Walang CFO Digital Certificate hindi makakalabas ng Pilipinas?

CFO digital certificate ano ba ito? Bakit hindi makakalabas ng bansa ang isang Filipino kung wala ito?

Ang CFO o Commission on Filipinos Overseas ay isang ahensya ng gobyerno na pinamumunuan sa ilalim ng opisina ng Presidente ng Pilipinas. Ang kanilang pangunahing responsibilidad ay maglunsad ng mga seminar at orientation para sa mga Filipino na pupunta sa ibang bansa. Ito ay upang matiyak na handa at may sapat na kaalaman ang mga migrante bago sila lumisan ng bansa.

Ito ang mga uri ng seminar na kailangang daluhan ng isang migranteng Filipino:

GCP (Guidance and Counseling Program), Ang programang ito ay para sa may asawa, kasintahan na dayuhan,mga dating Pilipino o mga Pilipinong may dalawang nasyonalidad na may layuning manirahan sa ibang bansa.Ang layunin nito ay mabigyan ng sapat na impormasyon at payo tungkol sa mga maaring mangyari sa pagitan ng mag-asawa, karapatan at obligasyon habang naninirahan sa isang bansa, mga suporta na maasahan sa oras ng kagipitan ang mga migranteng Pilipino, at ang mga kultural at panlipunang kaibahan ng isang bansang pupuntahan ng isang migranteng Pilipino.

Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS), Para sa mga migrante na may edad na 20 hangang 59 taong gulang na ipinitisyon ng kanilang mga magulang, kapatid, o malapit na kamag-anak, kabilang ang mga independenteng aplikante.

Ang mga tatalakayin sa seminar na ito ay ang mga regulasyon sa paglalakbay, mga proseso sa imigrasyon , pagkakaiba ng kultura,mga paalala sa pag-areglo, trabaho at seguridad panlipunan, karapatan at obligasyon ng mga migranteng Pilipino.

Peer Counseling Program, para naman sa mga Pilipinong migrante na 13 hangang 19 ang edad.

J1/EVP PDOS, Ito naman ay para sa mga migranteng Pilipino patungo sa Amerika na may Exchange Visit Program.

AU Pair CFS, Programa para sa mga migranteng Pilipino patungo sa Europa na may kontrata.

Kailangan ang mga aplikante ay mag-rehistro online sa website ng CFO at kumuha ng iskedyul para makadalo ng personal sa kanilang seminar. Ito ang mga listahan ng opisina ng CFO:

Manila: The Upper Class Tower, 20th Floor Quezon Avenue cor. Scout Reyes Street Diliman, Quezon City.

Cebu: Ground Floor K&J Building JLlorente St Brgy Capitol Site Cebu City 6000.

Davao: 3rd Floor Pink Walters Bldg., Quimpo Blvd., Ecoland, Brgy. 76-A Bucana.

Bago dumalo sa seminar kailangan na ihanda ang mga dokumentong kailangan dalhin at ito ang mga sumusunod:

1. Kumpirmadong iskedyul ng seminar.

2. Orihinal at balido na pasaporte

3. Dalawang balido na ID

4. Orihinal at balido na visa

5. Kumpirmasyon ng Permanenteng tirahan (para lamang sa mga patungong Canada)

Mga dagdag na dokumento para sa GCP (Guidance and Counseling Program)

  • Isang kopya ng pasaporte,
  • isang kopya ng balido na ID ng nag-petisyon;
  • Kopya ng Philippine Statistics Authority (PSA) Marriage certificate (kung ikinasal sa Pilipinas);
  • Report ng kasal mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), kung ikinasal sa ibang bansa.
  • Sertipiko ng Diborsyo o annulment ng isang asawang Pilipino o asawang dayuhan (kung dating kasal),
  • Pruweba ng permanenteng tirahan o Alien Registration Card-ARC ng asawang dayuhan,
  • Pruweba ng relasyon tulad ng mga larawan o e-mails.
  • Sertipikasyon ng pagkamatay ng asawang Pilipino o asawang dayuhan,kung pumanaw na.
  • Sertipikasyon ng relasyon ng Pamilya
  • Pruweba ng katayuang sibil o Certificate of No Marriage (CENOMAR)
  • Balido na sertipikasyon ng walang kriminal na rekords.

At  para sa Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) ang karagdagang dokumento na kailangan ihanda ay ang kontrata mula sa bansang pupuntahan.

Ang Komisyon ng mga Filipino sa ibayong dagat ay nagpapaalala  sa bawat kliyente na mag-paparehistro sa kanilang website para makakuha ng online  appointment ay walang bayad. Ang bayad lamang na kanilang hinihingi ay  30 pesos na para sa documentary stamp tax.

Pinapayuhan din nila ang aplikante na huwag bumili ng airplane ticket hanggat hindi pa maibigay ang CFO digital certificate. Ang Komisyon ay hindi mananagot kung ang isang aplikante ay nagkaroon ng problema sa paglalakbay dahil lamang sa hindi pagdalo o hindi pag kumpleto sa CFO pre-departure program. Ang digital certificate ay kailangang ipakita sa Bureau of Immigration kapag paalis na ng bansa.

Ang susunod nating pag-uusapan ay ang Travel Tax, ito ay buwis na babayaran bago umalis ng bansa ang isang Pilipino. Sino-sino ang mga maaaring hindi magbayad ng buwis? Abangan sa susunod nating blog.

Mahalagang paalala: Para sa mga kumpletong dokumento o pinakabagong impormasyon bisitahin ang website ng CFO: https://cfo.gov.ph/

You May like to read:

Matrimony in the Philippines: Legal Capacity, How to get it?

How to Register your Philippine Marriage in Italy?

How to Apply for a Spouse Visa: Italian National Visa?

Driving in Italy without undergoing an examination?

Don’t miss our updates!

We don’t spam! Read our privacy policy for more info.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *