Red Cross, PCR Test, at e-CIF System

Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, isa ang Philippine Red Cross sa pangunahing katuwang ng ating gobyerno para malabanan ang pagtaas ng COVID cases sa ating bansa. Ang Red Cross ay isang independent at autonomous non-governmental organization. Itinatag ito bilang pagsunod ng gobyerno sa Geneva Red Cross Convention noong February 14, 1947. Pangunahing layunin ng Red Cross ang pagtulong sa kapwa sa mga pangangailangan na may kinalaman sa kalusugan, sa panahon ng giyera at kalamidad, emergency cases, at iba pang bagay na makakapagbigay-gaan sa sitwasyon ng bawat Filipino.

Isa sa mga tinutukan ng Red Cross ay ang pagsasagawa ng PCR test para sa COVID-19. Ang PCR (Polymerase Chain Reaction) test ay isinasagawa upang malaman kung ang isang tao ay infected ng specific organism gaya ng virus. Ikino-consider itong “gold standard” sa pag-alam kung infected ng SARS-CoV-2 ang isang tao dahil sa pagiging accurate at reliable. At maaari ding malaman kung ang isang tao ay nagkaroon ng COVID kahit wala na ang virus sa kanyang katawan.

Isinasagawa ang pagkuha ng PCR test sa clinic, ospital, o saan mang ligtas na lugar. Dalawa hanggang tatlong araw ang itinatagal bago malaman ang resulta, bagaman ang resulta ay maaari nang malaman sa loob lang ng 24 oras. Pero dahil sa high demand o sobrang dami ng nagpapa-test, umaabot nang isang linggo o higit pa bago malaman ang resulta.

May tatlong procedure ang PCR test para sa COVID-19; sample collection, extraction, at PCR. 

  1. Sample collection — sa pamamagitan ng swabbing, kukuha ng specimen mula sa ilong ng isang tao. Ang swabbing tool ay isang mahaba at flexible stick na may soft tip at ito ang ipapasok sa nostril. May iba’t ibang klase ng nose swabs, gaya ng nasal swabs na makakakuha agad ng sample collection sa ilong. Ang nasopharyngeal swabs ay ginagamit naman upang makakuha ng sample sa kaloob-looban pa ng nostrils. Pagkatapos, isi-seal sa isang tube ang swab para dalhin sa laboratory.
  2. Extraction —  isinasagawa ng isang laboratory technologist ang “extraction.” Ito ay isang proseso kung saan inihihiwalay ang RNA o genetic material mula sa nakuhang specimen.
  3. PCR — ang PCR test para sa COVID-19 ay gumagamit ng special chemicals at ang machine na tinatawag na “thermal cycler.” Sa prosesong ito, magkakaroon ng reaction para matiyak kung may presensiya ng SARS-CoV-2 sa genetic material. Ang isa mga kemikal na ginamit ay magpo-produce ng fluorescent light para matiyak kung mayroon itong virus. Ang fluorescent light na ito ay signal na made-detect ng PCR machine at gagamit ng special software upang magsabi kung positibo sa virus ang specimen.

Ang PCR test o swab test ay nagkakahalaga ng 4,500 hanggang 5,000 pesos sa mga private facilities, habang 3,800 naman sa mga public facilities. Pero libre itong maa-avail ng mga OF (Overseas Filipinos) at OFW (Overseas Filipino Workers) bilang tulong ng gobyerno/OWWA, lalo na sa mga nawalan ng trabaho at nagnanais na makabalik sa bansa.

Upang maayos na mai-implement ang pagsasagawa ng PCR test para sa mga Filipino na magbabalik-bansa, maging sa mga dayuhan na hindi kasama sa entry ban, inilunsad ang Red Cross e-CIF o Electronic Case Investigation Form. Isa itong mandatory form na kailangang maihanda at masagutan tatlong araw bago ang pagdating sa Pilipinas. Isang paraan din ito upang matiyak na ang sinumang galing sa ibang bansa na papasok sa Pilipinas ay sasailalim sa pagsusuri para sa COVID-19 bilang pagpapaigting sa pagkontrol ng paglaganap ng virus sa ating bansa. Ang isang taong papasok sa Pilipinas na hindi dadaan sa e-CIF System ay matatagalan at dadaan sa mahabang proseso ng immigration. Hindi papayagan ang sinuman na walang e-CIF.

Tandaan na ang Red Cross e-CIF ay eksklusibo para mga Filipino at dayuhan na exempted sa entry ban na babalik sa Pilipinas. Ang online booking ay available para lang sa mga lalapag sa NAIA. Ang mga lalapag sa Clark International Airport ay kinakailangan ang personal na pagbabayad pagdating sa airport.

Para sa kompletong instruction at information ng booking, i-click ang link na ito:   https://go.pnrc.ph/arrival-booking.

Para masagutan ang Red Cross e-CIF System, i-click ang link na ito:  https://e-cif.redcross.com.ph/.

Narito ang proseso ng pagpapa-register para sa e-CIF. Tiyakin na hawak ang passport habang sinasagutan ang e-CIF. Siguruhin ding tama ang spelling ng lahat ng detalye para maiwasan ang delay ng pagpapadala ng COVID-19 test result.

Step 1. Pumunta sa Web site ng Philippine Red Cross e-CIF System sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito: https://e-cif.redcross.org.ph/. Pagkatapos ay i-click ang “Register.”

Step 2. Basahin nang mabuti ang “Data Privacy” at “Important” bago simulan ang pagsagot. I-fill out ang lahat ng hinihinging impormasyon, lalo na ang mga may asterisk (*).

 

Step 3. Sagutan ang mga sumusunod:

  • personal information
  • contact information
  • current address
  • permanent address
  • emergency contact
  • employment information

Step 4. Sagutan ang travel history.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Step 5. Sagutan ang OFW information at exposure history.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Step 6. Sagutan ang clinical information.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Step 7. Sagutan ang identification, pagkatapos ay mag-upload ng photo. Kung walang available photo, maaaring mag-selfie. I-click ang “open camera.”

Step 8. Sagutan ang additional information. At i-click ang “Submit” para sa pagtatapos ng registration.

Maaaring para sa iba, tedious o boring ang pagsagot sa ganito kahabang form. Pero tandaan natin, mas mahirap na lalong lumaganap ang COVID-19 sa ating bansa, maging sa buong mundo dahil lang sa simpleng hindi pagsunod sa regulasyon ng gobyerno.

Para sa mga karagdagang tanong, maaaring tumawag sa 1158, sa 143, o mag-email sa [email protected].

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

error: Content is protected