Subscribe
Suggested Cooking at Home Tipid Tips • Quattro Club Journals
Quattro Club Journals

Suggested Cooking at Home Tipid Tips

Grocery shopping, planning for a healthy menu, and cooking meals at home on a budget. These are just three of the many things we need to prioritize now as we deal with COVID-19.

To start, plan your menu for the family. Hindi nakagawian ng pamilyang Pilipino ang paghahanda at pagkakaroon ng menu pero kung gusto nating makatipid at makaiwas sa pag-aaksaya ng pagkain, maganda ang magplano ng menu sa isang buong linggo. Also, menu planning is also an effective way to lessen grocery trips which is important during this pandemic.

How to plan your menu

  • Check your kitchen cupboard. Ilista ang mga supplies na ubos na at mga bagay na kakailanganin sa mga susunod na araw.
  • Isipin kung anu-ano ang mga lulutuin sa loob ng isang linggo. Kasama na rito ang almusal, tanghalian, hapunan at isama na rin ang merienda. Anu-ano ba ang mga tipikal na kinakain n’yo sa almusal? P’wedeng itlog, cereal, tinapay, hotdogs. Sa tanghalian naman at hapunan, itanong ang buong pamilya kung ano ang gusto nilang kainin. Don’t forget snacks for kids and make sure to include healthy food items such as fruits.
  • No need for panic buying. Kung gusto mong bumili ng extra grocery items, siguraduhin na magagamit talaga ang mga ito. Choose the ones with longer shelf life.

Make budget-friendly dishes

  • Kung ano ang available sa kusina at kung ano ang laman ng refrigerator, start from there. Huwag bibili ng mga bagay na hindi naman kailangan at hindi gagamitin sa naihandang menu. Make sure to stick to your planned meals. This is why it is important to write down the grocery items that you need.
  • Para makatipid, iluto ang kung ano ang mga pagkaing napapanahon. Also, opt for sale items when shopping for canned of frozen goods. Pagdating naman sa mga prutas at gulay, piliin ang mga hindi agad nabubulok tulad ng kalabasa, patatas, mansanas, onions, carrots at iba pa.
  • Isa pang tip para makatipid ay ang pag-incorporate ng plant-based proteins sa ating mga lutuin tulad ng beans, peanut butter, tofu at lentils. Hindi lang sila masustansiya, mas mura pa at matagal ang shelf-life.
  • Kung mahilig ang pamilya sa cookies, cakes at iba pang baked goods, magandang ideya ang mag-aral mag-bake. Mas makakamura ka kung ikaw mismo ang gagawa ng mga paborito ng mga bata sa halip na bumili pa sa mga mamahaling bakeshops.

Don’t be afraid to try new recipes once in a while. Tandaan na hindi naman kailangan na parating magarbo o komplikado ang ihahain at minsan, mas masustansiya pa ang simpleng pagkain.

 

 

Please feel free to comment

error: Content is protected

Thank you for opening your door to Quattro Club Journals!

There was an error while trying to send your request. Please try again.

Quattro Club Journals will use the information you provide on this form to be in touch with you and to provide updates and marketing.

If you want to receive more informative blog articles, product updates, and free vouchers, allow us to keep in touch with you.

%d bloggers like this: