porsyento.

May ibabahagi akong ilang youtube videos kung saan ang ilan sa mga distributor ng network marketing company ay umasenso at na ipalabas rin ang kanilang storya ng buhay sa ilang tv program:

Tulad ni Mr. Billy Sagursor isang batang riles na nagtagumpay sa ganitong uri ng negosyo, naipalabas ang kanyang success story sa tv program na RATEDK ng ABS-CBN. Success story of Mr. Billy Sagursor

At isa pang success story Ms. Tere Elba isang top earner ng network marketing, isang undergrad student, umasenso at na ipalabas ang kanyang kwento sa PINOY ASENSO ng PTV:Success story of Ms. Tere Elba

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: