AJI-GINISA® Shake O’Clock Challenge, Ligtas bang Gawin?

Umani ng batikos ang promotional video ni Camille Prats Yambao kung saan nagluto siya ng fried potato wedges na nilagyan niya ng AJI-GINISA® Shake O’Clock. Ang naturang video ay may 7100 likes at 1200 comments at papataas pang kasalukuyan.

Sa video ay makikitang isinalang niya sa air fryer ang mga ginayat na patatas at nang maluto ay saka niya ito nilagyan ng flavoured mix, katulong ang kanyang anak na babae.

Ayon sa mga netizen na mabilis na nagsipagkomento, hindi raw healthy ang paggamit ng naturang mix dahil hindi ito dumaan sa apoy.

Narito ang ilang komento sa video ni Camille Prats:

“Seryoso kba Ms.Camille papakain mo sa anak mo yan? Wag naman for talent fee lang,isipin mo din kong safe b tlga kainin yang hilaw na seasoning na yan.”

Maris Dulinas

putting ginisa (eww!) on your kids french fries is putting poison inside her body. This is so disgusting.😠

Mylene Marasigan

Oh🙄Ms. Camille. Please be mindful of the products you are endorsing.

Leng Taningco

Ewww. Goodluck on your kidney. That’s not healthy

Kristine Hidalgo

Tapos di na iluluto as in you are literally licking the powder. It’s very unhealthy especially for the kids.

Juliana Concepcion

Samantala, kumakalat sa mga platform ang Let’s Shake O’Clock with Aji Ginisa® challenge na nagpapakita ng paggamit ng flavoured mix bilang pampalasa sa mga fried vegetables tulad ng carrot at patatas. Ito ang pangunahing tampok ng mga video content na ang layunin ay ma-encourage ang mga bata na kumain ng gulay with a twist.

Hindi malinaw kung ang produktong ito ay bagong labas o ang kapareho ring produkto na dati nang ginagamit ng publiko bilang pampalasa sa gisadong ulam. Gayunman ay magkapareho o iisa ang packaging ng dalawang nabanggit.

Kung ibabase sa pangalan na AJI Ginisa, may puntong magtaka ang publiko dahil ang salitang ginisa ay isang paraan ng pagluluto kung saan gumagamit ng bawang at sibuyas.

Ang AJI-GINISA® Shake O’Clock o Ajinomoto Ginisa® Flavor Seasoning Mix ay produkto ng Ajinomoto Philippines Corporation (APC) Group. Walang bukod na impormasyon tungkol sa Aji-Ginisa Shake O’clock sa kanilang website.

Gayonman, mayroong recipe sa Cook Community by Ajinomoto na ang titulo ay Fun Camote Carrot Fries. Ang naturang recipe ay gumamit ng Aji-Ginisa seasoning mix bilang unang step ng pagluluto, ngunit matapos i-toss ang mix bilang seasoning, isinalang sa apoy ang vegetables strips hanggang tuluyang maging golden brown ang mga ito.

Narito ang naturang recipe:

Fun Camote Carrot Fries

Sa iyong opinyon, ligtas ba ang paggamit ng Aji Ginisa Flavor Seasoning mix, maging ang pakikilahok sa AJI-GINISA® Shake O’Clock Challenge?

Narito ang orihinal na video ni Ms. Prats:

Source: Camille Prats Yambao Facebok


Disclaimer: This video has been uploaded solely for viewing purposes. Quattro is not profiting in any form from its dissemination. The provided link directs viewers to the original video. We do not claim ownership of the content and are not responsible for its creation or distribution. Any inquiries or issues regarding the video should be directed to its original creator. Viewer discretion is advised.

Don’t miss our updates!

We don’t spam! Read our privacy policy for more info.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *