Quattro Club

Mga Ambag na Micro Poetry ni Ronald Tumbaga

Dalawang  Dalit

Umiingit ang liwanag
sa kisame ng isipan,
di nagbabangon ang sinag
bangkay yata sa libingan.

Araw-araw may anino
bagong bihis, bagong anyo;
isang dahong wala nito
liwanag na may ayuno.

 

Dalawang Tanaga

palutang na ang lawin
butiki nag-iisip
nangalay ang palaka
natutulog pa isda.

Inhenyero ang langgam

gagamba mananahi;

nakapreso ang daga

pusa naman ang pulis.

 

Dalawang Kopla

Sa pagsibol ng ulan
lunti ang tumatanda.

paruparo mong dakpin
ang tulog na taimtim.

Dalawang Diona

Kumukupas ang kahel
sa ulap upang langit
sa abo rin magbalik.

Pusang nagpapaaraw
sa tangkeng naghihintay
ay! napaso ‘pag apaw.

 

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: