Green Card ETravel Arrival QR Code

 

Para sa mga papauwi o pabalik ng bansa, narito sa ibaba ang mga dapat gawin upang makakuha ng Arrival QR Code:

Magpunta sa Google Chrome at itype ang eTravel official website (Paalala ang eTravel website ay libre lamang at wala itong hinihinging anumang halagang kabayaran). Dapat mo itong magawa sa loob ng tatlong araw o 72 oras bago ang petsa ng iyong Arrival date na nakasaad sa iyong flight ticket.

  • Simulan ang iyong Registration. Kung ikaw ay Pilipino pindutin ang Philippine Passport Holder.
  • Travel Type – Piliin ang arrival type

Sagutan ang mga sumusunod na detalye:

  • Transportation Type – Piliin ang Air kung ikaw ay magtatrabaho sa land base at Sea kung ikaw ay magtatrabaho sa sea base.
  • Date of Arrival – Petsa ng iyong Arrival base sa iyong flight details na nasa iyong Ticket.
  • Email Address – Kailangang aktibong email address ang iyong ibibigay dito.
  • Uliting Ilagay ang tamang email address para sa confirmation.
  • Pindutin ang maliit na kahon para sa Data Privacy Agreement. Pindutin ang Yes, I agree.
  • Pindutin ang continue.

Lalabas ang ETravel Step 1 siguraduhing lahat ng impormasyong ilalagay dito ay kapareho ng detalyeng nakalagay sa iyong passport.

Step 1. Sagutan ang iyong Personal na impormasyon gaya ng mga sumususnod:

  • Kompletong pangalan  
  • Passport number
  • Kasarian
  • Araw ng kapanganakan
  • Citizenship
  • Bansa kung saan ka ipinanganak
  • Cellphone number

at  pindutin ang next.

Step 2. Sagutan ng tama ang mga sumusunod na impormasyon base sa iyong Permanent Country of Residences, kasama dito ang buong detalye ng iyong tirahan at pindutin ang next.

Step 3. Sagutan ang mga impormasyon base sa iyong Travel Details, ito ay base sa mga detalyeng makikita sa iyong Flight Ticket.

  • Arrival Date – Petsa kung kailan ka babalik ng Pilipinas
  • Country of Origin – Bansan kung saan ka magmumula.
  • Purpose of Travel -Kung ano ang layunin ng iyong pag balik ng bansa.
  • Flight Number: Makikita ito sa iyong fligh details.
  • Seat Number (Optional)
  • Pangalan ng Paliparan
  • Airport of Arrival – Kung saan lalapag ang eroplanong iyong sasakyan.
  • Traveller Type- Aircraft passenger or flight crew.

Step 4. Sagutan ang detalyeng kailangan sa  Destination upon arrival in the Philippines.

  1. Hotel/Resort – Kung may mga booking hotel kayong tutuluyan pag uwi sa bansa.
  2. Residence – Kung dederetcho kayo sa inyong tirahan pagdating ng bansa.
  3. Transit – Para sa mga may connecting flight local o international.

Paalala: Ang ETravel QR Code ay para lamang sa International Flight o lalabas ng bansang Pilipinas.

Step 5. Sagutan ang mga impormasyong hinihingi sa Health Declaration Form.

Alamin ang mga sumusunod na gabay para sa mga papasok o uuwidito sa Pilipinas mula sa ibang bansa IATF Guidelines.

Summary- Ireview ang mga inilagay na detalye at pindutin ang submit kung tama ang lahat ng iyong isinagot. Maari mong balikan ang ibang impormasyon kung may pagkakamali kang nagawa ay pindutin ang previous para bumalik sa naunang pahina o may makikita kang pen icon sa bandang gilid pindutin iyo upang ma-redirect ka sa sa pahinang gusto mong baguhin.

Maari mo ng pindutin ang submit button para makuha ang iyong Etravel Departure QR Code.

Step 7 – I-download ang iyong Etravel Departure QR Code

Lalabas ang ang isang pagbating congratulation kung lahat ng impormasyong inilagay mo ay naaayon sa mga panuntunang kailangan. Iscreenshot o idownload ang iyong Etravel Arrival QR Code. Maari mo itong makita sa iyong email address sa oras na maging successful ang iyong registration.

Mga kailangang dalhin kapag pauwi ng bansa at haharap sa immigration:

1 . Passport

2. Ticket

3. Vaccine Certificate

4. ETravel Arrival QR Code

Addidtional Document Required (if any):

  • Visit Visa
  • Change employer
  • Change Country
  • Change Employment o Change employer

Tandaan: Laging dalhin ang inyong latest printed employment contract at ugaliing mag-renew ng OWWA Membership para fully covered ka at fully protected ng ating gobyerno.

Basahin ang mga paalala sa pagsagot ng iyong ETravel QR Code registration para maiwasan ang pagkakamali.

Para sa pagre-renew ng OWWA gamit ang mobile app, basahin ang artikulo sa ilalim para sa step by step tutorial:

Paano Mag-renew ng OWWA Membership Gamit ang OWWA Mobile App?

Don’t miss our updates!

We don’t spam! Read our privacy policy for more info.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *