Subscribe
Anong Tubig ang Dapat Inumin? • Quattro Club Journals
Quattro Club Journals

Anong Tubig ang Dapat Inumin?

Importante ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig sa araw-araw upang maiwasan ang dehydration. Kapag kulang sa tubig ang isang tao, maaari itong magdulot ng constipation, sakit ng ulo, pagkaaburido, panghihina, at  sakit sa bato. Ngunit sa dami ng uri ng tubig na maaaring inumin, alin nga ba sa mga ito ang nararapat sa iyo?

  1.   Alkaline Water

Ang alkaline water ay uri ng tubig na may pH level na mas mataas kaysa sa tipikal na tubig galing sa gripo. Ang pH level ng Alkaline ay nasa 8 hanggang 9.5. , ang pinaka ideal na pH level para inumin ng isang tao.

Dahil ang Alkaline Water ay mas malabnaw kaysa sa tipikal na tubig, nakakatulong ito para sa mabuting sirkulasyon ng dugo at oxygen sa katawan. Maganda itong inumin ng mga may problema sa mataas na blood pressure, sa may mga mataas na cholesterol, at sa mga diabetic.

Nagtataglay din ang Alkaline Water ng mga antioxidant, na nakakatulong para protektahan ang katawan mula sa mga impeksyon at iba’t-ibang klaseng sakit. Isa ang alkaline water sa mga rekomendadong tubig na dapat inumin para sa pagpapabuti ng kalusugan.

  1. Hydrogen Water

Ang hydrogen water ay uri ng tubig na may kasamang karagdagang hydrogen molecules. Nagdudulot ito ng higit na benepisyo sa katawan kompara sa normal na tubig, gaya ng mga sumusunod:

  • Nakakabawas ng inflammation o pamamaga
  • Nakapagpapalakas ng resistensya
  • Nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain
  • Nakatutulong sa pagpapagaling ng mga sugat

Upang makainom ng hydrogen water sa bahay, kailangan ng de-kalidad na water ionizer. Magagawa ito mula sa tubig galing sa gripo, habang sinasala ang mga kemikal at bacteria na maaring maka-contaminate sa tubig.

  1. Spring Water

Ang spring water, o karaniwang tinatawag na tubig mula sa bukal, ay natural na klase ng tubig na hindi dumaan sa anumang artipisyal na proseso. Ito ay karaniwang alkaline at nagtataglay ng mga mineral kagaya ng calcium, sodium, potassium, at magnesium. Mas masustansya ang spring water kaysa sa distilled water at tubig na galing sa gripo.

Ngunit kailangan ring mag-ingat, dahil may mga tubig galing sa bukal na nagtataglay ng arsenic, na ayon sa mga experto ay carcinogenic.

Ang Arsenic ay isang natural na sangkap na maaaring matagpuan sa hangin, tubig, at lupa. Maaaring ito ay galing sa mga prosesong agrikultural at pang-industriya na humalo sa hangin, tulad ng pagmimina at metal smelting. Nagmumula ito sa dalawang anyo (organic at inorganic). Higit na nakalalason ang inorganic kaysa sa organic form.

  1. Artesian Water

Ang artesian water ay galing sa mga malalim na aquifer, o mga layer ng bato, buhangin at graba na nagtataglay ng tubig. Ang tubig na galing sa aquifer ay nagtataglay ng mineral at mga nutrient na nakakatulong sa katawan, gaya ng flouride, calcium, at sodium bicarbonate. Ayon sa mga eksperto, walang katiyakan na ang lahat ng uri ng artesian water ay mas matining kaysa sa normal na tubig galing sa lupa.

  1. Mineral Water

Ang mineral water naman ay tubig na galing sa mga protektadong underground water source. Ito naman ay ang uri ng tubig na naglalaman ng natunaw na mineral o gas. Ang mineral na tubig mula sa natural spring o bukal ay karaniwang may mataas na antas ng magnesium sulfate, calcium carbonate, sodium sulfate, at potassium. Maaari din itong magbigay ng mga gas tulad ng hydrogen sulfide o carbon dioxide.

Ang mga binebentang mineral water sa merkado ay pamoso dahil sa dami ng sangkap na mineral, gaya ng sulfate, calcium, magnesium, at bicarbonate. Nakakatulong ang ganitong klase ng mineral water para ibalanse ang electrolytes sa ating katawan. Nababagay ito para sa mga taong athletic at nagsasagawa ng mabibigat na pisikal na gawain.

  1. Sparkling Mineral Water

Ang sparkling mineral water ay uri ng mineral water na may taglay na “fizz” o natural na bula dahil sa mga gases. Madalas na isine-serve ang sparkling water sa mga mamahaling hotel, restaurant, o bar dahil sa kakaiba nitong katangian at sa mga taglay na mineral, gaya ng calcium, magnesium, at potassium. Puro at malinis din ang lasa ng sparkling mineral water, at mainam na pamalit sa matatamis na softdrinks. Ayon sa mga pagsusuri, ang sparkling mineral water ay nakakatulong sa pagtunaw ng mga kinain at lunas sa constipation.

  1. Well Water

Ang well water, o tubig galing sa balon, ay madalas na ginagamit sa mga lugar na umaasa sa deep well. Ito ay walang treatment at di ginagamitan ng chlorine. Mas matipid na source ng tubig ang deep well at nagagamit na pang-inom, panligo, at panluto. Ngunit kailangang mag-ingat dahil may posibilidad na ang pinagkukunan na tubig ng balon ay kontaminado. Kailangang dumaan sa pagsusuri ang isang deep well para malaman kung malinis ang tubig na nakukuha. Mas mainam kung mayroon ding sariling filtration system na ginagamit sa inyong mga tahanan.

  1. Electrolyte Water

Ang electrolyte water ay uri ng tubig na mas concentrated ang electrolytes kompara sa normal na tubig. Ito ay nagtataglay din ng sari-saring mineral, kagaya ng sodium, chloride, potassium, at magnesium. Mainam ang electrolyte water para sa mga atleta at mga mahilig mag-ehersisyo, dahil mabilis nitong naibabalik ang mga nawalang tubig sa katawan dala ng pagpapawis. Karamihan ng mga electrolyte water na binibenta sa merkado ay may sangkap na salt, sugar, at artificial flavorings.

Alinman sa mga uri ng tubig na nabanggit ang piliin mong inumin, mahalagang tandaan na may pros at cons ang bawat isa. Malinaw na ang pagsala ng mga mapanganib na kemikal at mikroorganismo mula sa iyong inuming tubig ay kinakailangan.

New water purifier, household water purifier, kitchen activated carbon filter, portable water filter (3.5L)
3 in 1 Alkaline Water Purifier Set
Water Purifier Complete Set w/ FREE Sediment Filter

Please feel free to comment

error: Content is protected

Thank you for opening your door to Quattro Club Journals!

There was an error while trying to send your request. Please try again.

Quattro Club Journals will use the information you provide on this form to be in touch with you and to provide updates and marketing.

If you want to receive more informative blog articles, product updates, and free vouchers, allow us to keep in touch with you.

%d bloggers like this: