Kung ikaw ay isang Overseas Filipino Worker (OFW), importante ang magkaroon ka ng tinatawag na OEC o Overseas Employment Certificate. Pero ano nga ba ang OEC at gaano ito kahalaga?
Ang OEC ay isa sa mga itinuturing na katunayan na ikaw ay isang dokumentadong OFW at may legal na karapatan para magtrabaho abroad. Marami sa mga gustong mangibang-bansa ang hindi pa alam kung ano ang OEC, at pa pamilyar kung saan ito ginagamit at kung gaano ito kahalaga.
Paano Kumuha ng OEC
Mas madali na sa panahon ngayon ang pagkuha ng OEC, dahil maaari nang mag-secure ng OEC nito mula sa POEA Online Processing System for Balik Manggagawa (POPS-BaM) na makikita mismo sa online portal ng Department of Migrant Workers. Basahin ang step-by-step instructions sa ibaba kung paano kumuha ng OEC:
Bago ang lahat, siguraduhin muna na kumpleto ang iyong requirements. Kakailanganin mo ang original copy ng mga sumusunod:
- Passport, na valid at least six months from date of departure
- Verified Proof of Employment or Offer of Employment
- Isa sa mga sumusunod: valid work permit, work visa, or proof of residence
Kung nakahanda na ang mga dokumentong ito, maaari nang gawin ang sumusunod na hakbang:
- Gamit ang computer, tablet, o cellphone na may web browser at internet access, pumunta sa POPS-BaM
- Basahin ang terms at i-click and I Accept the Terms of Use kung sang-ayon sa mga nakasaad.
- Sagutan ang registration form at i-click ang Register button.
- Magpapadala ng panandaliang password at e-Registration number sa email address na ginamit mo sa pagregister.
- Bumalik sa step 1, ngunit imbis na i-click ang Register, mag-login na gamit ang panandaliang password na pinadala sa iyong email.
- Hihingan kayo ng panibagong password, kapalit ng panandaliang password. Siguraduhing ang bagong password ay madali mong matatandaan.
- I-click ang MyProfile kung saan ikaw ay magdadagdag ng bagong impormasyon.
- Sa My Profile, i-click ang “Add New Identification” para maiupload ang detalye ng iyong passport. Sa Add Beneficiary naman ay maari mong iinput ang mga detalye ng iyong beneficiary.
- I-click ulit ang “Dashboard” para makabalik sa dashboard, kung saan i-kiclick mo naman ang “Balik-Manggagawa” module.
- Ilagay ang mga detalye ng iyong flight date at i-click ang Next button.
- Icheck ang mga detalye at siguraduhing tama ang mga nakainput sa iyong e-registration.
- Kung ikaw ay babalik sa dating employer at position, iclick ang Yes. Siguraduhing tugma ang details ng iyong bagong kontrata sa lumang kontrata, lalo na ang employer, jobsite at posisyon, upang hindi maantala ang iyong flight.
- Kung walang red na lalabas sa watchlist, ikaw ay exempted na sa pagkuha ng appointment at maaari mo nang iprint ang iyong OEC sa pamamagitan ng pag-click ng “Print OEC”.
- Kung may conflict or problema, kailangan mong mag-set ng appointment para ma-clear ang watchlist. Maaaring mag-set mismo ng appointment mula sa website. Piliin ang pinakamalapit na location at pumili ng available date na siguradong mapupuntahan mo. I-print ang iyong appointment details, dahil kailangan mong iprisinta ang appointment reference number sa BMG evaluator.
- Kung ikaw ay hindi babalik sa dating employer o jobsite, iclick ang No sa Step 12.
- Sagutan ang form at piliin ang rason ng iyong appointment mula sa dropdown.
- Sagutan ang form ng mga details ng iyong employer.
- Ilagay din ang name ng iyong agency, or maglagay lamang ng N/A (not applicable) kung wala kang agency.
- Sagutan ang mga detalye tungkol sa iyong posisyon at jobsite, pagkatapos ay i-click ang “Submit” button.
- Ilagay ang petsa ng iyong flight at pumili ng date of appointment sa mga petsang nakasaad sa site.
- I-screentshot o i-print ang appointment at ipakita ito sa araw na kukuha ka na ng appointment sa consulato.
Mga Benefits ng OEC
Ang isang indibidwal ay maraming pakinabang na makukuha bukod sa kahalagahan ng OEC bilang legal na patunay ng kaniyang estado as OFW. Isa dito ay ang travel tax exemption. Nakasaad sa Sec. 2 ng PD 1183 na ang mga overseas Filipino workers ay exempted sa pagbabayad ng travel tax. Kailangan ang OEC para mapatunayan na ang isang indibidwal ay OFW at hindi na required magbayad ng travel tax o terminal fee.
Kailangang ikonsidera ng isang OFW ang expiration date ng OEC, dahil ang OEC ay mayroon lamang validity na tumatagal ng 60 days mula sa date of issuance. Maraming mga OFW ang kumukuha na ng OEC sa consulate ng sobrang aga at hindi namamalayang expired na ang dokumento bago sila umalis. Magkakaproblema sa ganitong sitwasyon dahil ang OEC ay itinuturing na Exit certificate o exit pass. Ibig sabihin, kailangan ito bago makalabas ng bansa at maaaring hindi makaalis ng bansa ang sino mang OFW na wala nito.
Isa pa sa mga benefits ng OEC ay nagagamit itong valid proof, kung ang isang OFW ay nagbubukas ng account sa isang bangko na nagbibigay ng additional benefits sa mga overseas workers. Gayundin sa mga loan na may special rates para sa mga OFWs or mga programa ng gobyerno para sa mga overseas Filipino workers.