Quattro Club

Puwede Bang Umasa?

Isang market vendor si Francheska Punzalan na sanay sa tawag na Cheka. Iba’t-ibang klaseng lamang-dagat ang itinitinda niya sa palengke katulong ang kapatid na si Empoy. Bukod dito ay suma-sideline din siya sa paggawa ng relyenong bangus na siyang nagtataguyod sa buhay nilang mag-aama.
 
Isang simple ngunit masayang buhay ang mundo niya, malayo sa mundo ng isang Steven Salcedo na walang ibang prayoridad kundi ang mapaunlad ang architectural firm at construction business nito. Para dito, palamuti lang sa buhay ang isang babae at kung sakaling mag-aasawa ito ay upang may makatuwang lang sa pamamahala ng mga negosyo nito. Hindi rin nito kailanman itinanggi na mataas ang standards nito sa pagpili ng tamang babaeng pakakasalan: matalino, disente at kabilang rin sa mundong ginagalawan nito.
 
Kaya ang umibig sa isang Steven Salcedo ay isang pangarap lamang para sa isang prinsesa ng banyerang tulad ni Cheka. Isang ilusyong kailangan niyang kalimutan sa lalong madaling panahon. Pero paano niyang basta isusuko na lang ang nararamdaman kung kay Steven na mismo nanggaling na may mahika ang halik niya rito? Hindi kaya sensyales iyon na pwede pala siyang umasa? Na baka sakaling isang araw, magbago ang isip ni Steven at magustuhan na rin siya nito—nang totoo. Puwede nga kaya?
 
 
http://www.dreame.com/novel/KDbjG%2FaIjz8lDIpVjeISVQ%3D%3D.html

Please feel free to comment

error: Content is protected
%d bloggers like this: