Subscribe
Massage in a Bottle • Quattro Club Journals
Quattro Club Journals

Massage in a Bottle

Nasubukan mo na bang magpamasahe sa mga spa massage center? Nakaka-relax ang mga oils na ginagamit nila, hindi ba? Iyan ang tinatawag na essential oil.

Ang essential oil ay ang katas ng halaman o herbs na dumaan sa masusing prosesong tinatawag na extraction. Ayon sa pag aaral, ang mga nasabing essential oil ay nakakatulong sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan, maaliwalas na kapaligiran, pagkakaroon ng magandang kutis at kalmadong pakiramdam.

Ayon sa mga pag-aaral, may mga essential oil gaya ng Wintergreen, Oregano, at Thyme na nakakatulong maibsan ang sakit na nararamdam katulad ng sakit ng kalamnan, sakit ng ulo dulot ng pagkapagod o sobrang pagtatrabaho sa pamamagitan ng simpleng pagpapahid ng essential oil sa katawan.

May mga essential oil naman, katulad ng Bergamot, Frankincense at Eucalytus na nakakatulong sa pagpapanatili ng kagandahan ng kutis at buhok. Noon pa mang sinaunang panahon, ang paggamit at pagpapahid ng mga oil sa buhok ay itinuturing nang “beauty regimen” ng mga kababaihan.

Sa kabila ng makabagong teknolohiya, may mga tao pa ring mas pinipili ang pagkakaroon ng healthy lifestyle. May mga gumagamit ngayon ng essential oils gaya ng Helichrysum, Thieves at Lemongrass upang mapanatili ang kaaya-ayang kapaligiran, sa halip na gumamit ng mga commercialized air freshener sa kanilang mga silid. Sa kaunting patak ng essential oils, mae-enjoy na nila ang relaxing aroma nang hindi nakakadagdag ng polusyon sa Inang Kalikasan.

May mga essential oil din kagaya ng Marjoram, na ginagamit sa mga meditation. Naniniwala ang iba na sa pagpapahid nito sa katawan ay mas nagiging epektibo ang pakikipag-ugnayan nila sa Diyos at napapabuti ang estado ng kanilang ispirituwal na buhay.

Ang essential oils ay galing sa mga halamang gamot kaya nakasisiguro tayong mabisa at epektibo itong gamitin. Bukod sa walang kemikal na maaaring makaapekto sa ating katawan, ang mga concentrated aromas na ito ay nasa maliliit na botilya lamang kaya maaari mong bitbitin o isilid lang sa bulsa at dalhin ito saan mo man gustong magpunta.

Please feel free to comment

error: Content is protected

Thank you for opening your door to Quattro Club Journals!

There was an error while trying to send your request. Please try again.

Quattro Club Journals will use the information you provide on this form to be in touch with you and to provide updates and marketing.

If you want to receive more informative blog articles, product updates, and free vouchers, allow us to keep in touch with you.

%d bloggers like this: